CHAPTER 33 - Take It Off

661 11 0
                                    

CHAPTER 33

“TAKE IT OFF! TAKE IT OFF!” sigaw ng mga tao habang may mga sumisipol pa.

Hmm…

Yeah. So, remind me again WHY I was about to humiliate myself in front of so many people?!

Well, that was because, a few hours ago…

(a/n: lets rewind! Wohoo! >__<)

A few hours ago…

Agad umalis si ate dahil may gagawin pa daw siya kasama si Dad, samantalang yung panget na dinosaur naman may pasok daw. Kailangan kasi niyang magpakabait dahil andito si ate. Psh.

Kaya, kaming tatlo lang ang naiwan dito.

Ako, si bansot…at ang annoying mushroom na nakangiti na parang nakalunok ng isang atis. Psh. Crazy people.

“Hi, Eris. How are you?” tanong nung mushroom kay bansot.

Nakaupo lang ako sa couch at pinapanood sila.

Si bansot naman parang oblivious pa rin, para kasing hindi niya ina-acknowledge ang existence nung mushroom eh. Basta tumatango lang siya.

“Alam mo ba, nag-alala talaga ako kanina nung hindi ka pumasok! Akala ko nga may kumidnap na sa’yo eh, pero sabi naman ni aling Bebang may pinuntahan ka lang daw.” Tuluy-tuloy na kwento nung adik na mushroom.

I rolled my eyes.

“Eh? Si Aling Bebang?” parang nagtatakang tanong ni bansot.

Tumango naman yung mushroom. Tsk. I-gisa ko ‘to eh.

Tapos kung anu-ano pa pinagsasabi niya na yung iba wala ng sense.

After kumain ng lunch ni bansot, akala ko aalis na yung mushroom.

Pero ayun, bigla na lang nakangiti yung baliw sa isang sulok. Kinakausap nga niya ako kanina pero hindi ko lang siya pinapansin. Busy ako, ano ba. I don’t talk to crazy people with mental issues. Hmf.

(a/n: Like you? Waha. XD)

Kwento kasi ng kwento yung kabute, samantalang si bansot naman nakatingin lang sa bintana.

Lumapit ako sa kanya.

“Gusto mo munang lumabas?” tanong ko.

“Waaw~! Oo nga, oo nga! *claps hands* Nice idea!” sagot naman nung mushroom.

I just rolled my eyes at him.

Tumango naman yung bansot kaya inilabas namin siya gamit yung wheelchair.

Syempre ako yung nagtutulak sa wheelchair, baka kasi tumilapon si bansot kung yung kabute yung gagawa. Tatanga-tanga kasi eh. Tsk.

Nasa small garden lang kami, naglalakad.

Ayos na sana eh, kundi lang parang inahing manok ang mushroom na yun sa kakabulong. Grabe, parang sasabog na yung eardrums ko sa kanya eh.

Mukha na ngang tanga, kunga ano-ano pa ginagawa niya.

May mini gazebo dun sa garden nakaharap dun sa parang minipond. Lumapit kami dun. Sinusundan lang kami nung mushroom. Haay.

Tahimik lang si bansot. Bakit kaya? Gusto ko talagang itanong kung bakit siya umiiyak kanina eh, kaso baka barahin niya ako ng : ‘Ano bang pake mo?’ or ‘None of your business.’ Oh di ba? Tsk.

Nabigla na lang kami ng biglang umakyat yung baliw na kabute dun sa parang mini stage saka siya parang kunwaring may mic.

“Ehem! Ehem!” he cleared his throat na para bang may mic siyang hawak. Nakuha naman niya yung atensyon ng tao, akala siguro nila baliw. Tsk. KSP masyado.

Mai-in Love Ka Rin Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon