Chapter 48- Unconsciously missing you

403 3 0
                                    

CHAPTER 48

Irvin’s POV

Tik-tok-tik-tok…

Tsk.

Nakaupo ako habang naka-cross ang mga braso ko sa dibdib ko, hoping to ease my nerves. Deretso lang ang tingin ko at parang tinotorture ang utak ko sa paghihintay.

How long do I have to do this?

I might not be the most patient person in the world, pero sa sitwasyong ‘to…

“Hanggang kailan po ba siyang ganyan?” impatient na tanong ko sa nurse na nakaupo sa kabila ng kama at seryosong nagsusulat sa isang chart sa kanyang desk.

Hindi mo naman kasi ako masisi…I have the patience span of a peanut, which is wala, as simple as that.

Lumingon siya sa akin na parang hindi siya makapaniwala na nagtanong ako…ULIT.

Oo, tinanong ko na siya kanina..pero!

Well, it’s her job! Ano pa ba ang use ng paggiging nurse niya to our school kung hindi pwedeng magtanong?

(a/n: tsk. Tama yan Irvin! Si Google nga hindi nagrereklamo sa kakatanong ko eh.)

Chena. Wala akong pakealam. Nasa isang sitwasyon ako kung saan I should gather all my resources and deal with it wisely. Tsk. Ninenerbyos na ako eh…dahil ba sa kape ‘to?

Kasalanan mo ‘to Starbucks!

(a/n: sisihin ba naman ang Starbucks? Psh. Hindi ka na papasukin dun. Hala ka sige!)

Eto naman di mabiro, joke lang! ^___^V I love you Starbucks!

Anyway…

Tinignan ko ng masama ang puting pader decorated with human anatomy charts habang nag-iisip ako. Hindi ko kering makakita ng internal organs ng ibang tao. May ganyan din ako, thank you. *irap*

Bakit may ganun sa kung nasaan ako? Hindi pa ba obvious?

Nasa ingfirmary ako pagkatapos kong dalhin dito si Eris nang mahimatay siya. Tsk.

“Mr. Santos, unconscious lang ang pasyente; natutulog lang siya, maya-maya gigising na rin siya, maghintay ka lang.” sabi niya at nagbuntung-hininga pa saka na bumalik sa ginagawa niya.

That’s what she said five minutes ago!

Tsk. Bakit ba pakiramdam ko ang gusto talaga niyang sabihin e ‘Deal with your impatience, Mr. Santos’. Leche flan. Ang hirap ng ganito! E kung kayang siya ang nerbyusin ng ganito, for sure siya ang tanong ng tanong. Tsk.

Tinaasan ko siya ng kilay.

“Hindi ba dapat gisingin na siya? She’s been out for about five hours already. There must be terribly wrong with her.” Tanong ko ulit kahit na obvious na obvious naman.

Worried na kasi ako, kanina pa siya hindi nagigising, about five hours na. Kung bibilangin nga, it’s about five hours, fifteen minutes and six point two seconds. Ganun na ako katagal naghihintay dito!

I mean, paano kung bigla na lang siya ma-comatose?

(a/n: hala, comatose agad?? Natutulog lang eh.)

I’m worried!

“Mr. Santos, hinimatay lang si Ms. Calderon dahil sa fatigue and lack of enough sleep. She needs rest, it’s best not to wake her up unceremoniously.” Yan ang sabi ng nurse, na parang naiinis na. Yung bang parang ang kausap niya e bata na pilit na ipinapaliwanag na hindi totoo si Voltes V.

Siopao. I believe in Voltes V! Let’s vault in!

Fatigue? Ganyan ba kapag fatigued? Yung nakahiga lang, immobile, barely breathing and deadly pale? She looks as good as dead to me! Naghihysterical na ako inside and out! Hindi ko gets. She’s not moving!

Mai-in Love Ka Rin Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon