-17-
Irvin’s POV
Wahahahahahahahahahahahahaha!! XD
Nabasa niyo naman siguro kung paano ko asarin yung bansot na yun di ba?
Hindi?
Pwes, basahin niyo na lang.
Napapagod na kasi yung author sa kaka-flashback eh. Kayo ba hindi nagsasawa?
(a/n: Ahak. Anu ba?! Maawa kayo sa utak ko, nagkaka-internal-
hemorrhage na sa kaka-flashback eh.)
Lalo na yung nasa upuan kaming dalawa. Haha. Kakatawa talaga! XD
Pinagtitripan ko lang naman siya. Kasi alam ko naiinis na talaga siya. Ayos nga yung reaction niya eh. Award!
Haha. Saka wag niyo nang alamin kung ano nasa utak ko habang inaasar ko siya. Don’t get into my head too much, nakakabuwang yun.
Haha.
After naming kumain at nang makapasok na si Mama sa kwarto niya para makapagpahinga, nag-ayang magplaystation si ate. (oha, pinanindigan ko na talaga yung pagtawag ko ng Mama at ate. Waha. Hayaan niyo na.)
Ang sayang kalaro ni ate, ang daya. Haha. Bihasa kasi siya, sabi niya. Haha. Ok, hayaan. Kasiyahan niya yun eh. Waha.
Habang naglalaro kami, nagkukuwentuhan kami.
“Ikaw ah, hindi mo sinabi sa akin, kayo na pala ng kapatid ko.” sabi niya with a pout. Patampo effect ba. Aha. Parang bata lang si ate.
Natawa naman ako kay ate.
“Haha. Hindi ate. Inaasar ko lang siya.” sabi ko. Totoo naman eh.
“Talaga?” tanong ni ate na para bang hindi naniniwala.
Tumango na lang ako.
“Hmm. Sayang naman. Gusto sana kita para maging bayaw.” sabi niya na seryoso at deretso ang tingin sa monitor.
Napahinto naman ako.
Bayaw?
Bakit parang natuwa yata ako sa sinabi ni ate.
Hindi na lang ako umimik.
Sa bandang huli, natalo ko si ate. Ahaha. Gusto daw niya ng rematch. Pumayag naman ako. Ang kulit eh.
Tapos sabi niya matutulog daw siya kasi may pasok pa siya mamaya. (pang-gabi daw yung trabaho niya. it’s a decent job y’all)
Isinama niya ako sa taas at itinuro yung kwarto ni bansot.
Magkabilaaan yung kwarto nila. Tapos may isang pinto sa tabi ng kwarto ni bansot na kung hindi ako nagkakamali e yung banyo. May hallway sa gitna. Tapos sa dulo nun, may veranda.
Huminto kami sa harap ng kwarto ni ate.
“Kumatok ka muna. Ayaw niyan ng hindi kumakatok. Nagagalit.” babala ni ate sa akin.
Lalakad na sana ako papunta sa pinto ng kwarto ni bansot nang may pahabol pang sinabi si ate habang papasok ng kwarto niya.
“Ayoko munang maging tita agad, ha? Hahahaha.” sabi niya na may kindat pa. ;)
Napailing na lang ako kay ate. Iba talaga trip ni ate.
Haha.
Kumatok muna ako kahit hindi uso sa akin yun. Bilin ni ate eh.
*tok* *tok* *tok*
*creeeeeeeeeaaaaaaaaaaaaaaaaaakk*
Bumukas ang pinto at ang sumalubong sa akin ay ang nakabusangot na mukha ni bansot.
![](https://img.wattpad.com/cover/1251438-288-k206240.jpg)
BINABASA MO ANG
Mai-in Love Ka Rin Sa Akin
RomancePuro na lang sila 'love is like this, love is like that'. e hindi naman ako interesado dun. Hindi na ako naniniwala sa love.... Pwede namang mag-isa lang di ba? Pero ano yun? May bigla-bigla na lang sumulpot na posteng kabute na ipinipilit na in-lov...