Chapter 3-Ang cute na manyak na bakulaw?

1.3K 19 0
                                    

Sorry kung walang spaces in between yung mga paragraphs ko. Bago pa lang kasi ako and I just type ideas on a whim so medyo slow update, sorry ulet.  >.<

Dedicate ko lang 'tong chapter na 'to kay gah mara, dre mei, dre pot, dre anne and gah rhaine....

especially sa pinsan kong si coyleegirl na nangungulit na i-update ko na daw. haha. i love you guys :)

Enjoy :)

-3-

    Eris’ POV

    Bangag ako ng pagpasok ko kinaumagahan. Kung sinuman yung Ray-something-guy na yun, sana magkabuni siya sa kilikili. Hmf. Kapag pa naman kulang ako sa tulog moody ako. (Kelangan kasi 11 hours yung tulog ko, kaso naging 7 lang.)

    Naglakad ako na parang zombie sa hallway papunta sa room namin. Grabe, kulang na lang sumigaw ako ng “Brains~”, yung parang sa Plants vs. zombies talaga, para lang lumayas-layas ‘tong mga nagkalat na tao dito sa hallway. Di bale, kahit isigaw ko pa yun, hindi naman sila matitinag kasi wala naman sila nun, kawawa naman yung zombie, walang mapapala. (harsh ba? Haha.)

    Grabe naman ‘tong mga kaklase ko, sila na ang walang pakealam sa mundo. Busy kasi sila sa kani-kanilang mundo. May mga bigla-bigla na lang kakanta, may sumasayaw, may mga kumpulan kung magtsismisan, may nagsasalita mag-isa, may umiiyak pa nga eh. Ganun kaadik mga kaklase ko. Pero next time ko na lang pag-iisipan kung bakit ganun sila, bad mood ako eh.

    Pagkaupo ko iniuob ko yung ulo kasi antok na antok pa ako. May 15 minutes pa bago dumating yung prof naming, late lagi yun eh.

    After ng boring na mga klase, dumeretso na ako sa library. Hindi sa excited ako sa shift ko, kundi antok na antok na talaga ako. Dahil nga tahimik dito, napagpasyahan kong matulog dun sa table malapit sa bookshelf ng mga reference books. Mas malamig kasi doon..inuob ko yung ulo ko, mamaya pa namang after lunch yung shift ko.

    Kaya ayun…natulog na ako…

    .zzzzzzzzzz… -__-

    *chuckle* *chuckle*

    Hmm? May tumatawa? Mahina lang pero rinig ko. Lalaki yung nagpipigil ng tawa. Ano kayang nakakatawa? E kung sarilinin na lang niya? Natutulog yung tao no! Library ‘to, hindi dapat siya magingay dito, kung anuman ang ginagawa niya. (Author’s note: Dapat din bang matulog sa library? Haha.)

    *chuckle* *chuckle*

    Aba’t talagang! Ang ingay netong baliw na to ah. Tatawa-tawa na lang bigla. Kainis. Saksakin ko ng kutsara ‘to eh. Tsk. Makatulog na nga ulet. Hmm.

    “Ahihi. Baliw talaga ‘tong mga ‘to.” sabi nung boses ng lalake. Tsaka siya tumawa ulet.

    *mulat mata*

    Napamulat tuloy ako ng mata at umayos ng upo. Hinanap ko yung salarin….

 Hayun nasa may shelf ng mga horror books, malapit sa pader. Nakayuko siya dun at parang may pinapanuod sa laptop niya. Aba’t! Ano kayang pinapanuod ng bakulaw na ‘to at ang ingay-ingay?

Nilapitan ko siya.

    *gasp*

    Hindi kaya….?

 P-porn yung pinapanood niya?

Nagtago ako dun sa likod ng bookshelf. Kadiri naman siya, dito pa talaga sa library siya nanuod nun. At tawang-tawa pa talaga siya dun.

Teka, may nakakatawa ba sa mga ganun? Ay ewan ko, hindi pa ako nakapanood nun eh. Bata pa ako.

    *chuckle* *chuckle*

    “Baliw talaga ‘to. Paano kaya niya nagawa yun?” engganyong-engganyong sabi nung lalaki.

    Tuwang- tuwa si kuya? Siya na masaya.

Teka, ano yun? Paano daw nagawa? Omegash! Y-yung technique ba sa mga ganung bagay yung--…..omegash talaga! Ayoko ng mga ganyang bagay, makaalis na nga.

    Pagtalikod ko, may nakabangga ako.

    *boooooooooggsshhh*

    Tumilapon ako.

Di joke lang, napaupo lang ako. Yung nakabunggo ko, hindi man lang natinag. Ang sakit sa pwet!

    “S-sorry.” agad kong sabi tsaka tumayo. Tinignan lang ako tsaka niya kinuha yung isang malaking libro about sa mga horror stories.

    Ang tangkad nung lalaki, hanggang kilikili niya lang ako. Parang poste ng meralco lang eh. Ang itim ng buhok niya, halatang dyed. Tapos ang weird ng mata niya, ang itim din. Mahilig sa black masyado? Baka naman emo? Pero hindi naman emo-cut yung hair niya eh. Ang puti niya, grabe, parang papel lang. Ang red ng lips niya na para bang nakalipstick. Ay bakla? Pero parang hindi naman…..Basta parang may pagka-foreign-ish ang itsura niya.

    Pagkatapos akong irapan eh umalis na siya. Ang sunget lang ah.

    Parang may nakalimutan ako……….*Ting!*

    Dahan-dahan akong lumingon kung nasan yung manyak na bakulaw.

 At tama nga ako, nakita niya ako.

 Pero teka, hindi ba siya yung lalaki kahapon na nakatumba nung upuan? Hmm. Tsaka bakit parang nakatingin siya ngayon sa akin. Hala. Tatakbo ba ako?

    Bakit papalapit siya?

Omehgash! Baka reypin ako neto! No! Virgin pa ako. Kahit na medyo cute siya, ayaw ko pa din! Kakadiri. Wala pa man ding tao, well aside dun sa poste ng meralco, kami lang tatlo dito.

    Shucks! Tatakbo na ba ako? Bakit hindi ako makagalaw? Hindi din ako makapagsalita. Ayan na siya oh!

Uuuuy teka…baket slow-mo naman yung paglapit niya? Weird.

    After 10000000000000000 years, nakalapit din siya.

Serious yung facial expression niya at….worried? Ah hindi, asyumera naman ako masyado.

    “Ayos ka lang miss?” tanong sa akin ni manyak na bakulaw.

    Tumango lang ako. Ansabee ng eyelashes niya. Haba! Medyo tsinito siya, tapos ngumiti siya nawala yung mga mata niya. Wow. Magic ba yun, bakit nawawala?

    *chuckle* *chuckle*

    Tawa niya habang nasa harap ng bibig niya yung kamay niya na parang pinipigilan yung tawa niya. Ang hinhin naman ng bakulaw na ‘to.

    Aba’t pinagtawanan pa ako?! How rude! Sasapakin ko ‘to! >.<

    “A-anong nakakatawa?” sa wakas natanon ko rin.

    “Pfft…e kasi, kung gusto mong malaman kung ano pinapanuod ko sinabi mo na lang, para pinakita ko. Hindi yang nambubunggo ka pa ng ibang tao.” Habang nagsasalita siya, lumilitaw yung dimples nya…

    “Ugghhh…Ah…A-ano…Hindi naman…..” nauutal kong sagot. Katakot naman kasi ‘tong bakulaw na ‘to eh. Sobrang weird niya.

- - - - - - - -

So ayun. medyo weird ba yung chapter? haha. Dont worry, yung next chapter ang mageenlighten nyan...And! Magkikita na ba ang ating dalawang bida? abangan .... (pabitin effect lang)

- - - - -

pakivote or comment naman kahit yung mga silent readers lang. hehe. di ko matuloy kasi baka wala namang nagbabasa. hehe. thanks.

--chris. <3

    

Mai-in Love Ka Rin Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon