-1-
Eris’ POV
Monday. Kelangan na namang bumangon ng maaga at pumasok sa eskwelahan. Kahit na tinatamad pa ako eh bumangon na ako. Mahirap na, baka mapagalitan pa ako ni Mama.
*unat *unat*
Lakad papuntang banyo na parang zombie…Napuyat kasi ako kagabi. Naligo na agad ako at bumaba para mag-almusal.
Nasa kusina si Mama, nagluluto ng almusal, anu pa nga ba. Nakita niya akong naka-uniform na at umupo na ako sa upuan ko. Hindi uso sa amin ang “Good Morning”.
*titig* *titig*
Huh? Kaka-conscious naman si Mama, kung makatitig wagas. Dahil ba sa eye bags ko? Hala. Baka mapagalitan ako. Lagot.
“A-ah. Ano kasi ‘Ma…” nauutal kong sabi. Bawal kasi akong magpuyat.
Siguro iniisip niyo, anu ba yan parang elementary lang bawal magpuyat? Hindi naman sa strict si Mama. May anemia kasi ako, bawal daw. Ewan ko ba.
Eto na, magsasalita na si Mama.
“Ugh. Papasok ka ng ganyan?” nagtatakang-nandidring tanong ni Mama.
“Huh?” Ano bang problema kung pumasok ng naka-uniform? Dapat bang naka-gown pa? Si Mama talaga.
“Bakit po ba?” tanong ko ulet.
“Ah, wala, wala.” nagluto na ulet si Mama.
Ano bang meron? Hmm? Weird ni Mama ah.
“Anong almusal, ‘Ma?” tanong ni ate na nakapantulog pa at hindi pa naghihilamos.
“Hindi ka ba maghihilamos man lang?” nagtatakang tanong ko. Napaka-unhygienic talaga ni ate kapag sinusumpong.
“Hindi.” tipid na sagot niya. Yuck di ba? Kumain na agad siya at parang ewan na umalis sa kusina at nanuod ng TV sa sala.
Nagpaalam na ako at nag-abang ng jeep sa labas. Baka ma-late kasi ako, 7 pa naman klase ko. Terror pa naman yung prof namin dun, katakot.
Ayan na ang jeep. Sumakay na ako. 30 minutes lang naman ang layo ng school.
Pagdating ko ng school, yun pa rin. Haay. Napaaga pa ako, ang bilis kasing magpatakbo nung driver na yun. Di bale.
Pagpasok ko ng room, ang ingay. Kaya nga ayaw ko ng napapaaga eh. Batuhan pa sila ng papel, parang mga engot. Napabuntung-hininga na lang ako.
Naglakad ako papunta sa upuan ko. As usual, pinagtitinginan na naman ako na may kasama pang bulungan.
Bakit? Aba, ewan ko sa kanila. Nagbasa na lang ako para hindi na nila ako pansinin.
Nang dumating na si prof, nagsitahimik na sila. Mabuti naman.
After ng klase namin, may 2 hours akong vacant kaya nagmadali akong makalabas ng impyernong classroom na yun. Katakot kasi yung prof na yun eh, parang nangangain ng tao.
Ang layo ng pupuntahan ko pero ayos lang sa akin, iisipin ko na lang exercise to.
*lakad* *lakad*
Dumaan ako sa sa cafeteria at parang may pinagkakaguluhan sila. Napahinto ako. Ano bang meron? May namimigay ba ng freebies? Grabe naman kung magtulakan sila, ganun ba sila kagutom? Tsaka imposible namang magtulakan yung mga yun dahil sa freebies. Private school kasi itong university namin. Ang yayaman naman nila para magpatayan sa libre na yun. Tsaka, teka lang, bakit babae yung mga nagkukumpulan? Baka naman may nag-aaway? Ah, kung ganun, hayaan ko na nga. Kahit magbasagan pa sila ng bungo wala naman akong mapapala.
BINABASA MO ANG
Mai-in Love Ka Rin Sa Akin
RomancePuro na lang sila 'love is like this, love is like that'. e hindi naman ako interesado dun. Hindi na ako naniniwala sa love.... Pwede namang mag-isa lang di ba? Pero ano yun? May bigla-bigla na lang sumulpot na posteng kabute na ipinipilit na in-lov...