Parang ayaw kong pumasok noong lunes. Ayaw kong tingnan na naman ako ng mga mapanghusgang mga mata.
"You have me." sabay halakhak ni Beauty.
"Wag mo ng gawin ulit iyon, Beauty." sabi ko.
She smiled. "There's nothing wrong in fighting for what is right, Ysabel. Hindi ko naman siya aawayin kung tama siya, at tsaka, kasalanan niya rin iyon. Binati pa nga ako ni daddy sa ginawa ko." my jaw dropped. "Actually, lahat sila."
Napailing naman ako.
Mabuti at hindi iyon umabot kay mama at kay papa.
Miyerkules ng hapon ng wala akong pasok. Kaya nauna akong umuwi kay Dylan, sinabihan pa niya ako na mag lunch daw muna ako kasama si Nikki. They are all Dylan's spy.
"Ysabel..."
"Ma'am Paige..." tawag ko. She smiled at me. Lumapit naman siya sa kusina at umupo sa isang upuan doon.
"G-Gusto niyo po ho ba ng tubig? Juice?" tanong ko.
"Just water, Ysa. I am bored upstairs and I want someone to talk to."
Kumuha naman ako ng baso at sinalinan iyong tubig. Nilapag ko naman iyon sa harap niya.
"Dylan's very lucky to have you."
"P-Po?"
"Have a seat... Wala ka namang ginagawa diba?" nahihiyang hinila ko naman ang upuan sa harap niya.
"Dylan looks at you the way Kendrick looks at me too.... The way Phoenix looks at Quiana... CJ looks at Stacey... Denzel looks at Tine... Cyril looks at Des and Zek looks at Kennedy." I pressed my both lips. Ma'am Paige held my hand.
"Kendrick and I are getting older." sabay hagikhik niya. "All we want is to make our family happy and complete. We don't want our children and grandchildren hurt... And it includes Dylan... Ysabel, promise me you won't leave my apo."
"Ba-Bata pa po ako para kay Dylan, Ma'am Paige... Masasabi ko po iyon sa inyo na hindi ko siya maiiwan pero maraming kilala si Dylan, twenty na siya at baka marami pa siyang makita...." mahinang sagot ko. Sa bawat salita na binitawan ko ay parang sinaksak ang puso ko. Thinking that might happen can give me goosebumps. Ayaw kong mangyari ang araw na iyon.
What if he is my Romeo but I am not his Juliet?
"Ysabel, you see. As I mentioned earlier, those guys really love those girls... So much, Ysa... So much... Kaya alam kong mahal na mahal ka rin ni Dylan." I pressed my both lips.
"If he is the one talking in front, he always talks about his Ysabel Santos." sabay tawa ni Ma'am Paige. Ramdam na ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko.
"Palagi niya itong binibida, palagi niyang sinasabi sa amin kung gaano niya ito kamahal. Hindi nahihiya si Dylan sabihin iyon sa amin... And for sure, sa lahat pa ng tao."
"Ma'am Paige...." hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam na malaman mo kung gaano ka kamahal ng taong pinakamamahal mo. Don't get me wrong, Dylan makes sure all the time that I can feel his genuine love. Ramdam na ramdam ko iyon sa araw-araw, kahit sa pagtulog ko ay ramdam ng puso't isip ko iyon. Palaging Dylan Dylan Dylan ang sigaw nito.
Ma'am Paige reached for me and hugged me so tight. "Please take good care of our Dylan... Alam kong marami pa kaming pagsasabihan ng ganito para alagaan rin ang mga apo namin.... But I am rooting on you and Dylan, Ysabel. He promised me he will make you into a Ferguson and I hope you will allow him to do that."
Bata pa ako para isipin ang kasal na kasal na iyan. Kumbaga, wala pa ako sa climax ng buhay. Maraming pa ang mangyayari, kung kami ni Dylan magkakatuluyan sa huli o hindi? But I am praying that we will end together. I can't imagine my life being tied to others. I want him. I only want Dylan Christopher Gomez Ferguson whatever it takes, even we will go to a dangerous path, I will still choose him.