Chapter 42 - Realizations, confrontations and kunsumisyon

469 5 1
                                    

CHAPTER 42

Irvin’s POV

Hindi ko alam kung anong magic ang ginawa ni Mang Ador, pero bilib na ako sa kanya. E paano ba naman, it took him only fifteen minutes to resuscitate my dead car. With no CPR!

May sinabi pa si Mang Ador na chuchus about sa problem nung sasakyan…pero, hindi na nakinig ang isip ko dahil I’m in big trouble.

Hinanap ko ang cellphone ko sa kotse at kinuha ito. Tsk, drained na ang battery! Hindi ko ito naiwan sa bahay gaya ng sabi ko kay bansot. Mag-a-alburuto na naman yun for sure kapag nalaman niya. Napakamainitin ng ulo ng bansot na yun. May anger management issues yun. Haay.

“Ayos na, iho.” Sabi ni Mang Ador. He’s a magician…with cars.

“Ah, salamat po. Pasensiya na po kayo sa abala.” Paumanhin ko.

Ngumiti naman si Mang Ador habang ibinabalik sa itim niyang bag ang mga gamit niya sa pagkumpuni sa kotse ko.

“Kuya, kuya!” tawag ni Totoy.

Nginititan ko si Totoy at binuhat sa likod ko pabalik ng bahay nila. I don’t know but I think it would be fun to have a little brother. Funny thing, pero ayokong magkaroon ng kapatid na katulad ng panget na dinosaur (Carl). Kaka-trauma.

Pagkapasok namin ng bahay…

“Oh, tamang-tama! Upo na kayo at kakain na.” aya ni Aling Berta. Nakapghain na sila. Si bansot hayun at ngingiti-ngiti katabi si Nene. Close?

Umupo na kami at kumain ng tanghalian kahit na mag-a-alas-dos na ng hapon. Ang sarap ng inihaw na hito at kamatis na may bagoong. Sarap! Tapos sa dahon ng saging pa kami kumakain. Habang nagkakamay pa ah. First time kong maka-experience ng ganito.

(a/n: yum! Penge!)

Pagkatapos naming kumain, tinulungan ni bansot sa pagliligpit ng pinagkainan sina Nene. Saka sila pumunta ng kusina at naghugas ng plato.

Lumabas naman kami nina Totoy at Mang Ador at umupo sa upuan sa ilalim ng puno ng mangga. Naninigarilyo si Mang Ador.

Inaabotan niya ako ng isang stick pero…hindi na ako naninigarilyo. “Hindi po, salamat na lang.” sabi ko.

Naglalaro kami ni Totoy habang tinitignan naming ang malawak na taniman ng kape sa likod ng bahay nila. Katiwala daw sila ng taniman.

“Ilang taon ka na ba, iho?” tanong ni Mang Ador.

“Sixteen po.” Sagot ko.

Tumango siya. “E yung kasintahan mo?” tanong niya ulit. Kasintahan? Bakit ba parang ang init ng pakiramdam kapag sinasabi nila na magkasintahan kuno kami? Ay ano ba.

(a/n: harot! Nasa Pilipinas ka kaya mainit! hahaha)

“Nineteen na po siya.” sagot ko. Saka ko naalala na kaarawan niya ngayon. She must hate me because her birthday sucks, because of me. haay.

“Ah, mas matanda pala siya sa’yo.” Kumento niya.

Tumango lang ako. Age difference…huh. “Pero magiging seventeen na po ako niyan.” Sagot ko. Why do I hate it when we have differences?

Tumawa ng mahina si Mang Ador. “Haha. Ganyang-ganyan din ako nang bata pa ako.” Sabi niya.

“Huh?” tanong ko. ~__~

He cleared his throat at lumpit siya sa akin na para bang may ibubulong sa akin. Lumapit naman ako sa kanya para marinig ang sasabihin niya.

“Hindi mo kasi naitatanong, may agwat din kami sa edad ng asawa ko.” Sabi niya.

Mai-in Love Ka Rin Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon