CHAPTER 44
(a/n: while reading this, I suggest na pakinggan niyo yung song ni Demi Lovato na Give Your Heart a Break, perfect for this chapter!)
Eris’ POV
“Then why did you do it?” tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako sa mga mata ko and held my gaze firmly.
“Because I care about you.” Yang ang dahilan niya.
O__O
He…what??
I stared up at him and saw that he’s telling the truth.
Bigla akong naguluhan. Bakit ganito? Anong nangyayari? Paano napunta dito ang usapan? We were just talking about passing drunkards…and… Why does it have to be like this? No…he’s…
This is impossible. He’s got to be kidding me.
“Y-you care? Ha….that’s…I…” biglang hindi ako makatingin sa kanyang mga mata, na para bang natatakot ako kung anong makita niya. “No. That can’t be, you’re just like them…you say the right things…you make me believe. Then, you’ll get tired and leave me too.” I answered bitterly. Hindi ko alam kung sinong kinukumbinsi ko, siya ba o ang sarili ko.
Nararamdaman kong nakatingin pa rin siya sa akin. Alam ko, tama ako. Gaya niya lang ang iba…wala siyang pinagkaiba. He just lied to me…and I can’t get swayed and believe in him again. He’ll get used to it and do it to me over and over until…
“Anak naman ng tokwa Eris!” sigaw niya at bigla akong napatingin sa kanya. “What do you want me to do, spell it out for you so that you’ll understand better?! Tanga ka ba ha? O sadyang manhid ka lang? Ano bang parte ng ‘I care about you’ ang hindi mo naiintindihan? Don’t you get it? I care about you! At gusto mong malaman kung bakit? Because I-I like you! Kita mo yun? Nauutal pa ako. Ikaw lang nakakapagpautal sa akin!” sabi niya at huminga ng malalim. “I don’t know what I’ll…”
Tinignan ko lang siya na para bang nag-evolve siya bigla sa harapan ko.
“I…I…” hindi ako makapagsalita ng maayos. Hindi ko alam ang sasabihin ko. He stared back at me and I felt my cheeks burn.
“Ano? Hindi mo pa rin maintindihan? Anak naman ng leche flan! Para ka namang X ng Algebra eh, ang hirap mong kunin! Sa tingin mo ba ginugulo kita lagi dahil wala akon magawa sa buhay ko? Hindi! It’s because I like you and I like being with you. I like how you say mean things to me just to flip me off. I like how you get upset so easily when I tease you. I like how you walk away and ignore me and still I try to get your attention.” Paliwanag niya na para bang nagmamakaawa. “Then tell me, do you think I don’t like you better to care about you?”
Anong…? Hindi ko…paano ba huminga?
Blanko ang utak ko at parang walang laman. Parang umiikot ang lahat and I get a heady feeling like I’m tipsy.
No, I’m not drunk. Hindi naman ako umiinom. Kasalanan ng lasing na yun, hinawahan yata ako ng kalasingan niya eh.
(a/n: sisihin ba naman??)
“Eris, look at me. Please.” Pagmamakaawa niya.
I reluctantly stared up into his eyes.
“Irvin, I, uh…I can’t…it’s not…” hindi ko rin maintindihan ang sinasabi ko pero…sana maintindihan niya. “I’m not good enough for you.” Sagot ko.
Hinawakan niya ang pisngi ko para hindi maalis ang tingin ko sa mukha niya.
“Who says you’re not? You’re the best for me.” bulong niya.
BINABASA MO ANG
Mai-in Love Ka Rin Sa Akin
RomancePuro na lang sila 'love is like this, love is like that'. e hindi naman ako interesado dun. Hindi na ako naniniwala sa love.... Pwede namang mag-isa lang di ba? Pero ano yun? May bigla-bigla na lang sumulpot na posteng kabute na ipinipilit na in-lov...