-19-
Irvin’s POV
Mula nung araw na yun, hindi na muna ako pumunta kina bansot. Natambak kasi yung trabaho ko. Hindi ko naman pwedeng pabayaan kasi maba-bankrupt ako.
Basta puro trabaho lang ako at school a few days mula nun.
Sunday.
11am nang magising ako.
Naligo ako at nag brunch.
Nasa sala ako at nanonood ng TV nang may mag-doorbell.
*ding dong*
Kahit na tinatamad akong tumayo, naglakad pa rin ako na para bang zombie.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, pumasok agad yung panget na yun ng walang pakundangan. Walang hiya talaga.
Pagkapasok niya dumeretso agad siya sa ref.
Tignan niyo kung gaano kawalanghiya ang panget na yan. Hindi man lang ako binate.
>=/ --ako.
Kumuha siya ng pagkaen dun at dinala sa sala.
“Mukha bang restaurant sa’yo ang condo ko?” I asked sternly.
Tumingin naman siya sa akin habang nilalantakan yung ham sandwiches. Psh. Napaka-PG.
“Sort of.” sabi niya habang puno ang bibig niya.
“Nguyain mo naman.” I said while rolling my eyes.
Nasa sahig siya at nakatutok sa TV habang parang patay gutom na kain lang ng kain.
Nang mabulunan siya, kinuha ko yung isang bote ng 1 liter coke.
“O-oy!” sigaw niya.
“Hmm? Baket?” ako. -___-
“Ahem. Ahem! Tubig!” sigaw niya at tumakbo na siya sa kusina.
Psh. Buti nga.
Pagbalik niya, humhingal niyang pinunasan ang bibig niya ng likod ng kamay niya at umupo ulit sa sahig sa harap ng TV.
Tapos, ipinagpatuloy na niya ang pagkain niya. Psh.
Nang matapos na siya, iniligpit ko na pinagkainan niya. Nahihiya naman kasi ako sa kanya, nakikain na nga pagliligpitin ko pa ba? Nakakahiya. Grabe. Sarap sakalin eh.
*burp!*
O di ba? Hindi na nahiya. Humikab pa talaga sa harapan ko, hindi man lang nagpasintabi.
“Ah! I’m full.” sabi pa niya. (^____^)
“Hindi halata. Laki na nga ng bilbil mo eh.” I said nonchalantly.
-____- ako.
(0o0) --siya.
“Sa sexy kong ‘to?!” sigaw pa niya habang nagpa-pose-pose pa. tsk. Baliw talaga. Wild lang ng reaction eh.
I rolled my eyes.
Tapos tumabi siya sa akin sa couch at parang batang excited na nagtanong sa akin.
“So, bespren…kamusta na kayo ni you-know-who?” tanong niya sabay kindat. ^__~
Psh. Sundutin ko mata neto eh.
Hindi ako sumagot at tinignan lang siya.
“Ano ka ba. Wag ka ngang maramot. I-share mo na kasi. Ahihi. Alam ko pinuntahan mo siya sa bahay nila.” sabi niya na may pataas-taas pa ng kilay.
(0__0)
That got my attention.
“How did you..?” tanong ko.
BINABASA MO ANG
Mai-in Love Ka Rin Sa Akin
RomancePuro na lang sila 'love is like this, love is like that'. e hindi naman ako interesado dun. Hindi na ako naniniwala sa love.... Pwede namang mag-isa lang di ba? Pero ano yun? May bigla-bigla na lang sumulpot na posteng kabute na ipinipilit na in-lov...