Chapter 25 - Andiyan na SIYA...waaah! katakot.

645 10 1
                                    

-25-

Irvin’s POV

Nakakainis!!!!!

Bakit ba ako naiinis?!

E kasi naman, yung panget na kabute na yun eh, kung makapagpacute kay bansot, wagas na wagas.

Grrrr. >:/

Tapos kung ano pa pinaggagawa ko kanina sa library pagkaalis nung kabute.

Tsk.

Naiinis kasi ako kaya kumuha ako ng maraming libro dun sa shelf kahit hindi ko naman babasahin. Alam ko naman kasing si bansot maglilinis nun.

Saka ako naglaro ng angry birds sa cellphone ko.

Nainis ko naman si bansot eh. Kung tutuusin nakaganti na ako.

(a/n: for what?)

Manahimik ka dyan, Ms. Author. Hindi kita kinakausap.

(a/n: okie.pasensya naman.tsk.sungit)

Hindi pa rin nawala inis ko at feeling ko pa lalo lang akong naasar nung magwalk-out siya.

Tsk. Kainis.

Kaya umuwi na lang ako at tinapos yung trabaho ko.

4pm

Natapos na agad ako. Tsk. Kung kelan kailangan mo ng maraming gagawin, saka naman wala. Haaist.

Pumunta ako sa sala at dun nahiga sa sofa.

*ping!*

May nag text.

Kinuha ko yung cellphone ko na nakapatong sa mesa.

*1 message received*

Binuksan ko.

----

From: Ate Ellis

May chika ako sayo, bayaw. Ahihi. ^___^V

----

(oha. May number ako ni ate.)

Nagreply ako.

---

To: Ate Ellis

Ano yun, ate?

----

Send.

*ping!*

----

From: Ate Ellis

May lalaking sumundo sa kapatid ko kaninang umaga. Pero wag kang mag-alala, classmate lang daw niya. ^___^

----

Napataas kilay ko dun ah.

----

To: Ate Ellis

Ano itsura? ~___~

----

Send.

*ping!*

---

From: Ate Ellis

Matangkad. Maputi. Tsinito. Cute din.

----

Tsk. Naloko na. yung kaninang umaga ‘to. Si kabute yun, for sure.

----

To: Ate Ellis

Ah. Kaklase nga niya yun.

----

Send.

*ping!*

Mai-in Love Ka Rin Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon