Kabanata 16

350 12 0
                                    

December when Dylan gave me a necklace. Sinurpresa niya lang ako at nilagay iyon sa kwarto ko.

Masaya akong nagtutulong sa kusina ng kanilang mansion para sa noche buena nila mamaya. Halos lahat ay busy.

Their family is a bunch of successful people! Mga businessmen, engineer, attorney, designers, and model! Siguro kahit sila Dylan kapag maka graduate na ay successful rin sila lahat.

"Is this okay?" tanong ni Ma'am Tine kay Ma'am Desiree. Tiningnan niya naman iyon at tinikman.

"Ang sarap! They will love this for sure!"

"You think?"

"Yes!"

Ma'am Tine frowned. She baked her new recipe at gusto niya raw iyon ihanda.

"Why don't you ask your son's girlfriend?" muntik na akong masamid sa sarili kong laway sa narinig ko kay Ma'am Desiree.

Hindi ko talaga alam paano nila nalaman iyon. Kahit sina mama at papa ay alam na.

Medyo gabi na ng nakarating ako sa kwarto dahil may tinapos kami sa research namin. Hinintay ako ni Dylan ng tatlong oras sa library para daw sabay lang kaming umuwi.

Binigay naman ni Dylan sa akin ang supot ng tinake out niya kanina para sa hapunan ko raw.

"Thank you." I reached and gave him a quick kiss on his cheek.

Pagkapasok ko sa kwarto ay kumakain na rin sila mama at papa.

"Oh Ysa, kain na." sabi nito.

Nilagay ko naman sa mesa ang binili ni Dylan kanina sa akin.

"Kanino galing yan? Sa manliligaw mo?"

"Huh?"

"Kay Dylan ba galing yan?" tanong ni mama.

I want to deny it kasi baka ano isipin nila.

Tumawa naman si papa. "Nakalimutan kong sabihin, noong isang araw kinausap ako ni Sir Kendrick at ni Engineer. Napag-usapan namin kayo ni Dylan."

"P-Po?" namumulang sabi ko.

"Gusto ka raw ligawan ni Dylan, pero siyempre bilang ama, sabi ko hindi muna dahil bata ka pa para kay Dylan. Pero pinilit iyon ni Engineer na subukan. Eh paano pa susubukan? Parang huli na kami sa balita." sabi ni papa. Hindi naman ako nakasagot. Nanatili lang akong nakatunganga.

Ngumiti naman si mama. "Ilang beses ka namin sinabihan nito, Ysabel ah? Okay naman kami sa inyo ni Dylan basta wag ka lang umiyak. At isa pa, hindi naman masama ang intensyon mo kay Dylan diba? Hindi porket't Ferguson---"

"Siyempre po Ma!" putol ko.

Wala naman akong pakialam kung si Dylan pa ang pinakamayaman na lalaki sa balat ng lupa, basta mahal ko siya. Period

"Tita Des, don't pressure my girlfriend." pumasok naman si Dylan sa kusina kasabay si Gab na nakaakbay sa kanya.

"I am not, Dylan...." sabi ni Ma'am Desiree. Bumaling naman siya kay Ma'am Tine. "I am not really used hearing Dylan's claiming the beautiful Ysabel." sabay tawa niya.

"I agree Tita!" sabat ni Gab. Siniko naman siya ni Dylan.

"Joke lang bro! Akala ko kasi noon mapapasakin si Ysabel, ang nakakuha pa pala sa kanya ay yung hindi DAW interesado. Tsk tsk." babatokan ulit sana siya ni Dylan ng lumayo na ito.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon