It was my 18th birthday when Dylan surprised me. May pasok iyon at hindi ko iyon inaasahan. Pagkauwi ko ay nilagyan niya ako ng blind fold. Medyo late na nun, mga eight pm dahil nanuod kami ng sine na dalawa. Binigyan niya ako ng bouquet ng bulaklak at isang regalo na hindi ko pa nabuksan.
His cousins, uncles, dad, and grandpa was my eighteenth roses. Unang kasayaw ko si papa at huli si Dylan. At sa eighteenth candles naman ay si mama, mommy ni Dylan, mga babaeng Ferguson at mga titas niya. I didn't expect it. Naka uniform pa ako nun. Puros naman ang wish nila ay sa amin dalawa ni Dylan- especially girls.
"Corny mo!" natatawang asar ko sa kanya ng sumasaya kami doon. He's my 18th rose.
He smirked. "Kinikilig ka rin naman."
Dylan's really matured. Parang hindi ko iyon inakala sa kanya. There were times na dapat pinag-aawayan namin but he chose to shut up and hug me. Ayaw ko rin naman kasi ng away dahil hindi ako ganoon kapalaban. Mas gustohin kong iwasan iyon kesa lumaki pa ang gulo. I always turn my back- and that's the thing Dylan hates.
"Ysabel, you are making me insane! Can you just say a word? O sabihin mo sakin ano ang ginawa ko! Wag yung tahimik ka lang diyan at iiyak!" inis nitong sabi sa akin isang gabi ng na sa gazebo kami.
He said, they will have a group research again. Siyempre, may tiwala naman ako kay Dylan. Sobrang laki ng tiwala ko sa kanya. Pero nakita ko ang litrato na nakatag sa kanya na andoon sila sa bar. Hindi naman ako nagalit, siguro nagtampo lang? Hindi niya naman kasi kailangan mag sinungaling sa akin dahil papayagan ko naman siya.
"Ysa..." malambing na tawag niya. Pinunasan ko lang ang luha ko at hindi pa rin sumagot sa kanya.
"Damn it. Speak up, Ysabel!"
Ayan minsan ang nangyayari sa aming dalawa. Magagalit siya, tahimik lang ako. Kaya minsan mas gusto niya na lang tumahimik na lang rin. At isa pa, nakakahiya kung aawayin ko siya sa mansion nila! Ano isipin sa akin ng mga magulang niya? Dahil boyfriend ko na siya, mawawala ang respeto ko dito?
I love Dylan in a way I've never loved anyone before. I love him in a way that consumes me.
"Pwede kitang ihatid na, hon. You don't need to help me here." sabi nito sa akin isang gabi. Tinulungan ko siya sa last project na for the finals in second sem. Isang sem na lang ga-graduate na siya at hindi ko na siya makakasama sa University.
"Okay lang Dylan. Tapos na rin naman ako sa mga ginagawa ko." sabi ko.
Hiniram ni Beauty ang laptop ni Dylan dahil nasira ang sa kanya. Kaya ang personal computer niya sa kwarto ang ginamit namin. Madali lang naman ito dahil research paper lang ulit at insights niya sa ininterview nila noong isang araw.
Palagi akong pinapagalitan ni Dylan dahil sa pagpupuyat ko at pag skip ng meals. Hindi ko alam saan pa niya nalalaman iyon. Sinusigurado ko naman na kapag kaharap ko si Beauty at Nikki ay kumakain ako.
"Hmmm.. You can sleep here if you want." sabi nito dahilan ng pag init ng pisngi ko. Thinking Dylan and I in the same bed can give me shiver. Hindi pa kami nagkatabi humiga sa isang kama, ever. First time ko rin magtagal sa kwarto niya dito.
Kanina pa ako mga 8pm dito, hindi naman ako pinagalitan ni mama dahil kanina ay halos lahat sila nandito, ang ingay ingay nga nila Rylan. Pero ngayon, ten pm na, dalawa na lang kami ni Dylan ang natira.
"Hi-Hindi ako papayagan ni mama." nahihiyang sabi ko.
"Para kasing wala kang planong umalis dito eh." sabay halakhak niya.
Akala ko sweet na!
"Magagawa mo ba to kung ikaw lang? Ha."
"Nakikinig ako sa discussion namin, Ysabel. Aba, wag mong maliitin ang boyfriend mo."