Kabanata 28

315 10 3
                                        

"Ysabel...." natigil ako sa paglakad ng tawagin ako ni Dylan isang araw.

"A-Ano yun?"

Isang buwan simula ng naaksidente siya. Ngayon niya lang ako tinawag.

Sa isang buwan na iyon ay walang araw na hindi ako umiiyak.

"If there is a delivery can you send it to my room?" mukhang tanga akong tumango sa kanya.

Ilang beses kong dinasal na sana maalala ako ni Dylan kahit unti-unti lang. Pero nababasag ang pag-asa na meron ako kapag nakikita ko siyang masayang nakikipag-usap sa kanyang cellphone, minsan ngingiti siya kahit nagte-text. Palagi siyang late umuwi at tuwing Sabado ay lumalabas siya.

May driver siya, hindi pa siya pinapayagan mag drive ulit.

Isang medium size na box iyon. Ayaw ko man sanang basahin ang note doon pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Can't wait to see you wearing this on Saturday. I love you!

-Mag

Mag? Sino to? Ano niya ito? Parang gusto kong itapon sa basurahan ang regalo na binigay sa kanya.

"Kanino yan, Ysa?" nabigla naman ako sa pagsulpot ni Gab.

"Para kay---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng inagaw niya ang box sa akin. Binasa niya naman ang nakalagay doon.

"Mag? Sino si Mag?" 

Ewan ko!

"Bibigay mo 'to sa kanya?" tanong ni Gabrielle sakin. Kinagat niya naman ang chocolate na hawak hawak niya.

"Hindi. Itatapon ko sana, kaso dumating ka. So bibigay ko na lang." sabay agaw ko ng box sa kanya pero nilayo niya ito.

Tumawa naman si Gab. "Bitter nito!"

"Akin na. Bibigay ko na, baka magbago isip ko at itapon ko ulit." 

"Gabrielle!" tili ko ng pinunas ni Gab sa pisngi ko ang malagkit na chocolate.

"Wag kang bitter Ysabel. Hindi bagay sa'yo ang ganyan. Sweet dapat." pinunasan niya ulit ako pero tinulak ko siya. Tumama naman siya sa couch nila. Hawak hawak pa rin niya ang chocolate bar  at naabot niya ang mukha ko.

"Gab!" tawag ko. Naiinis na ako at siya ay natatawa lang.

Ng naagaw ko ang chocolate sa kanya ay mabilis kong hinawak ang magkabilang pisngi niya gamit ng isang kamay ko. Sinaksak ko naman sa bibig niya ang chocolate. Mabilis niya naman iyon niluwa at naubo siya.

Sobrang lagkit ng pisngi ko.

"Eww Ysabel! Eww!"

"Eww mo mukha mo! Leche 'to. Kakaligo ko lang eh." pinunasan ko naman ang chocolate sa pisngi ko at pinunas iyon sa damit niya. Umilag naman siya pero kinurot ko siya at napasigaw siya sa sakit.

May tumikhim naman sa likod namin kaya napaatras ako. Umayos naman si Gab sa pag-upo pero ang titig niya  ay na sa akin pa rin.

"May lakad ako, Ysa. You ruined it." sabi nito. Hinarap ko naman siya at binelatan.

"Tseh. Kasalanan mo yan."

It was Rylan who cleared his throat. Nakasandal siya doon sa hagdan at sumisingkit ang mga mata na tiningnan kami ng pinsan niya.

"Hoy Gabrielle Cojuangco!" tawag nito sabay baba. Na sa bulsa pa niya ang kamay niya.

Mukhang may lakad nga sila. Si Dylan kaya? Kasama rin nila? Asan na kaya siya?

Tumayo naman si Gab at hinatak ako palapit sa kanya. Napasigaw namana ko ng dalawang kamay na ang gamit niya at pinunas ang tunaw na chocolate sa mukha ko.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon