a/n: hello sa mga dre ko and gah. love ya!
-11-
Natsume’s POV
Kinabukasan, ang daming nakapansin sa school dun sa sugat ko. Sabi ko na kasi kay manang wag ng lagyan ng band aid, halatado tuloy masyado. Yan tuloy, akala nila nakipagaway ako. Haha. Kung alam lang nila.
Late na akong nakapasok kasi sinermonan pa ako ni manang. Aha. Wala kasi si mommy at daddy, may business trip lagi. Kaya si manang na lang nagaalaga sa akin. Love ko yan kahit sinesermunan ako lagi. Hehe.
Nung pumasok na ako for the first subject, dumadada na yung prof namin. Kaya ayun, hindi ko na nakausap si Ms. Sungit. Pero, parang wala lang sa kanya ah.
Bakit ko nasabi?
E kasi naman, NR pa din siya kahit na katabi ko lang siya sa upuan. Ahe. Di ko ba nasabi? Seatmates kami. J
Tapos nung lalabas na, ang bilis niyang nakaalis. Nagmamadali masyado? Nababanyo siguro.
Hahabulin ko sana siya kaso kinausap pa ako nung isa sa mga kabarkada ko, resbakan daw namin yung bumugbog sa akin. Akala talaga nila may bumugbog sa akin. Aha. Bugbog talaga yung term? Ang aadik talaga ng mga ‘to. Syempre hindi ako pumayag, hindi ako nananakit ng babae eh. Hehe.
Medyo natagalan ako sa pakikipagkwentuhan kaya nang lumabas ako, wala na siya.
Hinanap ko siya, hindi ko alam kung saan. Basta nilibot ko yung campus. Para lang akong timang na hanap ng hanap.
Saan kaya yun?
1
2
3
.
.
.
Naalala ko, tumutulong nga pala siya sa library. Kaya nagmadali akong pumunta dun.
Nasa may garden pa lang ako sa labas ng library nang makita ko siya sa malayo, malapit dun sa mga santan, may kasama siya.
Isang lalaking matangkad. Nakatalikod yung lalaki sa akin. Nakita ko siya na nakangiti habang kausap niya yung lalaki.
Hm? Anong meron? Ngayon ko lang nalamang may kaibigan pala siya, and take note, nginitian pa niya ah! Tsk. Nainggit ako. (A/N: Ako na lang ngingiti sayo, kaso may bayad. Bwahahaha. Maka-epal lang no? ahihi :>)
Lumapit ako. Nginitian ko siya at binati.
“Andito ka lang pala.” ^-^
Nang makita niya ako, namutla at nabigla siya.
(0o0) ß siya.
>:/ ß yung kasama niya. Galet? Ano kayang problema nun? Whatever.
Hindi ko pinansin yung kasama niya. Nagpatuloy ako.
“Naalala mo pa ako? Ako kasi, hinding-hindi kita makakalimutan.” makahulugang sabi ko. Ngumingiti pa nga ako eh. Syempre medyo tatakutin ko muna, makaganti man lang ako. Hehe.
Nabigla ako ng nagtago siya sa likod nung lalaki.
“Uh…A-ano….” mahinang sabi niya, pero rinig ko naman. “S-sorry kung nasaktan kita.” dagdag pa niya habang sumisilip-silip dun sa pinagtataguan niya.
“Ah--” sasagot pa lang sana ako na ayos lang yun nang biglang magsalita yung lalaki.
“Nagsorry na siya kaya ayos na yun. Kung wala ka nang sasabihin, aalis na kami. Excuse us.” sabi niya na sobrang seryoso at hinila na niya si Ms. Sungit paalis.
“Teka--” tawag ko, kasi hindi naman yun yung ipinunta ko eh. Well actually, hindi lang yun.
Hindi ko na sila nahabol pa, dahil bukod sa nakalayo na sila, papalapit na ngayon si manong sa kinatatayuan ko. Tumatakbo siya, take note.
*huff* *huff*
“S-sir! Haa-haa.” hingal niya. Hinayaan ko munang mahabol ko hininga niya bago ko siya hinayaang magsalita.
“Bakit manong? May problema ba?” tanong ko.
“E kasi! Si Boss! Dumating na kasama si Ma’am!” excited na sigaw niya at hinila na ako papuntang parking lot.
Nakuu! Mukhang nakarating na kay Otousan yung balitang nakipagsuntukan ako. Haay naku. Para yun lang. Hindi naman nila kailangang umuwi galing sa business trip nila para dun lang. haaaaay!
Gusto ko pang kausapin si Ms. Sungit at malaman kung sino yung lalaking kasama niya.
Ano ba niya yun? Kaibigan? Kakilala? O baka naman BOYFRIEND?!
Haist! Anu ba yan! Sumasakit ulo ko kakaisip!
Eris’ POV
Masaya na sana ako kasi nahanap ko na yung hinahanap ko, salamat sa tulong nung posteng martian.
.
.
.
.
.
Kundi lang dumating yung bakulaw para guluhin ang mundo ko.
“Andito ka lang pala.” ^-^ nakangiting bati niya.
(0o0) ß ako.
Oh noooo! Baka upakan ako neto. At bakit ganun yung bati niya? Ibig sabihin, kanina pa niya ako hinahanap? *gasp*
OMG! To-torture-in na ba niya ako?! Iiiiih!
“Naalala mo pa ako? Ako kasi, hinding-hindi kita makakalimutan.” nakangiting tanong nung bakulaw. Hala. Hindi daw makalimutan? Malamang! Nasuntok ko kaya siya. Dapat kasi nilakasan ko na para nagka-amnesia siya at makalimutan na niya yung ginawa ko. >.<
Sa sobrang takot ko, nagtago ako sa likod nung poste, este nung martian.
Okay lang yan. Pag nagkataon, siya una uupakan. Mabuti na yung may shield. Hehe.
Kidding aside, bakit ang tahimik ni poste? Tinignan ko siya ng pasimple para makita ko, baka kasi natakot siya, maihi pa sa pantalon yan.
Pero, pagtingin ko, ang serious ng tingin niya dun sa bakulaw.
Hala.
Bakit kaya? Baka nababading na ‘to kay bakulaw. Haha. Crush siguro. Ayeee~
Pero teka, ano ba dapat kong gawin? Baka bugbugin ako neto. Tsk.
Relax. . .
Okay.
“Uh…A-ano….” mahinang sabi ko. Kaya mo yan, Eris.
“S-sorry kung nasaktan kita.” nauutal na sabi ko habang sumisilip-silip sa likod nung shield ko.
Ayos lang yan. Woooh. Buti nasabi ko na.
“Ah--” nakangiting sagot nung bakulaw. Hala. Ayan na. sasagot na siya.
Kaso, biglang sumingit yung poste.
“Nagsorry na siya kaya ayos na yun.” sabi nung martian. Ang seryoso ah. Bakit nga pala siya Sumas got? Kasali ba siya sa usapan. Bahala na nga.
“Kung wala ka nang sasabihin, aalis na kami. Excuse us.” parang nagmamadaling sabi niya at hinila ako.
Problema neto? Nanghihila na lang bigla. Kung makahawak eh. Umaabuso na ‘to. Tsk. >:/
“Teka--” tawag nung bakulaw.
Huh! Mabuti na rin palang hinila na ako palayo nung poste, kundi baka naupakan na ako. May maganda rin naman palang naiisip ‘tong martian na ‘to eh.
Malayo-layo na rin ang nalakad namin nang magpasyahang bitawan nung poste yung kamay ko. Tsk. Sakit pa nang pagkakahila ng poste na ’to. Hmp. Namula tuloy.
Nasa parking lot na pala kami. Ang daming kotse (A/N: natural, mabigla ka kung eroplano andyan.). Magkatabi kami. Tahimik. Hindi kaya mapanis laway namin dito? Ang tagal naming hindi naguusap eh.
Teka nga pala, bakit ba andito kami?
Tiningnan ko si poste. Ayun, nasa tabi nung isang black na kotse at nakatungo na parang may iniisip na malalim. Yung kotse yung parang sinasakyan usually nung mga bodyguards ng presidente or basta businessman sa mga movies. Ang kintab nga eh, pwede ka nang manalamin. Basta ganun na yun, wala naman akong alam sa mga kotse eh.
Tapos aktong bubuksan na niya yung pinto nang magsalita siya bigla.
“Get in.” aba. Kung maka- “get-in” naman ‘to, akala niya aso lang akong inuutusan ah.
Kaya ako, tinignan ko lang siya na para bang hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. Akala niya ha. Hinila-hila na nga niya ako tapos uutusan pa niya ako na parang binabayaran niya ako?! Hmp. Manigas siya.
Inirapan ko siya at aktong tatalikod na at aalis na nang hilahin niya ulit ako at pilit na ipinasok sa loob ng kotse dun sa passenger seat.
“H-hoy! Ano ba--!” sigaw ko.
*baam* (sinara niya yung pinto.)
So, ayun, wala na akong nagawa. Nakasakay na ako eh. Saka pinaandar na niya yung sasakyan at lumabas na kami ng campus.
Saan naman kaya ako dadalhin ng poste na ‘to? Hindi man lang ako tinanong kung gusto kong sumama, bigla-bigla na lang nanghihila.
“Yung seatbelt.” walang lingun-lingong sabi niya. Nakatutok lang siya sa daan at seryosong nagmamaneho.
Ha? Yung seatbelt daw?
So ayun, hinanap ko yung seatbelt sa tabi ko at iniabot sa kanya.
“Aanhin ko yan?!” masungit na sigaw niya habang hindi pa rin ako tinitignan.
Sus. Kung makasigaw naman ‘to, parang nagmemenopause lang.
“Kainin mo.” -__- ß ako. I rolled my eyes.
“Sabi mo kasi, yung seatbelt eh. Kaya oh.” mahinang sabi ko. Ayokong makipagsabayan sa sigaw niya eh. Sayang energy ko, nakakatamad.
Tinignan niya ako na para bang inis na inis na hindi makapaniwala.
“Tss.” >:/ ß siya.
Itinabi niya yung kotse sa gilid at kinuha yung seatbelt at inayos yun sa tabi ko.
Aaah. Pinapalagay lang pala niya. Psh. E di sana inayos niya yung sinasabi niya. Hindi yung putol-putol. Hindi ba itinuro sa kanya na dapat complete sentences ang ginagamit sa conversation? Hindi yung phrases lang. Sa tingin naman ng posteng ‘to, mahuhulaan ko agad yung ibig niyang sabihin.
Pero hindi na ako nakipag-away. Tinatamad ako. Nanahimik na lang ako habang nakaupo at nakatingin sa labas ng bintana.
Teka…
Saan naman kaya ako dadalhin ng poste na ‘to?
Hindi ko alam kung nasaan na kami, basta drive lang siya ng drive.
After 15 minutes na feeling ko eh parang forever na, sinipag na akong magsalita kaysa matuyuan kami ng laway dito.
“Saan tayo pupunta?” tanong ko.
“…” ß siya.
Hindi ako inimikan. Itinabi na naman niya yung sasakyan. Nasa daan kami na walang ka-tao-tao. Puro damuhan lang nakikita ko.
Nagbuntunghininga muna siya at tumingin sa akin ng seryoso.
“Hindi ko alam.” sabi niya. Ay! Ang engot. Isinama-sama pa ako, hindi naman pala alam kung saan pupunta.
“Ang lakas talaga ng saltik mo.” malumanay kong sabi habang nakatingin sa kanya. “Bumalik na tayo.” medyo naiiritang sabi ko habang ibinabaling ko ang tingin ko sa labas.
Hindi na siya nasalita at nag drive na lang pabalik sa school. Mabuti naman no.
Pagkahinto na pagkahinto ng sasakyan e bumaba na agad ako. Inayos ko yung bag ko sa pagkakasakbit. Lumabas ba din siya at sinara yung pinto.
Nakadalawang hakbang na ako palayo nang lingunin ko siya at binulong ang isang impit na ‘thank you’ bago tuluyang umalis. May manners pa rin naman ako para magpasalamat kahit wala naman siyang ginawang kasala-salamat. Psh. Sinayang lang niya oras ko.
Tumingin ako sa relo ko. 1:45 pm. Tsk. male late ako neto sa last subject ko.
Nagmadali na akong naglakad; halos takbuhin ko na nga papunta sa building namin eh. Wooh. Buti na lang sa first floor yung room namin.
Sa last room yung assigned room para sa subject na yun. Tsk. Bakit kasi ang layo pa eh. Tinakbo ko na, kahit na alam kong mabagal pa rin ako.
Pagdating ko sa pinto, nagsasalita na yung prof namin. Tiningnan lang niya ako na para bang nagsasabing, “Why are you late?” tapos may glare-effect pa.
Tsk. Its not as if I can help it. E kung hilahin ka at ipagsiksikan papasok ng kotse ng sapilitan ng isang sadistang posteng martian na nagmemenopause, may magagawa ka ba? Hindi naman kasi ako athletic na tao, kaya ayun, para lang akong gamit na itinulak at hinila niya. Psh. Ang lakas talaga ng saltik na yun.
Kaysa isipin ko kung bakit ang lakas ng tama nung poste na yun, siguro kailangan ko na munang umupo sa upuan. Tinitignan na kasi ako ng masama ng mga kaklase ko eh. Well, its not as if hindi ako sanay na pinagtitinginan nila. Masama lang kasi tingin nila na para bang may ginawa akong mali.
So ayun. Umupo na ako sa designated seat ko. Sa may tabi ng bintana.
Pag-upo ko, may nambato ng maliit na crumpled paper sa akin. Hindi naman kalakasan, yung saktong masasapo ko lang.
Tinignan ko muna kung saang banda yung nambato. Galing sa kaliwa yung nambato. . .
pagtingin ko kung sino. . . . .
^-^ ß si bakulaw.
<(0o0)> ß ako
Nabigla ako nang makita ko si bakulaw na ngiting-ngiti na nakatingin sa akin.
B-bakit andito yun?! Teka, magklase ba kami?! No! That’s impossible!
O hindeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! :’o---------
nakakawindang di ba? haha. naloloka ako dito, ang hirap intindihin ng saving ang publishing process neto. wla kasi editor ko. hoy, mga silent readers. magvote naman kayo. be a fan, or comment.
------
BINABASA MO ANG
Mai-in Love Ka Rin Sa Akin
RomancePuro na lang sila 'love is like this, love is like that'. e hindi naman ako interesado dun. Hindi na ako naniniwala sa love.... Pwede namang mag-isa lang di ba? Pero ano yun? May bigla-bigla na lang sumulpot na posteng kabute na ipinipilit na in-lov...