Thirty-two..
Trixie's POV
"Russel!" Iyon lang ang tanging naisigaw ko ng matumba siya.
Gusto kong lumaban at lumapit sa kanya pero hindi ko magawa. Ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak hanggang sa mayroon ng bampira sa harapan ko.
Iyak. Iling. Iyon lamang ang ginagawa ko. Gusto kong tumakbo pero nanghihina ang mga tuhod ko. Para akong bumalik sa dati.
Iyong mga panaginip ko tuwing gabi. Ang nangyari sa akin noong bata pa ako. Laha ng iyon bumalik sa alaala ko.
Umatras lang ako ng umatras hanggang sa ako ay matumba. Napa aray ako sa sakit ngunit ininda ko na lamang ito.Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay ang makatakas at mailigtas si Russel.
Muli kong tinignan ang bampira sa harapan ko. Unti-unti kong kinapa ang mga buhangin at agad na isinaboy sa kanya. Namilipit naman.ito sa sakit.
"You deserve that!" And then i kicked him kaya napatumba siya. Agad kong tinakbo ang bakal na nakita ko at agad iyong hinampas aa bampirang umaakmang hawakan ako.
"You!"--sabay hampas sa isa-- "can't just laid your fucking hands on me!" At hinampas ko naman doon sa isa. Okay, masyado akong napagod kaya tumayo muna ako saka ko pinuntahan si Russel na ngayon ay nakahandusay na sa lupa.
"Hey! Are you okay?" now i'm stupid. How can he'll be okay kung ganito ang kalagayan niya?
Tinulungan ko naman siyang makatayo ngunit hinawi niya ang kamay ko.
"Umalis ka na dito." Aniya. I shook my head. Sinong tangang iiwan ang kasama mo sa gitna ng gubat with some freakin' vampires? I'm not stupid to do that Thing. Magkamatayan na.
"No. I can't just leave you here! Hindi ko alam ang lugar na ito!-" I paused.... "At saka, hindi kita pwedeng iwanan."
Tinignan niya ako sa mata bago tuluyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Kaya ko ang sarili ko. Umalis ka na bago ka pa-"
"Russel!!! Huwag mo kaming pagtaksilan!" May bampirang papalapit sa amin kaya mabilis kong kinuha ang bakal na dala ko at ready na sana siyang hampasin ng pigilan ako ni Russel at tinulak. Siya na ngayon ang lumalaban sa bampira.
"Russel!-"
"Just go! Umalis ka na dito!" aniya habang nilalabanan parin ang bampira.
Umiling ako. Wala akong magagawa..
"Babalikan kita! M-manghihingi ako ng tulong! Pangako! Babalikan kita!'"
Hindi ko alam kung narinig niya ba ako dahil hindi siya lumilingon. Tumango ako at agad ng tumakbo.
I know Russel will win the fight. Hahanapin niya pa ang tunay na cordelia. At, tutulungan ko pa siya....
Kailangan niyang manalo....
MALIWANAG na ng marating ko ang isang ilog. Mabilis kong ininom ang mala krystal na tubig dito at hinilamos sa mukha ko.
Naisip ko naman si Russel. Okay naba siya ngayon? Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ako nakakahanap ng pe-pwedeng hingian ng tulong. Hindi ko rin alam kung nasaang parte na ako ng vampire city.
Teka, nasa City parin ba ako?
Sa takot ko na baka isa ito sa mga bampirang humahabol sa akin ay agad ko ng hinawakan ang bakal na dala ko.
"Lumabas ka! Maglaban tayo!" I tried my best not to look scared but i can't. Not infront of this.... Human?
Lumabas ito mula sa isang puno. May hawak itong mga prutas. Matanda na ito at medyo kulubot na rin ang balat.
Tama! Tao siya! Pero paano kung isa lang siya sa mga bampirang nagpapanggap na tao?!
Kaya mas hinigpitan ko pa ang paghawak sa bakal na dala ko. His eyes widened.
"Ineng! Huwag mo akong saktan! Ako'y nangagaso lamang!" Aniyang naka ekis pa ang dalawang kamay sa harapan.
Gumaan ang pakiramdam ko ng mapagtantong tao ang kaharap ko. Nilapitan ko ito at sinuri pa.
Kung tao siya, ibig sabihin wala ako sa City? Kung gayon, nasaan ako?
"Anong lugar ito?" Tanong ko rito. Tinanggal niya naman ang pagka ekis ng mga braso niya at hinarap ako.
"Ito ang tinatawag nilang West City of Vampire City."
So it means andito parin talaga ako sa City ng mga Bampira. Kinapa ko ang leeg ko at doon ko napansing suot ko pa ang Amulet ko... Kaya pala wala manlang akong naramdamang kirot mula sa sugat ko sa binti.
At dahil nasa City parin kami, ibig sabihin hindi siya tao?
Agad akong napaatras saka itinutok sa kanya ang bakal ko. Although naaawa ako dahil sa kulubot niyang balat.
"B-bampira ka?!" Sigaw ko.
Mabilis itong umiling."Naku ineng! Hindi ako bampira! Ang West City of vampire City ay lugar ng mga Damphir. Isa akong Damphir ineng! Tulad mo!"
Napahinto ako. Damphir? Half human and half vampire. Ang pagkaka-alam ko ay hindi lahat ng Damphir ay half human at half vampire. Ang iba ay tinawag lang na Damphir dahil sa sila ang itinakdang tagapagtanggol sa mga royal blood na Bampira.
"You... You're pure human. So it means, dati kang taga bantay sa Pamilyang Banarez?" Tanong ko. Mabilis na tumango ito.
"Oo. Pero hindi na ngayon. Matanda na aki at hindi ko na kayang lumaban." He paused. Umupo siya aa damuhan. Umupo rin ako. Magkaharap kami ngunit magkalayo kami sa isa't-isa.
"Lahat kami na nasa West City ay dating tagabantay sa mga Royal Blood Vampires. " Pagpatuloy niya.
Kung ganon, pwede niya akong tulungang makabalik sa palasyo!
"Ituro mo sa akin ang daan papuntang palasyo ng mga Banarez." Sabi ko. Kunot noo niya akong tinignan.
"Anong kailangan mo sa kanila?" Tanong niya. Lumapit ako sa kanya saka hinawakan ang magkabilang balikat niya.
"Parang awa mo na. Kailangan kong makauwu sa palasyo. Kailangan kong makausap si Erick. Hinahanap na nila ako ngayon."
Manghang napatingin ito sa akin.
"Ikaw si mediatrix? " Tumango ako. Kumunot naman bigla ang noo niya at agad akong tinulak palayo saka siya tumayo.
"Imposible! kahapun lang ay nakita ko si Prinsipe Erick kasama si Mediatrix na sabay nanuod ng pagtitipon! Imposibleng ikaw si Mediatrix!"
Natulala ako. Ang tanging pumasok sa isip ko ay si cordelia.
Nagtaka ang matanda kaya agad niya akong tinapik sa balikat.
Pinunasan ko ang luha sa mata ko.
Magkasama sila ni Erick ngayon? Paano? Paano nangyari iyon? Alam kong patay na si Cordelia....
Kaya pala..
Kaya pala pakiramdam ko walang naghahanap sa akin. Iyon pala, may ibang 'Ako' sa palasyo..
Tinignan ko ang matanda saka umiling.
" P-pasensya na po...c-cordelia... That's my real name."
xxxxxxxxxxxxxxzzzzzzzzxxxxxxx
AN: Comment po kayo! iyong tungkol naman po sa story. Kung anong masasabi mo or anything. :) Mag U-ud naman.po ako eh. no need to remind me. hehe. salamat! ^_^
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)
VampirosHighest ranking: #1 in Vampire She's Mediatrix. A simple yet pretty girl. Isang babaeng Mabait at caring sa pamilya. Ngunit ng dumating ang isang trahedya ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya. Ang dating simpleng buhay ay biglang nagbago ng ma...