Chapter 9 - Reminiscing. Natsume style <3

849 13 0
                                    

-9-

Natsume’s POV

Oh. Eto na naman ako. Kilala niyo na ba ako niyan? Ahaha. Yup, ako nga si Natsume Fujiwara. Yung tinatawag nilang “Prince” sa school. Kakaasar nga eh. Tsk. Kaya nga hindi ko na lang pinapansin kung minsan. Oh well.

Kung tinatanong mo kung kamusta na ako mula ng suntukin ako ni Ms. Sungit.

.

.

.

.

.

.

.

Eto. . Ayos lang. . .Gwapo pa din. . . Wahahahahaha! Hindi naman masyadong napuruhan, medyo pumutok lang labi ko. Aha. Hindi ko akalaing ang lakas palang sumuntok nun. Pwede nang ipang-sparring kay Pacquiao. Haha.

Dahil sa pagkabigla, hindi ako agad nakareact at parang tangang nakahiga sa sahig katabi nung bookshelf after niya akong puruhan. Haha. Buti na lang may tumulong sa akin.

Tapos nabigla na lang ako, nakalabas na pala ako ng library at nasa parking lot na. haha.

Napalingon ako nang may tumawag sa akin.

“Sir!”

Si manong driver lang pala. Lumapit ito agad sa akin at nagulat nung makita yung dugo sa labi ko.

“Sir?! Ano pong nangyari?! Nakipag-away po ba kayo?!” nagpapanic na tanong niya. Grabe kung makasigaw si manong, akala mo may sunog.

“Haha. Ayos lang ako manong, nabunggo ko lang yung pader. Haha.” excuse ko. Oo, nabunggo nga ako sa pader, yung nanununtok nga lang. haha.

“Hala! Tara na po sa ospital, Sir! Magagalet po si Boss kapag pinabayaan ko po kayo sa ganyang kalagayan!” natatarantang sabi niya.

“Haha. Wag na manong, konting yelo lang ayos na ‘to. Tsaka wag mo na lang sanang babangggitin kay Otousan yung nakita mo, okay?” sabi ko sabay naglakad papunta sa kotse.

“H-ha?! Bakit po sir? Sigurado po ba kayong hindi kayo nakipagsuntukan?” nagtatakang tanong niya.

Natawa naman ako.

“Haha. Oo naman. Kung nakipagsuntukan ako, baka hindi lang ‘to ang inabot ko.” baka mabali lahat ng buto ko kapag tinuluyan ako nun. Haha.

Hindi na lang ako pinakaelaman ni manong at nag drive na siya pauwi.

Nangingiti ako kakaisip kay Ms. Sungit. Pero dahil sa sugat sa labi ko, hindi matuluy-tuloy ngiti ko. Haha. Kakaiba talaga yung babaeng yun.

Naisip ko tuloy nung una ko siyang nakilala.

.

.

.

.

.

.

*flashback*

Enrollment nun. . .kahit na pinipilit ako ng registrar head na wag na lang ituloy yung enrollment process ng ako lang kasi mapapagod lang daw ako (sila na lang daw aayos ng lahat), hindi ako pumayag kasi hindi naman ako retarded no, kaya ko namang gawin yun. If I know, nagpapasikat lang yun sa tatay ko. Psh.

So, ayun ako na lang nagenrol sa sarili ko. Ang saya nga eh, I get to do something on my own.

Tapos may binigay silang form, fill-up-an daw namin.

Okay.

Kumuha ako ng isa at umupo.

Nang mafill-up-an ko na yung personal information part at dun sa educational background, sunod naman yung sa part kung anong course daw yung kukunin.

Mai-in Love Ka Rin Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon