Chapter 8 - I'm Messing with...whom?!

910 13 0
                                    

-8-

Eris’ POV

Bumalik ako ng library para sa shift ko pagkatapos akong guluhin ng poste na yun. Mabuti na lang nakaalis na yung bakulaw, kundi baka upakan ako nun kapag nakita ako. Mag-iingat na ako, baka makasalubong ko siya eh. . .

Pagkapasok na pagkapasok ko, sinalubong ako ni Anne.

“Eris, buti andito ka na. Naku! Kakaloka yung nangyari kanina!” natatarantang kwento niya.

“Ah.” sagot ko na lang. Tinatamad ako na sumagot sa mga ganyang mga bagay.

“Grabe talaga yung nangyari kanina. Umalis lang muna ako para mag-lunch tapos pagbalik ko nakakalat yung libro sa shelf ng mga horror books. Parang binagyo lang eh.” kwento niya habang nilalagay ko sa locker ko yung bag ko.

“At eto pa ang nakagulantang!. . . .” excited na kwento niya.

Napahinto pa ako sa pagaayos ko sa mga gamit ko sa locker. Alam ko na yata ang susunod na sasabihin niya. *gulp*

“May isang gwapong nilalang na nakahiga sa tabi ng shelf! “Ayeeeeee~” kinkilig na kwento niya. “At hindi lang basta gwapo! Gwapong-gwapo! Ahihi. Grabe lang. Akala ko nakakita ako ng anghel. Si Sir lang pala.”

“Sir?” tanong ko. Instructor ba siya dito o prof? Hala. Nakasakit ako ng isa sa mga faculty members?

 Baka ma-expel ako, tinakasan ko pa man din. Lagot na!

“Yun bang lalaki e. . . .kasama sa mga faculty members?” tanong ko.

“Huh? Hindi mo ba alam? Mas mataas pa siya sa mga faculty member.” Wow. Ang daming alam ah. Teka, kung hindi faculty member, ano siya? Presidente? Chairman of the board? Ang bata naman yata niya? Ang gulo.

“What do you mean?” -ako. ~_~

“He’s a prince.”-siya. ^_^

~_~ à 0_0 --ako.

P-prince?

Teka, naglinis naman ako ng tenga pero bakit parang nabibingi ako? P-prince daw? Anak ng tokwa naman! Lalong gumulo!

“Ahihi. Kakakilig nga eh. Tinulungan ko kasi siyang makatayo. May sugat pa man din siya sa labi. Tapos nagpa-thank-you siya sa akin. . .And. . .  NGINITIAN niya ako! Guuraabeee! Makalaglag panty! Ahihi.”

Siya-- >.<                 ako-- -_-

“Mabalik tayo, kelan pa nagkaroon ng prinsipe sa Pilipinas?” tanong ko. Nagpapantasya na kasi siya, kulang na lang tumulo laway niya.

“Ha?! Hindi ganun yung ibig kong sabihin! Hindi mo ba kilala ang tinutukoy ko?” gulat na gulat na tanong niya na halos lumabas na eyeballs niya sa pagkabigla.

Umiling lang ako.

“Omaygash isang kilong bigas! Hindi mo kilala si Prince Natsume?!” nanlalaki ang matang tanong niya. Ganito oh:

(0o0) --basta gulat na gulat siya.

Well, obviously hindi ko alam. Itatanong ko ba kung alam ko?

“Hindi.” walang ganang sagot ko.

“Haaay. Tsk. Okay. Dahil mabaet naman ako, ipapaliwanag ko sa’yo kasi dapat alam mo ‘to.”

Really? Buti na lang kung yumaman ako sa malalaman ko no.  -_-

“Si Prince Natsume ang nag-iisang anak ng may-ari ng Fujiwara Group of Companies, na nagmamay-ari din ng school na ‘to. Kaya tinuturing siyang “prince”. Yung dad niya, si Mr. Fujiwara, is half-British and half-Japanese. Yung mom naman niya Fil-Am. Oh di ba? Imported na imported. Dito din siya nag-aaral. Hmmm. . . Ano pa nga ba? Sa pagkakaalam ko, wala siyang girlfriend. Yun lang ang alam ko eh.” ^-^

Mai-in Love Ka Rin Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon