-5-
Eris’ POV
Pagkatapos kong lingunin kung nasaan yung emoterong poste, nakita ko na lang na malapit na yung mukha nung bakulaw sa mukha ko. As in, sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko.
Soooooooooooobrang lapit.
Almost 1 inch na lang nga.
Kaya, involuntarily,
.
.
.
.
.
.
.
.
Nasuntok ko siya.
Dahil sa shock, embarassment at pagkalito, tumakbo ako paalis ng library.
Parang nasa marathon lang ako eh. Hindi ako mabilis tumakbo, pero feeling ko kung nasa race lang ako, e nanalo na ako. Para kasing hinahabol ako ni Freddy dun sa horror movie.
Mas mabuti pa siguro kung panaginip lang ‘to…Kasi kung panaginip lang ‘to, may kasiguraduhan na magigising ako sa realidad. Pero hindi eh…hinahabol nga ako.
.
.
.
.
Teka, may humahabol ba? Huminto ako saglit nung nakarating na ako sa central ng school. Ang dami pa namang nakaupo dun sa benches.
May nakita akong lalaking tumatakbo papalapit kung nasaan ako.
Pero hindi naman si bakulaw ‘to ah. Yung emoterong poste ng meralco na masungit yung tumatakbo papalapit sa akin. Malayo pa siya ng konti, pero nung mapansin niyang huminto ako, dinuro niya ako sabay sigaw.
“Hoooooooooooooooooooooooooooooooooooooooyyyy! Ikaaaaaaaaaaaaw!” galit na sigaw niya.
Tumakbo ulit ako. Ikaw ba naman ang habulin ng may killing-intent-aura, hindi ka ba tatakbo? Binilisan ko na lang ang pagtakbo ko. Baka maabutan ako eh, ang bilis pa naman niyang tumakbo.
“Hooooooooy! Huminto ka!”
*takbo* *takbo*
Wait lang. Ano bang kasalanan ko sa poste na ‘to?
Dahil ba sa bungguan namin kanina? Nag-sorry naman ako ah.
Tsaka ako nga yung nasaktan eh, hindi man lang siya nag-sorry. Psh. Bastusing bata. Kanina pa naman yun ah, pinalipas pa niya talaga bago siya nag react? Anu yun, late message ba sa kanya? Grabe naman, hindi makagetover? Tsk.
*takbo* *takbo*
Ayun! May puno! Tumakbo ako sa likod ng malaking puno ng acacia. Napagod na kasi ako, hindi naman ako athletic na tao tapos tinakbo ko buong academy. Kapagod. Hindi ko na kakailanganin ng exercise for two weeks neto.
Wala na ba yung poste? Wala na kasi akong naririnig na humahabol sa akin eh. Huminga muna akong malalim at dahan-dahang tumingin sa likod.
*gulp*
“Ay, tokwa!”
Bigla-bigla kasi nasa harapan ko na yung emoterong poste. Humihingal pa siya habang nakahawak yung kaliwang kamay niya sa puno. Parang natatae na ewan yung facial expression niya. Pero, bakit ganun? Hindi man lang siya pinagpawisan. Nasa Pilipinas kaya tayo, like hello? Anong meron? Tropical country kaya ‘to.
BINABASA MO ANG
Mai-in Love Ka Rin Sa Akin
רומנטיקהPuro na lang sila 'love is like this, love is like that'. e hindi naman ako interesado dun. Hindi na ako naniniwala sa love.... Pwede namang mag-isa lang di ba? Pero ano yun? May bigla-bigla na lang sumulpot na posteng kabute na ipinipilit na in-lov...