CHAPTER 40
Eris’ POV
Pinagpapawisan ng bonggang bongga ang mga kamay ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana. Kinakabahan ako at parang may hindi maipaliwanag na nararamdaman. Yun bang parang may mangyayari na hindi maganda.
Wag naman sana…
Sana ayos lang si Ate Ivonne, kundi mapapatay ko ‘tong katabi ko.
“Teka nga, saan ba tayo pupunta? Bakit hindi tayo sa kabilang daan dumaan?” tanong ko sa alien na seryosong seryoso sa pagdadrive at halos mapanis na ang laway sa katahimikan. Himala, tahimik siya. Saka sa kabilang kalye yung papuntang ospital eh.
Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang siya sa pagdadrive. Okay, isnaban ba ‘to?
“Hey! Talk to me you idiot! I might die of nervousness here!” sigaw ko sa kanya. Grabe, kakafrustrate talaga kapag abnormal ang kasama mo at halos himatayin ka na sa kaba pero hindi ka man lang pinapansin.
Halos maiyak na ako dahil nag-aalala ako kay ate Ivonne pero ang tanging nasabi lang niya ay, “Shut up, I’m driving.”
Leche flan, e kung kayang sabihin ko sa kanyang ‘I want to strangle him right now’? Makaka-‘Shut up, I’m driving’ pa kaya ang loko? Kaloka.
“E kung kayang sapakin kita diyan? Halos himatayin na ako sa nerbyos dito, hindi mo man lang nasabi kung ano nangyari kay ate Ivonne?” naasar na tanong ko.
Ang bait kasi ni ate Ivonne sa akin, kaya todo ako kung mag-alala. Nung last na sinamahan ko siya sa isang modeling appointment niya, ang dami pa niyang itinuro sa akin. Alam mo yun, masyado kasi akong napa-fascinate sa mga matatalinong tao. Ang dami niyang words of wisdom, di tulad ng ate ko na puro kalokohan ang alam.
*sigh*
“Accident.” Yun lang ang sinabi niya. Well, pinagpapawisan din kasi siya eh…pero bakit parang kinakabahan ang itsura niya?
“Yeah, and you’ve been saying that for the past forty-five minutes! Wala bang mas definite diyan! Kahit yung detailed version lang no!” sigaw ko. Naghihysterical na ako dito.
He bit his lip and snatched a glance at me. *sigh*
“I know that you’re worried, I am too, okay? Just…just calm down a bit.” Sabi niya ng mahinahon.
O e di calm down…so, tapos?
Isinuklay niya ang mga kamay niya sa buhok niya habang hawak-hawak ng kaliwang kamay niya ang manibela.
“It was a car accident.” Sabi niya after a while.
Car accident? You mean, may car crash na nangyari? Oh no, ang hinahon lang kaya magmaneho ni ate Ivonne no! Hindi naman siya reckless na tulad ng pagdadrive ng kasama ko ngayon na halos paliparin ang kotse. For sure kaskasero yung nakabunggo ni ate Ivonne…tsk, those drunk driving maniacs!
“Kelan ba nangyari? Ngayon lang ba? Saan ba siya naaksidente?” sunud-sunod na tanong ko.
Kumunot ang noo niya habang nakatingin ng deretso. “Um, just this morning.” Yun lang ang sagot niya.
Ano ba! Bakit ba ang kokonti ng sagot ng alien na ‘to? Anong tingin niya, nag-ge-guessing game kami dito? Oh please, sapakin ang katabi ko. But not while he’s driving! I just turned nineteen, for God’s sake!
Siopao, naalala ko na naman na birthday ko today! Bakit ba ang daming kamalasan ang nangyayari sa tuwing birthday ko? Cursed yata ang day na ‘to eh. Tsk.
It must be that birthmark I have on my butt.
(a/n: ay? May balat ka sa pwet? Haha. laughtrip!)
Gusto mo sayo na? ipagulong kita sa harina eh. Tsk.
![](https://img.wattpad.com/cover/1251438-288-k206240.jpg)
BINABASA MO ANG
Mai-in Love Ka Rin Sa Akin
Roman d'amourPuro na lang sila 'love is like this, love is like that'. e hindi naman ako interesado dun. Hindi na ako naniniwala sa love.... Pwede namang mag-isa lang di ba? Pero ano yun? May bigla-bigla na lang sumulpot na posteng kabute na ipinipilit na in-lov...