Chapter 6 - Are you in-love with me? ;)

1K 16 1
                                    

-6-

Eris’ POV

Nung makalabas na si posteng martian, nagtago ako sa likod ng santan. Tapos tinawag ko siya.

“Pssssssssssssssssssssssssssstt.”

Ay ang bingi. Nagtuluy-tuloy lang sa paglakad? Hmmm. Ah!

“Psssst. Oy emoterong poste ng meralco na masungit na martian. Dito, dali.” tawag ko habang nakaupo sa likod ng santan.

Lumapit naman agad siya pero tinapon niya yung bag ko sa lupa. Hala, nadumihan na. Tapos sinigawan pa niya ako.

“WHAT THE HELL DID YOU CALL ME?!”

High blood naman siya masyado. Tsaka bakit siya sumisigaw? Baka makita kami ni bakulaw, sapakin pa ako nun kasi sinuntok ko siya di ba? Haist.

Pinulot ko na yung mga gamit ko at hinila na yung posteng martian.

“Baket mo ako--asdfasdfag!” sigaw niya.

Buti na lang natakpan ko agad yung bibig niya. Lumabas na kasi yung bakulaw dun sa library.

Bakit ba ang hilig-hilig sumigaw ng martian na ‘to? Sigawan siguro kung mag-usap sa planeta nila. Baka marinig pa kami kaya kinwelyuhan ko siya.

“Wag kang maingay.”  bulong ko. Ewan ko kung narinig niya. Basag na kasi eardrums neto sa kakasigaw pa lang niya.

Tinitigan ko siya ng maigi kasi baka gumawa ng gulo ito eh.

Ang weird talaga ng pagka-black ng mata niya. Weird din ng face niya. Tapos ang weird ng height niya. Ang weird ng buhok niya, lalo na yung personality niya. Siya ang hari ng wierdness.

Binitawan ko na siya at tumayo agad nang mapansin kong umalis na yung bakulaw. Haay, mabuti naman.

“I’m sorry kung hinila kita.” sabi ko habang iniaabot yung kamay ko para tulungan sana siyang tumayo.

Pero tumayo na siya at hindi niya ako pinansin.

“Ahem. It’s okay.” sabi niya. Anu yun, pa-cool effect? Psh. Pinagpagan pa niya uniform niya. Ang arte.

“Sige.” sabi ko. Inaantok na kasi ako. Gusto ko ng umuwi. Nakakaubos ng enerhiya ang kumausap ng poste.

“W-wait!” sigaw pa niya. Haay. Wala ba siyang alam gawin kundi sumigaw? Sakit sa eardrums eh. Napangiwi tuloy ako. Lumingon ako sa kanya at tinitigan siya.

Then he asked with a smirk,

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Are you in-love with me?”

1

2

3

H-huh? Ano daw yun? Nasira na yata yung eardrums ko sa kakasigaw niya, hindi ko naintindihan yung sinabi niya. Ang lakas pang maka-asar ng ngisi niya.

 Parang adik lang eh. Ano kayang tinira neto? Dami sigurong katol sa kanila.

Natawa tuloy ako.

“Bwahahahahahahahahahaha!” tawa ko. Natawa kasi ako sa kanya, kasi super feeling siya. Grabe. Pwede na siyang komedyante.

Lalo pa siyang ngumiti. Mas nagmukha siyang tao nung ngumiti siya. Ah hindi. Alien pala siya.

I sighed.

“I‘m sorry.” sabi ko sabay ngiti. “But I’m not capable of such a stupid emotion.” tapos tumawa ulit ako.

“Ahaha. No offense, pero. . . .

 ayoko sa alien na tulad mo. Bye.” nginitian ko siya tapos umalis na ako.

Lakas ng trip ng lalaking yun eh. Haha.

Ako? In-love sa kanya? Psh. Asa siya. Hindi na ako naniniwala sa love. Kalokohan.

Irvin’s POV

Then he asked with a smirk,

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

“Are you in-love with me?”

She just stared at me for three seconds.

 Gotcha! Hahaha.

Halata naman sa mga kilos niya eh. Nagpapapansin pa siya e, ganun lang naman pala. Mas mabuti nang magkalinawan na kami ngayon pa lang.

Alam kong madaming nagkakandarapa sa akin. (A/N: Ano sila, aso? Ahahaha. Joke.) But I’ve learned that love is a dangerous thing. And besides, ayoko ng stalker. Pampagulo lang yang mga ganyan.

I smiled kasi pasimple pa siya. Akala mong walang pakealam pero patay na patay pala sa akin. Sorry na lang siya.

Tapos bigla na lang siyang tumawa.

“Bwahahahahahahahahahaha!”

Lalo pa akong ngumiti. Siguro dahil sa sobrang kilig niya kaya tawang-tawa siya. Psh. Ang mga babae talaga.

After a while, tumigil din siya sa pagtawa. Mabuti naman. Ang tagal din niyang kiligin ah.

Nagbuntunghininga pa siya.

“I‘m sorry.” she said with an amused smile.

Bakit siya nagso-sorry? Kasi nabuko ko na siya, ganun? Pero bakit nakangiti pa siya? Nawawala tuloy yung mga mata niya. Anu yun, invisible?

Pero….cute siya. Ay, sinabi ko ba yun? No I did not.

“But. . . I’m not capable of such a stupid emotion.” tapos tumawa na naman siya. Hindi naman siya masaya no?

Ano yun? Hindi daw siya capable ng emotion na un? Baka hindi siya tao.

Pero yung sunod niyang sinabi ang hindi ako makapaniwala…

“Ahaha. No offense, pero. . . .

 ayoko sa alien na tulad mo. Bye.” ngumiti pa siya bago umalis.

A-anong sabi niya? Hindi daw siya pumapatol sa alien na t-tulad…KO?!

Wait a minute, kapeng mainit. Did she just dump me?

Pero hindi, iba yung sinabi niya eh. And it’s not as if gusto ko siya, kaya I’m not dumped.

But she did say na ayaw niya sa akin. Anong ayaw niya sa akin? Gwapo naman ako, matalino, mayaman! Hindi ba yun lang ang gusto ng mga babaeng tulad niya? Pare-pareho naman sila eh.

Psh. Suit yourself, midget.

Akala siguro ng bansot na yun kayang-kaya na niyang apakan ang pride ko, dahil lang ipinamukha niyang ayaw niya sa akin. Hmp. Akala niya hahabulin ko siya? Pwes. . . . . .

 Maghintay lang siya. Mwahahahahahaha. I don’t waste my time on useless people! Every minute counts.

Ah! May appointment pa ako! Late na ako. Tsk. Kasalanan ng bansot na yun! Tapos sinira pa niya yung files ko. Nakuuu! Kung hindi lang babae yun, inupakan ko na!

Di bale. I changed my mind. Lagot siya sa susunod na magkita kami! Ipapakita ko kung ano ang kayang gawin ng isang Irvin Michael Santos! Bwahahah. *evil laugh*

Umalis na ako ng lugar na yun at baka samain pa ang taong makakasalubong ko. Pina-cancel ko na lang kay Cathy yung meeting ko with our clients. Kainis. Nasira pa business ko ng dahil sa bansot na yun! Aaaaargghhh!

Mai-in Love Ka Rin Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon