Chapter 7 - Love According to Carl, the Love Guru

1K 15 0
                                    

woooh! may nagbabasa pala ng gawa ko aside kay coyleegirl? ahehe. kaya eto, may new chapter na! yipeeeeeeeeee! >.< guraaaaabeeee. salamat kay @osomlystoopid na nag-like/comment sa story ko. huhu. :') soooo touching. ahe. dedicate ko sa'yo 'to. mwaaaaah.

lovelots,

chris <3

-7-

Irvin’s POV

Umuwi na ako sa condo ko at dun ko na lang ipinagpatuloy yung ginagawa ko. Psh. Mabuti na lang kahit dito man lang sa bahay e may katahimikan.

Tahimik akong nagbabasa ng next agenda sa meeting namin nang. .

.

.

.

.

Dumating si Godzilla at pinasabog ang Pilipinas. Namatay ang lahat ng adik, manyak, kriminal, mandurugas at lahat ng masama sa mundo including you. The end. And they lived happily ever after. Tapos na. Gora ka na.

Hindi. . . . .joke lang. May dumating lang na asungot.

“Hellooooooooooooooooooooooooooooooooo!!!!!” sigaw ng balahurang panget na yun. “I’m home!”

Ang kapal talaga netong panget na ’to. Siguro nung nagpasabog ng kakapalan si Lord, sinalo niya lahat. Hindi na siya namigay, ipinagdamot pa niya. Kaya solong-solo niya. Soooobrang kapal eh. Feeling pa oh.

Pagkatapos niyang hubarin ang polo shirt niya at ang sapatos niya, dumeretso siya sa kwarto ko at nahiga dun sa kama ko.

Pigilan niyo ako, ima-massacre ko ‘tong panget na ‘to!

Pinulot ko yung mga gamit niya at pumasok ng kwarto ko. Pagkapasok ko, nakita kong tulog na yung panget.

Ang kapal naman neto, feeling niya nasa sarili niyang bahay.

Binato ko yung gamit niya sa kanya at ibinalot ko siya ng kumot na parang sushi. Hindi man lang siya nagpumiglas. Pero nung mapansin niyang hinigpitan ko yung pagkakaipit ko eh nagsalita siya.

“H-hey! What are you doing?! Hindi mo ba nakikitang natutulog ako? May date pa ako mamaya. Kelangan ko ng beauty rest! Uy! Ano ba!” sigaw niya habang nagrereklamo.

Mas makapal pa sa libag ang kakapalan ng panget na ‘to. Psh. As if naman may beauty siya na ire-rest niya. Wuh, kapal!

Hindi siya makagalaw ngayon kasi iniipit ko siya.

“Nasaan na nga ba yung lubid ko?” sabi ko habang hinahanap ko yung lubid. Dapat itali ko na ‘to.

“H-ha? Lubid? A-anong gagawin mo, uy!” tinakpan ko ng unan yung mukha niya. “asdfalkaj!”

“Wag kang magalala. Itatali kita ng maigi para buo pa rin katawan mo pagkahulog mo mula sa bintana ng condo ko. 18th floor naman ‘to eh. Kaya mo yan.” I said calmly as I flashed him an evil grin.

“Mhslfujuoujdlnldf!” impit na sigaw niya. Namumula na ang mokong. Hindi na siguro siya makahinga.

 Kaya binitawan ko na.

“Ah!” -siya.

-_- --ako.

As much as I want to shut him up, ayoko namang makulong. I have better things to do kaysa aksayahin ang oras ko sa walang kwentang nilalang na tulad nito.

“I thought you’re going to kill me! Ugh!” hinahabol pa niya yung hininga niya. Psh. What a sissy.

“I was supposed to.” sagot ko. Tumingin siya sa sa akin na parang hindi makapaniwala.

Mai-in Love Ka Rin Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon