Chapter Twenty-two

9.4K 276 2
                                    


Trix's POV

"Nasaan tayo?" tanong ko at inilibot ulit ang paningin sa buong basement.

"Nasa lumang basement tayo ng school." aniya. Umupo siya ana simentong upuan at pinag-ekis niya ang dalawa niyang braso. Nilapitan ko siya.

"Sabihin mo na nga kung anong gusto mong sabihin!" asik ko sa kanya. Tumingin lang siya sakin saka nag smirk. Napa-atras ako sa smirk niyang iyon. Parang may mali! Ramdam kong may mali!

Yumuko siya.

"May sasabihin ako sa iyo.... Huwag kang matakot ha.."

Nanlaki ang mata ko. H-hindi siya si Erick! Nakakatakot siya. Iyong way ng pananalita niya. Umiling ako. Tatakbo na sana kaso bigla itong tumayo. Nakayuko parin ito at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa nito..

"A-anong gagawin mo sakin! Lumayo ka!" sigaw ko nang naglalakad na ito papunta sa akin. Panay naman ang hakbang ko paatras. Erick! Shit! Where are you?!

Sa mga oras na ito ko siya kelangan pero bakit wala pa siya?! Erick!

"Natatakot ka? Huwag kang mag-alala. Hindi naman ako kalaban.." unti-unti itong tumingin sa akin.. Para akong naistatuwa sa nakita ko.

Mapula ang mga mata niya na para bang pinapalibutan ito ng dugo. Sobrang putla din niya to the point na kasing putla na niya ang mga bangkay! M-mga bangkay!

Natigilan ako.

"A...a vampire..." nanginginig long saad. Hindi ko alam kung saan ko iyon nahugot samantalang sobrang nanghihina na ako. Humalakhak lang siya sabay iling.

"Oh dear Cordelia. Nakalimutan mo na ba?" aniya. Umiiling siya habang patuloy parin sa paglapit sa akin..

Cordelia? Sino yon? At bakit iyon ang tawag niya sa akin?!

Imbis na sagutin ang sariling tanong ay agad na akong tumakbo. Ngunit napigilan niya ako. Naabutan niya ako at mabilis na sumirado ang malaking pinto ng basement. Gusto kong umiyak sa takot pero walang luhang lumalabas sa mga mata ko.. Anong nangyayare?!

"Not so fast cordelia." He pulled my hand na siyang nagpagulat sa akin. Binawi ko ito ngunit sobrang higpit ng pagkahawak niya sa kamay ko.

"Bitawan mo'ko! B-bitawan mo 'ko!" naiiyak na ako pero wala paring lumalabas na luha sa mga mata ko.. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Bigla itong nagibg seryoso. Ang mga lumabas niyang mga pangil kaniba ay agad nawala at nabalik sa normal ang mata niya. Dahil sa paglambot ng ekspresyon niya ay nagkaroon ako ng chance na bawiin ang kamay ko. Pero agad na naman niya itong nahigit ulit. Dammit!

"H-hindi ko ipagkakalat na may bampira sa school.. P-pakawalan mo na ako.." yan lang ang tangi kong nasabi sa kanya. Kaso, hindi siya natinag.

"Huh?! Nahihibang kana ba cordelia?! Sa tingin mo papakawalan pa kita ulit matapos kang kuhanin ng lalakeng iyon?!" aniya pero hindi ko siya maintindihan. Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga pinagsasabi niya.

"Hindi ako si cordelia! Hindi cordelia ang pangalan ko! Let me go!" nagpupumiglas pa din ako sa kanya. Napatulala siya sa sinabi ko laya agad ko siyang tinulak at tumakbo papuntang pintuan ng basement. Papaano nangyayare ito?! Kanina lang si erick ang kausap ko. Tapos... Tapos nalaman ko nalabg na hindi siya iyon?! Paano niya nagawang manggaya ng mukha?! So it means, pwede niya ring hayahin ang mukha ko?! At ano iyong pinagsasabi niya? Sino si cordelia?!

"Tulong! Buksan niyo ang pinto!!" sigaw ko sabay kalabog nung pintong hawa sa bakal. Sumasakit na ang kamay ko to the point na namumula na ito.. Hindi ko na alam kung ano na ang ginagawa ng impostor na erick sa likuran ko pero iisa lang ang nararamdaman ko.. I'm in danger. Masama ang kutob ko sa isang iyon.  Alam kong may kailangan siya sa akin kaya siya nagpakita ngayon..

"Huwag mo ng sayangin ang lakas mo cordelia! Masasaktan ka lang! " nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay kong ngayon ay nagkakasugat na dahil sa pagkalabog.

Agad ko itong binawi at umatras.

"don't touch me! Palabasin mo ako dito! Gusto ko ng umuwi! Palabasin mo ako dito! TULONG!". Tumakbo ako papuntang pintuan saka ulit iyon kinalabog..

"I said stop it!"

Nagulat ako sa sigaw niya pero mas nagulat ako dahil sa pagsipa niya sa pader sa gilid niya dahilan kung bakit ito na crack. Nagsimulang timindig lahat ng mga balahibo ko.. Nakakatakot siya... Mas nakakatakot pa siya kaysa kay Erick..

"P...please let me go-.."

"Fuck! I can't let you go  Because you're my wife cordelia! You're my fuckin' wife!"

Nanlaki ang mata ko. Hindi... H-hindi niya ako asawa! W-wala pa akong asawa! Wala pa!

"No! Hindi iyan totoo. I-i'm not cordelia... I'm not your wife!" tumalikod na ako saka tumakbo.. May nakita akong butas na malaki at doon ako lumabas. Pagkalabas ko saka ko lang naramdaman ang mga luha ko..

Bakit?? Anong nangyayare? Bakit ganito ako?! Bakit ako umiiyak dahil lang sa sinabi niyang Asawa niya ako?! Bakit... Bakit kailangan ng ganito?

Ang gulo... Hindi ko alam kung papaano ako nakauwi ng bahay matapos ng lahat na mangyare kanina. Umupo ako sa sofa at tulala parin hanggang ngayon..

'you're my fuckin' wife!'

Tumulo na naman ang luha ko ng maalala ko ang huli niyang sinabi. Iyong mukha niyang puno ng frustration..

Cordelia.... Sino kaba talaga?

"Trix.."

Napalingon ako kay erick na ngayon ay nakatayo sa harap ko. Magulo ang buhok niya at para bang galing ito sa habulan. Hindi siya hinihingal pero kita mong nanghihina siya.

Napaisip ako. Si Erick na ba talaga itong kaharap ko?

"Who's Cordelia?" iyan agad ang lumabas sa bibig ko. Umiwas ako ng tingin. " Nevemind. "

"She's my ex fiancee... My... My first love.." aniya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Baka sakaling nagkamali lang ako ng rinig ngunit hindi. Totoo ito. Totoo lahat.

"F-fiancee mo siya dati?" hindi ako makapaniwala.. Fiancee niya rin ako ngayon... At iyong bampira kanina. Akala niya alo si cordeli na asawa niya..  Ang gulo...

"Yes." aniya at huminga ng malalim. " But she's dead already." nag-iwas ito ng tingin sa akin. Patay na si cordelia?! Papaano at kailan? Gusto ko pa sanang magtanong kaso baka magalit siya. Gusto ko rin sanang ikwento sa kanya ang nangyare kanina pero hindi ko muna iyong gagawin sa ngayon.. Alam kong marami siyang problema ngayon at ayokong dagdagan iyon..

"Sige.. Magpapahinga na muna ako.." sabi ko at naglakad na papuntang kwarto.

"May na encounter ka kanina." aniya. Hindi iyon tanong. Ao ibig sabihin alam niya lung sino at ano ang nakausap ko kanina. Pero hindi muna ako mag sasalita sa ngayon. Kelangan ko lang talaga ng pahinga.

Umiling ako.

"W-wala yon. Sige... Pahinga na muna ako.. "

Dumiretso ako paakyat sa kwarto nang hindi siya nililingon...


Xxxxxxxxxxx
AN : say something please! :) vote and comment then be a fan! ;-)

Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon