-26-
Irvin’s POV
Pagkalabas ko ng building ng condo ko, pumara agad ako ng taxi kahit na wala pa akong idea kung saan pupunta.
Hindi ko na dinala yung kotse ko kasi nanginginig pa rin yung kamay ko, hindi ako makakapagdrive ng maayos.
Pagkasakay ko ng taxi…
“Saan po tayo sir?” tanong ni manong.
“Uhh..” sa totoo lang, wala talaga akong ideya kung saan ako pupunta.
“Sir?” tanong ulit ni manong. Hindi pa niya pinapaandar yung sasakyan.
“A-ah! Sa …” saka ko sinabi address ni bansot.
E kasi naman, hindi pa niya pinapaandar yung taxi, paano na lang kung naabutan ako ni chaka doll? Saka dahil wala na akong maisip na mapuntahan at dun na rin yung sinabi ni panget na pupuntahan ko, so doon na lang nga.
Gabi na pala ng makaalis ako.
Medyo madilim na din kasi sa labas.
Nang malapit na kami, bumaba ako dun sa may 7-11 sa kanila.
Dederetso na sana ako…kaso….wala lang.
Hindi pa rin kasi nawawala yung pressure nung kanina, nanginginig pa kamay ko.
Ayaw ko namang bigla ang dumating na lang kina Mama. Alam ko dati ko ng ginagawa pero…iba kasi ngayon.
Basta! Baka tanungin kasi nila ako kung ano nangyari sa akin. Babalik lang yung tensyon na nararamdaman ko kung ipapaliwanag ko pa.
*sigh*
Andito na ako sa labas ng 7-11. Di pa ako pumasok. Ayos naman kasing dito muna ako sa labas tumambay.
Ano naman gagawin ko dito?
Hmm…
Alam ko na!
Papapuntahin ko na lang dito si bansot. Hehe. Siya na lang aasarin ko.
Tetext ko na lang. Baka kasi hindi siya pumunta kung tatawagan ko, aawayin lang ako nun. Psh.
Kinuha ko cellphone ko sa bulsa ko.
*scroll* *scroll*
Aha! Eto number niya!
Nagtataka siguro kayo kung saan ko galing number niya no?
Ahehe. Ibahin niyo ako.
Binigay sa akin ni ate Ellis. ^__^V
*type* *type*
O--kay.
----
To: bansot
Meet me at the 7-11 near your house. Irvin.
-----
Ahehe. Perfect!
Send.
Hintayin ko na lang reply niya.
Niglagyan ko naman ng pangalan, so siguradong alam na niyang ako yun.
Hmm…
*hintay* *hintay*
Ah. Magrereply din yun. Ayos lang yan. Maaga pa naman.
After a few minutes…
Aaaarrggghh!!! >__<
Bakit hindi siya nagrereply?
Wala ba siyang load?
Ah hindi. Baka hindi lang niya nabasa.
BINABASA MO ANG
Mai-in Love Ka Rin Sa Akin
RomancePuro na lang sila 'love is like this, love is like that'. e hindi naman ako interesado dun. Hindi na ako naniniwala sa love.... Pwede namang mag-isa lang di ba? Pero ano yun? May bigla-bigla na lang sumulpot na posteng kabute na ipinipilit na in-lov...