Chapter Twenty-nine

9.4K 270 4
                                    

Twenty-nine

Paula's POV

Mabilis akong lumabas ng library at hinanap si kuya. Nakita ko naman siyang mabilis na naglakad papunta sa kwarto ni ate.

"Kuya!" tawag ko sa kanya. Huminto siya kaya tumakbo ako palapit sa kanya.

"Bakit? May problema ba?"

"Kuya, pwede ba kitang makausap? Kahit saglit lang." Sabi ko. Huminga naman siya ng malalim saka hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Sorry paula but trixie needs me right now. Bigla nalang siyang nahimatay kanina." Aniya. Napakunot ang noo ko. May parte sa akin ang naawa ngunit agad itong napalitan ng inis dahil sa kadahilanang hindi si ate ang babaeng iyon.

"Kuya, may dapat kang malaman tungkol kay Ate-" Napahinto ako ng biglang tawagin si kuya sa isa sa mga tauhan namin.

"Prinsipe Erick! Gising na po si Mediatrix!" Sabi nito. Tinanguan lang siya ni kuya at binaling agad ang atensyon sa akin.

"What is it again? Anong gusto mong sabihin sa akin?" Aniya. Umatras ako saka umiling. Siguro nga kelangan ko munang hanapin ang totoong Trixie upang maniwala si Kuya sa akin.

"T-tungkol kay ate..."

"Paula, trixie's fine now. Masyado ka lang nag-aalala. Aalis na ako." Aniya at umalis na. Natulala naman ako habang tinitignan ang likod niya papasok sa kwarto ni ate.

Paano kaya kung malaman ni kuya ang totoo? Paano kung isang araw bigla nalang sumulpot ang tunay na Trixie? Sinong pipiliin niya sa kanila?

"Paula."

I gasp when i heard him say my name. Doon naman ako nabalik sa wisyo ko. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Bakit ka ba nangugulat?!" Asik ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.

"Tinawag ko lang naman pangalan mo ah? Saka, masyado kang nag-aalala sa kuya mo. Alam na niya kung anong ginagawa niya. Matalino iyong gagong yon. Hindi pwedeng wala siyang maramdamang kakaiba sa babaeng kasama niya ngayon." Aniya. Huminga ako ng malalim. Sana nga talaga alam ni kuya kung anong nangyayari sa paligid niya. Pero alam kong matagal pa bago mangyari iyon kaya ngayon palang aaksyunan ko na.

"Adrian.." Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siyang kunot ang noo.

"Oh? may naisip ka ng solusyon?" Tumango ako. Naging seryoso naman ang mukha niya.

"Ayokong hintaying malaman ni kuya ang katotohanan ng matagal. Gusto ko na malaman na niya agad-agad."

"What do you mean?" Aniya

"Hindi pa kasal si ate at si kuya! Wala din dito sila mommy at daddy! Paano nalang kung isang araw, biglang magpakasal ang dalawa sa kagustuhan ng impostor na babae?! Paano na si ate-"
Napahinto ako. Pwedeng mangyari lahat ng iyon. Lumapit naman siya sakin.

"So, anong gagawin mo?" Tanong niya. Matapang ko siyang hinarap.

"Hahanapin ko ang ruta ng mga Strigoi. Hahanapin ko ang tunay na Trixie!" Saad ko. Tumawa naman siya ng mahina.

"Ng ikaw lang mag-isa? Imposible!" Patuloy parin siya sa pagtawa.

"I can make it possible just for my ate! Ibabalik ko siya rito!" Sa inis ko ay bigla ko siyang tinulak at naglakad na palabas ng palasyo.

"Hey! Saan ka pupunta?!" sigaw niya habang sinusundan ako. Pisti itong bampirang ito!

"hey!"

Hindi ko parin siya pinakinggan. Mas binilisan ko pa ang lakad ko hanggang sa mabungo ko siya. Tss. Nag-teleport na naman ang mokong.

"Ano?!" I hissed

"Sasamahan kita."

Doon ako natigilan. Siya?? Ano daw?

"At bakit naman?!" I arched a brow at him.

"Kasi delikado doon! Hindi mo alam kung gaano kalakas ang mga strigoi paula! Pumapatay sila-"

"Ede papatayin ko rin sila! Kaya ko na sarili ko! Ang gusto ko lang ay mailigtas ang ate ko!" Asik ko at nagsimula na namang maglakad hanggang sa bigla niya akong hilain.

"I'll come with you. Pero bago yan, come with me first."
nagulat nalang ako ng bigla nalang niya akong hinigit papasok ulit sa palasyo.

Fuck this heart! Nasa panganib na nga ang buhay ng ate ko, kumakaringking ka pa!

Trixie's POV

Nagising ako nang maramdaman kong bumukas ang pinto sa kwartong kinalalagyan ko. It was him again. May dala siyang pagkain tulad ng lage niyang ginagawa simula nang mapunta ako sa kamay niya.

Umupo ako ng maayos. Tinignan ko lang siya. Nakangiti siya sakin ngunig hindi ko manlang magawang ngumiti sa kanya pabalik. Oo nga pala, galit ako sa kanya dahil kinuha niya ako.

"Here. Eat this." Aniya sabay lahad nung pagkain sa harap ko. Kumunot ang noo ko dahil doon. Nakakapagluto siya? He's a vampire isn't he?

"Paano mo nagawa yan?" Sabi ko. Hindi parin talaga ako sanay na ganito ang boses ko. Ano ba kasing nangyayari sa akin?! Kinulam ba nila ako?

"Cordelia, i can cook human's food remember?"

"How can i remember eh hindi naman ako si cordelia!" Sabi ko. Napahinto naman siya kapagkuwan ay ngumiti ng tipid.

"Soon you'll remember me." Aniya saka tumayo. Aalis na sana siya kaso pinigilan ko. Hindi ko alam kung bakit pero may gusto lang akong sabihin sa kanya. I heaved a sigh

"Russel.... My name is trixie, not cordelia.." Panimula ko. Hindi siya lumilingon ngunit nakahinto lang siya. Tumayo ako saka huminga ulit ng malalim.

"I can feel it Russel.... Ramdam ko kung gaano mo siya kamahal. At mahirap para sa iyo ang tanggaping wala na-"

"Stop it!" Aniyang nagpahinto sa akin. Lumingon siya sa akin and there, i saw sadness in his eyes.

"Huwag mong patayin ang sarili mo cordelia. Magpapakasal pa tayo diba? Mamahalin mo pa ako.." Tumawa siya ng mahina ngunit may napansin na akong luha sa pisngi niya. Lalapitan ko na sana siya kaso bigla naman siyang umatras.

"Russel-"

"Don't.... Just don't say anything Cordelia." Aniya.

Umiling ako. He's hurt. Ramdam ko iyon. May parte sa akin ang naaawa sa kanya.. Alam kong hindi siya masamang bampira. Alam kong kaya niya lang ito ginawa ay dahil gusto niyang makasama si Cordelia.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla nalang akong tumakbo papunta sa kanya saka siya niyakap.

Naramdaman ko ang kanyang pagkagulat. Pati ako ay nagulat din ngunit ginusto ko ito. Ginusto kong tulungang maka-bangon si Russel.

"Cordelia..." Bulong niya.

"Let me help you Russel... J-just let me do this.." sabi ko..

Then sunddenly, i felt his hands at my back..

Hinihigpitan ang pagkayap ko...

Xxxxxxxxxxx
Sorry natagalan. :) say something pls? Mag-u-update agad ako pag nag comment kayo! Pramis! ^_^


UPNEXT: Erick's side!!
Abangan! ;-)

Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon