-18-
Eris’ POV
Ilang araw din ang long weekend na yun. Hanggang Friday kasi walang pasok. Wag niyo nang itanong kung bakit. Ang hirap magexplain eh.
Tapos lumipas na din ang ilang weeks.
Ilang araw din akong kinukulit nina Mama at ate na itext ko daw si posteng martian. Psh. As if naman itetext ko yun.
Unang-una, wala akong number niya. Pangalawa, hindi ako interesado.
Sinabi ko lang, wala akong load. Tehe.
Pero kinuha pa rin ni ate yung cellphone ko at hinanap dun yung number nung posteng martian. Haha. Sige lang. Tignan lang natin kung may mahanap siya. Haha.
Masaya naman ako nung mga nagdaang mga araw. Peaceful. Just like I wanted it.
Ang tahimik. Maghapon at magdamag akong nababasa. Well, aside from school, that is.
Monday.
Parang zombie akong naglakad ng hallway papunta sa room.
Maaga akong pumasok kasi ginugulo ako ni Mama na kausapin ko daw si posteng martian. Magbati na daw kami.
Hala.
Akala yata ni Mama nag-away kami.
Well, totoo namang nag-away kami.
Makipagbati daw ako. Akala yata inaway ko. Tch.
Whatever.
After 30943797349274 years, nakarating din ako sa room.
Wala pang tao. Meron lang isang lalaking nakauob yung ulo sa desk ng upuan niya. Sa tabi ng upuan ko ah. Tsk. Dinala pa talaga dito ang antok niya ah.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa upuan ko.
Umupo ako at inayos yung mga gamit ko. Nilabas ko yung novel ko. Wuthering Heights ang binabasa ko.
Nakakadalawang pahina na ako nang magsalita yung katabi ko.
“Good morning.” ^____^
Tumango lang ako. Hindi ko kasi talaga kinakausap ang mga kaklase ko.
“Mabuti naman naabutan din kita. Ang hirap mong hulihin eh.” ^___^ sabi nung boses ng lalaki.
Nagtaka naman ako. Pinagsasabi neto?
Inalis ko yung tingin ko sa binabasa ko at bumulaga sa akin ang nakangiting mukha ni bakulaw.
^___^
Hindi ko man lang napansin na inilapit pala niya yung armchair niya sa upuan ko. Bale nung paglingon ko, nakatutok talaga yung mukha niya sa akin.
“Ay, anak ka ng tatay mo!” sigaw ko. Napatayo pa nga ako eh.
Nakasandal ako ngayon sa pader kasi nga di ba malapit lang yung upuan ko sa pader? So ayun. Para akong tangang nakasiksik sa pader habang hawak ko yung libro ko with a horrified face.
“Sa pagkakaalam ko, anak nga ako ng tatay ko. Well, pati na rin ng nanay ko.” sabi habang nakaturo yung hintuturo niya sa sentido niya na wari mo eh inisip talaga yung sinabi niya.
“Ay tanga. Hindi ko tinatanong kung anak ka nga talaga ng tatay mo. That was an expression.” natanga tuloy ako sa kanya. =___=
Nawala pagkabigla ko sa sinabi niya.
Weirdo alert!
Psh.
“Oh.” sagot ni bakulaw na wari mo eh na-gets talaga yung ibig kong sabihin. Haay naku.
BINABASA MO ANG
Mai-in Love Ka Rin Sa Akin
RomancePuro na lang sila 'love is like this, love is like that'. e hindi naman ako interesado dun. Hindi na ako naniniwala sa love.... Pwede namang mag-isa lang di ba? Pero ano yun? May bigla-bigla na lang sumulpot na posteng kabute na ipinipilit na in-lov...