OneNaglalakad ang isang bata sa kanilang bahay hanggang sa makarinig siya ng sunod sunod na pagputok ng baril. Bakas sa mukha ng isang 5 taong gulang ang pagkatakot dahil sa narinig. Iyak siya ng iyak at parang sabik na sabik na makita ang mga magulang.
"Ma..pa.."
sabi niya sa kalagitnaan ng kanyang pag-iyak. hindi niya alam ang gagawin niya at lalong wala pa siyang ka alam-alam sa mga nakikita at naririnig niya ngayon.
Ngayong nasa harapan na siya ng isang may edad na babaeng may tama ang kabilang braso ay doon na siya nag-iiyak.
"mama...." saad niya at nakita niyang tinutukan ng baril ang kanyang ina at bago pa siya makasigaw ay huli na ang lahat dahil patay na ang kanyang ina..
"Ma!!!!!" napabalikwas ng bangon ang isang dalaga sa kaniyang hinihigaan. Isang panaginip. Isang masamang panaginip lamang pala iyon.
Hindi niya napigilang mapaluha dahil bumabalik na naman sa dati ang lahat.
Nakaramdam siya ng lamig sa paligid niya kaya napayakap siya sa sarili niya. Hindi na siya naninibago dito dahil sanay na siya at alam na niya kung anong uri ng nilalang ang may-ari ng tinitirhan niya ngayun. Gayun paman ay napamahal na siya sa nga ito. Well, except lang sa mga nilalang na hindi nakatira o nakakapasok sa mansyon ng mga Bañarez.
Meet Mediatrix (trix). Since she's 5 ay ang family Bañarez na ang nag-alaga sa kaniya kaya malaki talaga ang utang na loob niya sa mga ito.
Kahit na alam niyang iba siya sa mga tao dito ay tinatagan niya parin ang loob niya para hindi matakot. Ngayong sanay na siya ay iniisip nalang niya na ang mga kasama niya ay isang tao at hindi mga bampira.
Hindi alam ng dalaga na kanina pa pala nakamasid sa kanya ang isang binatang matipuno sa bintana. Ang binata ring ito ang dahilan kung bakit humangin ng pagka lakas-lakas.
Meet Erick Bañarez. Anak siya ng Hari at Reyna na siyang nag-alaga kay Trix. Bata palang si Trix ay ayaw na niya talga sa babae dahil iniisip niya na kinukuha na ni Trix ang atensiyon ng kanyang mga magulang na dapat ay sa kanya.
Isa siyang bampira na walang awa kung pumatay. Oo, hindi siya iyong tulad ng mga bampirang hindi pumapatay. Siya ang pinaka malakas na bampira sa Clan nila kaya lahat talaga ay takot sa kanya. Well, except lang talaga sa dalagang nakaharap na ngayon sa salamin at tinitignan ang buong katawan.
"Haay. Ang pangit ko!" sabi niya at ginulo ang buhok. Napapa iling nalang ang binatang bampira na nakatingin sa kanya sa may bintana.
Marahil ay iniisip nito na nababaliw na ang dalaga dahil kinakusap nito ang sarili.
Napangisi naman ito ng makitang gumegewang gewang ang dalaga sa salaming whole body.
"Ang pangit ko nga talga!"
Hindi na mapigilan ng lalake na matawa sa mga pinag-gagawa ng dalaga. Napasinghap ang dalaga nang marinig ang halakhak ng binata.
Nanlalake ang mga mata niya at wari'y namumula ang mga pisngi sa kahihiyan.
Lumabas ang binata mula sa madilim na sulok at lumapit sa dalaga.
"Sabi ko na nga ba na bastos kang bampira ka eh! siguro binobosohan mo ako ano?! Sumagot ka!"
dinu-duro niya pa ang lalake. Tinabig naman ito ng lalake
"Mangboboso?! Sa tingin mo pagpapantasyahan ko iyang panget mong katawan ha? tss. Mas gugustuhin kopa yung katawan ni mahal kaysa sayo!"
"Aba! ang yabang mo ha! "
Gumagana na naman ang pagka warfreak ni Trix kaya susuntukin na naman sana niya si Erick ng bigla niya itong napigilan at nakuha ang kamao ng babae. Ang bilis ng pangyayari na maski siya ay hindi naramdamang nakay Erick na ang kamao niya at sapo niya ito.
"I have a power, at kapangyarihan ko ay ang pagiging mabilis ko sa lahat ng mga bagay remember?"
naiinis na binawi ng dalaga ang kamo niya sa binata at naiinis na lumabas ito sa kwarto. Kahit anong gawin ng dalaga ay talo parin siya sa binata.
' magagantihan din kita erick' bulong niya sa sarili.
..
.
..
.
.
AN: first time ko pong gumawa ng fantasy story! vote po please! :))
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)
VampireHighest ranking: #1 in Vampire She's Mediatrix. A simple yet pretty girl. Isang babaeng Mabait at caring sa pamilya. Ngunit ng dumating ang isang trahedya ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya. Ang dating simpleng buhay ay biglang nagbago ng ma...