Kabanata 23

370 12 0
                                    

Two months had passed since that night. That lovely night of Dylan and I. Habang tumatagal ay mas lalo kong nare-realize na sometimes home can be another person. Every time I am down, all I did was run to Dylan. Kahit niyayakap niya lang ako ay gumagaan na ang pakiramdam ko.

Ilang beses nangyari sakin ang ma stress at ma pressure sa gawain. Siyempre, grade conscious ako, at ayaw kong may mababa pa sa 90 ang grades ko. Scholar ako at gusto kong ingatan iyon.

Dylan was always there to remind me that I can make mistakes too because I am a human. Ilang beses niya akong pinagalitan dahil ako lang naman daw nag pre-pressure sa sarili ko.

January at malapit ng mag graduate si Dylan. Pero araw-araw magkasama pa rin naman kami. 

Sa dalawang buwan ang nagdaan, ikalawang beses lang namin magawa iyon ni Dylan. The first ever made love at nasundan yun after ng isang month, noong umalis si mama at papa para sa lamay ng kakilala nila, pinatulog ako ni Dylan sa kwarto niya ulit. Iyon lang naman. Hindi naman kasi si Dylan ang tipo na pinipilit ako at kinukulit ako sa ganoong bagay. He is just quiet.

"Bro, sasama tayo sa kanila!" nakasunod si Rylan kay Dylan. Nandito kami ni Nikki at Beauty sa open field tumatambay. It's the University's sports fest. Lahat ng college departments ay lumalaban para sa mga laro at sayaw. Wala rin naman kaming sinalihan kaya para sa amin boring ang isang week na ito.

"Susubukan ko nga, Rylan." sagot nito.

"Anong susubukan? Sasama ka! Period!" tiningnan naman siya ni Dylan.

"Oo nga. Minsan lang 'to, D. At puros lalaki naman tayo! Hindi naman siguro magseselos si Ysabel?" tiningnan naman ako ni Gabrielle. Kumunot lang ang noo ko sa kanila.

Dumiretso naman si Dylan sa tabi ko.

"Hay. Bili muna ako ng juice. Nauuhaw ako." sabay tayo ni Nikki ng dumating si Rylan.

Ngumisi naman ito. "Gusto mo samahan kita Nikki babes?"

"Leche! Tumahimik ka Ferguson!" sigaw nito.

Tumawa naman sila doon, inasar naman ni Beauty si Nikki.

"Nik, ayaw mo talagang maging katulad sa apelyido ko?" natatawang sabi nito sa kaibigan.

"Isa ka rin! Ayaw ko sa pinsan mo no. Eww." tiningnan naman ni Nikki si Rylan at umalis. 

Tumawa naman si Rylan at may sinabi ng nakalayo na si Nikki.

"Sarap ibulsa ng kaibigan niyo!" 

Binato naman siya ni Dylan ng maliit na bato.

"Ulol! Di ka papatulan nun!"

"Bakit ikaw? Pinatulan ka ni Ysabel! Pareho lang tayo, Dylan!"

"Mas malala ka sakin!"

"Ysabel! Pagsalitaan mo yang boyfriend mo ha! Kanina pa yan. Ilang babae ang umayaw sakin dahil pinapahiya niya ako!" sumbong nito sa akin. Inirapan ko lang si Rylan at hindi pinansin.

"Tama si Dylan, Ry... Ba't kasi hindi kapa magpa circumcise?" tumawa naman ang dalawang lalaki sa sinabi ni Gab.

"Mga ugok! Pakitaan pa tayo ngayon dito! Tuli na ako! Nauna lang kayo ng isang buwan noon sa akin pero tuli na ako!" tinaas naman ng bahagya ni Rylan ang damit niya at hinawakan ang butones ng jeans niya.

"Oh my god!" sigaw ni Beuaty sabay takip ng mga mata.

"Rylan!" sigaw ko sabay takip ng mga mata ko. Tinakpan rin iyon ni Dylan ang mga mata ko, nasa ibabaw ng kamay ko ang sa kanya.

"Joke lang! Di ko naman gagawin yun noh. Asa naman na magpapa live porn ako dito." bwiset!

Ayaw na ayaw ko talaga minsan sumama kapag sama sama silang tatlo. Katulad noon, nag-uusap sila tungkol uhhh. Basta! Madumi ang pinag-uusapan nilang tatlo na para bang wala ako doon.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon