CHAPTER 37
Irvin’s POV
Umuwi ako ng magaalas otso ng gabi. Maaga pa pero pinauwi ako ni ate dahil kailanga ko daw pag-isipan ang gagawin namin.
*sigh*
Bakit ba kasi ako pumayag sa misyon-misyon na ‘to?
*flashback*…hindi joke lang, hindi ko pwedeng i-flashback. Secret kasi yun.
Haay. Naligo na ako at nasa kwarto na, nakatulala habang nakaupo malapit sa desk ko nang may pumasok na asungot.
(hindi pa ba kayo sanay?)
“Bespreeeen~ Yohooo~ Where art thou~” tawag ng baliw mula sa sala.
Lumabas ako ng kwarto at ayun, nasa sofa si dinosaur at nakangiti na parang nanalo sa lotto.
“Nanalo ka ba sa lotto? Kung makangiti parang mawawasak na mukha mo eh.” Pansin ko.
Inilapag naman niya ang mga dala niyang beer sa lamesita. May dala pa siyang chichirya. Junk food masyado.
Umupo ako sa isang armchair, at pinagmasdan ko siya. “Anong problema?” tanong ko. Kakaiba kasi kinikilos niya. Never magdadala ng pagkain iyan kundi pangsuhol eh. Kadalasan nakikikain lang iyan. Patay gutom kasi.
Binuksan niya agad ang isang beer at binotoms up na parang uhaw na uhaw.
“Ah!” sigaw niya ng maubos niya. “Beer is the best discovery ever!”
Ay baliw. Napailing na lang ako. Kukuha sana ako ng tapikin niya kamay ko. “Bawal ka.” Saway niya.
“And why was that?” tanong ko.
“You’re just sixteen. Hindi ka pa pwede.” Sagot niya.
“Tsk. ‘Doesn’t matter. You can’t just eat up all of these. Patay gutom ka ba?” tanong ko.
“Hindi. Hindi pwede! Magagalit si ate Vonne sa akin.” Saway niya. Takot kasi iyan kay ate. Remember nung ikinuwento kong nasa amerika kami? Simula nun, pinagbawalan na akong uminom ng mga ganyan. Mas strict pa yan kay ate.
“Okay.” Sabi ko. Inagaw ko na lang yung malaking chips. Buti pa ‘to pwede ako.
Nakaupo lang kami dun: ako kumakain lang ng chips habang nakatulala at iniisip ang misyon ko at siya linalagok ang alak na parang wala ng bukas.
Hindi naman ako nag-aalala, sanay ang atay niyan. Hindi ko kasi pwedeng pagbawalan, baka kasi kung anong gawin. Yan lang kasi ang means of escape niya sa buhay.
“Ang layo ng tingin mo ah. Wag mong masyadong isipin yun, mahal ka nun.” Biro niya tapos tumawa pa.
“Ulol. Lasing ka na. Baliw na ‘to.” Inis na sabi ko. I-flush ko sa toilet ‘to eh.
“E ano nga, bespren? Dali na share mo na. Wag kang madamot, sige ka papanget ka niyan.” Udyok niya.
*roll eyes*
Nagbuntunghininga muna ako. Sumasakit ulo ko sa panget na dinosaur na ‘to. Ang kulit kasi kapag lasing eh. Di bale, hindi na naman niya maalala kapag sinabi ko.
“Have you ever been on a date before?” tanong ko.
“Hahaha.” Tawa niya. Ang saya lang niya e no? “Ano ba naming tanong iyan, bespren!”
“Hindi lang yung mga flings mo ang tinutukoy ko na inilalabas mo para lasingin to get your way with them.” Inis na sabi ko. Ang hirap kumausap ng lasing. “What I mean is, have you ever been to a real one? With a girl you actually like?” tanong ko.
BINABASA MO ANG
Mai-in Love Ka Rin Sa Akin
RomancePuro na lang sila 'love is like this, love is like that'. e hindi naman ako interesado dun. Hindi na ako naniniwala sa love.... Pwede namang mag-isa lang di ba? Pero ano yun? May bigla-bigla na lang sumulpot na posteng kabute na ipinipilit na in-lov...