Chapter 16 - abnotic #1 and abnotic #2

723 13 0
                                    

-16-

Eris’ POV

Sinundan ko na lang pumasok yung posteng alien. Baka kasi kung anong gawin niyang kalokohan.

Kung nang-aasar talaga ang alien na yun, well, magdiwang na siya dahil nagtagumpay siya. Hindi lang ako naasar o nainis.

.

.

.

.

.

I honestly want to skin him alive at ipagulong siya sa asin. >:c

Nasa sala sila. Nakaupo siya sa pangtatluhang upuan. Habang sina Mama at ate e nasa kabilaang pang-isahan nakaupo. Masayang-masayang nakikipagkwentuhan siya sa kanila na para bang nasa sariling bahay lang niya. Psh. Kapal ng mukha.

“Oh Eris, anak. Halika upo ka muna. Kakain na din tayo maya-maya.” aya ni Mama nung mapansin niya ako.

Hindi na ako sumagot at no choice nang umupo sa tabi nung alien. Well, not exactly sa tabi niya mismo. Sa kabilang dulo ako nung upuan umupo. Ayokong mahawaan ng pagkaabnoy niya. Psh.

“Oh! Bakit ang layo mo naman kay Irvin? Magtabi kayo.” ^___^ utos ni Mama.

“Sino yun?” tanong ko naman. ~__~

E sa hindi ko kilala yun eh.

(0__0) Sina Mama at ate parang nabigla.

Tapos tumawa bigla si posteng alien. Hala. Lumalala na yata ang katopakan nito.

“Haha. Palabiro po pala ang anak niyo.” sabi niya. ^____^

Huh? Teka lang, may sinabi ba si ate?

Ah hindi, hindi. Ako yata tinutukoy nung abnoy na alien.

Hmmm. Weird.

Kelan ba ako nag biro?

Tumawa naman sina Mama at ate.

“Hindi po kasi Irvin tawag niya sa akin eh.” sabi niya sabay kindat.

So? Siya pala yung Irvin? Well, mas bagay sa kanya yung emoterong posteng martian na may pagkaabnotic.

Mas mabuti pang ipapalit na niya pangalan niya sa birth certificate niya.

(>.*) abnormal na alien.

Eiw. Kediri. Yakk. To the highest level.

Sina Mama naman e tuwang-tuwa.

“Ehem.” ako.

Tapos nagsalita naman yung alien. Kung alam ko lang sana kung anong kawalanghiyaan sasabihin niya e di sana tinakpan ko na lang ang tenga ko. O kaya nilamon na lang ako ng lupa dito.

E kasi, sabihin ba naman. . .

“Tawag po kasi niya sa akin.

.

.

.

.

.

.

.

.

HONEY.”

^___________________________^ super ngiti ni abnotic na posteng alien.

<(@o@)> ako.

^____________^ si Mama. Tuwang-tuwa.

Si ate naman itinatago pa yung ngiti niya.

Tsk.

“Di ba?” tanong pa niya sa akin. O di ba? Sarap lang patayin. Tsk.

Mai-in Love Ka Rin Sa AkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon