"Dylan? Pare?" good thing Rylan and Gab were there!
Sinundan naman nilang dalawa ang nagmamadaling si Dylan. Nagpaiwan naman si Gab at lumapit sa akin.
"Ano nangyari dun?" tanong nito.
"N-Nagselos kasi... M-May sinuntok siya sa library." kinakabahan ko pang sabi.
Hindi alam ni Gab kung matatawa ba o siya iiling na lang sa ginwa ng pinsan.
"Dude! You look like a mad ape! Calm down!" sabi ni Rylan kay Dylan. Nakatayo na si Dylan sa labas ng sasakyan niya at malayo pa rin ako sa kanya.
He's so scary right now.
Napatingin naman siya sa pwesto ko at iniwas ko naman ang titig ko. He is damn scary! I can't even look at his eyes.
"Ry, tara na." aya ni Gab sa pinsan. Tinapik naman ni Rylan si Dylan.
"Drive safely." sabay halakhak nito. Lumapit naman si Rylan sa akin at may binulong. "Lagot ka, Ysabel." sabay hagikhik niya. Mas lalo lang akong kinabahan!
"Rylan!" Dylan shouted his name.
Rylan raised his both hands. "Sorry! Sorry! May binulong lang ako!" depensa nito. Natatawang hinigit siya ni Gab doon.
"Get inside." I look like a puppy following his order.
Walang nag-ingay sa sasakyan niya. Hindi man lang niya napansin ang jar sa dashboard.
"Dyl---"
"Don't talk, Ysabel!" sigaw nito.
Tinikom ko naman ang labi ko at hindi na nagsalita. Kahit wala naman siyang sinasabi doon ay naiyak ako.
Hindi naman ganoon kalaki ang age gap namin ni Dylan pero ramdam na ramdam ko sa mga oras na iyon na ang sobrang bata ko pa para sa kanya, na immature pa ako, at parang hindi ako ang babaeng gusto niya. Sana noong umupo pa lang si Anton ay tinulak ko na ito at umalis! Dylan wants a mature relationship where no dramas, alright. Alam ko iyon pero kasi 17 years old pa lang ako at hindi ko maipagkakait sa sarili ko na makipagkaibigan sa iba!
Hinampas naman ni Dylan ang manibela niya dahilan ng paglakas ng iyak ko. I covered my face using my both hands.
I thought Dylan will comfort me but he didn't!
"Get inside. We'll see each other at 8pm, Ysabel." iyon lang sinabi niya.
Good thing my mother wasn't there when I arrived. Nakatulog ako pagdating ko at pagkasing ko, 6pm ay wala pa rin siya. Kaya hindi niya makikita ang namamagang mata ko.
Alas siyete y medya ng dumating si mama at papa para makapag hapunan kami doon. Nag-usap lang kami tungkol sa pag-alis nila huwebes hanggang linggo.
"Kasal kasi ng kaibigan namin, Ysa. Okay lang ba na dito ka muna? Hindi ka naman makaka-absent eh."
"Opo, ma. Wala pong problema." kailangan nilang lumuwas ng probinsya huwebes ng umaga.
Hindi pa rin alam ng mga magulang ko ang relasyon namin ni Dylan. Akala lang nila ay parang MU lang o ano. O baka may something lang. Pero hindi nila alam na boyfriend ko na talaga ito.
Dumating ako eight pm sa gazebo at andoon na si Dylan nakaupo. Unlike before, kapag nakikita ko na siya doon ay tumatakbo ako pero ngayon ay wala akong lakas gawin iyon.
Sinundan niya lang ang ng titig niya. Umupo ako sa harap niya. Five minutes already passed ng wala pa ring nag-iingay sa aming dalawa. Tanging notification lang sa cellphone niya ang ting ng ting.
I cleared my throat.
He put his phone beside him and stared at me. Yumuko naman ako.
"Ysa---"
