Chapter Twenty-four

9.5K 272 0
                                    


Trix's POV

Maaga akong nagising at lumabas ng kwarto kahit na walang pasok ngayon. Ewan ko ba, may iba kasi akong naramdaman nung nasa kwarto ko pa ako eh.

Bumaba ako at nagtungo sa kusina para sana magluto ng almusal nang maabutan ko si Erick na sumasalin ng... dugo.

I gulp and looked away. Umagang-umaga nandidiri na ako.

"G-good morning.." Bati ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin sabay dila ng ibaba niyang labi dahil sa dugo na nakakalat. ack!~

Mag-aalburuto na naman sana ako ng bigla itong nagsalita.

"Gusto mo?" alok niya. Nakagat ko ang labi ko dahil sa ngiti niyang nakakaloko. Anong akala niya sakin? Bampira tulad niya?!

"What do you think of me? A vampire?" Umiling ako saka nagtungo na sa kusina.

Magluluto nalang ako kesa sakyan itong kalokohan ng bampirang 'to!

"Hey.."

"Ay kalabaw!" Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang bewang ko. Waaaah! Hindi pa nga ako naka move on kagabi tas ito na naman?! Erick!!

"Ang bango mo..." Hindi ako makagalaw dahil inaamoy-amoy niya ang leeg ko. Nanlamig ako sa mga naiisip ko na pwede niyang gawin sa akin..

Paano kung bigla nalang niya akong kagatin at sipsipin ang dugo ko?! Hndi pa ba siya kuntento sa dugo na ininum niya kanina?!

"W-what are you doing? Umalis ka nga jan! "

Hindi niya ako pinakinggan. Tumawa lang siya at umalis na sa harap ko. Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti nalang at umalis na siya. Pero hanggang ngayon, ramdam ko parin.iyong hininga niya sa leeg ko.

waaaaah! Ano ba kasing trip ngayon ng Erick nayun?!

"Anong lulutuin mo?" Tanong niya.

"As if namang kakain.ka. tss" Sabi ko. Nagtataray. Kumuha ako ng itlog at bacon. Nang maluto iyon ay agad na akong naghain sa mesa at kumain.

Umupo maman siya sa harap ko hawak parin iyong baso niyang puno ng dugo. Kailan niya ba uubusin yan? hindi niya ba alam na nandidiri ako?

"Anong dugo yan?" Tanong ko. Natigilan siya at binaba ang baso saka nagpunas ng labi. Waaaah! Naalala ko na naman iyong kagabi! Napayuko ako saka nagtuloy nalang sa pagkain.

"Masusuka ka lang pag sinabi ko ang totoo." aniya. I gulp. Oo na! Alam kong dugo iyan ng tao! Umaasa naman lang kasi ako na baka dugo iyan ng hayop eh. :3

"Ahh.. hindi naman-"

"Stop!"

Natigilan ako. Bigla naman niyang tinaas ang kamay niya at nilapit ito sa gilid ng labi ko.

"Ang dungis mong kumain. Para kang bata." Aniya at doon lang ako natauhan.

Nakita ko namang may bahid ng ketchup iyong hintuturo niya. Ugh! Ang tanga ko talaga! Pati ba naman sa pagkain?!

Ngumisi nalang ako dahil sa kahihiyan at pinagpatuloy ang pagkain ngunit diko parin maiwasang mailang dahil sa titig niya sa akin..

Ininum ko ang tubig at agad na tumayo.

"About last night.." Aniya. Napahinto ako sa pagtayo. Okay. Alam kong pag-uusapan namin yong kagabi kaya ngayon palang iiwasan ko na iyong topic na 'yon.

"Huh? What about last night?" Nakangisi pa ako habang tinitignan siya sa mata niya. Nakatitig naman siya ng seryoso sa akin.

"It's your first kiss right?"

Nawala ang ngisi ko ng sabihin niya iyon. Napalitan iyon ng pagkabalisa. Saka lang pumasok sa isip ko na wala na pala iyong first kiss ko.

I heaved a sighed.

"Excuse me.." Sabi ko at aalis na sana pero pinigilan niya ako.

"Last night, akala ko ikaw si cordelia..." Aniyang nagpatigil sa akin.

Parang may naramdaman akong kirot dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako.. Akala ko pa naman kaya niya ako hinalikan dahil may gusto siya sa akin..Pero teka nga! Bakit naman ako malulungkot?! Wala naman akong gusto sa kaniya ah?! Huminga ako ng malalim saka siya nilingon.

"C-cordelia? Ang ganda ko naman para maging si cordelia!" I fake a laugh. Kahit na gusto ko siyang sapakin at sabunutan ay tumawa nalang ako ng peke.

" Anyway, huwag nalang nating pag-usapan iyon okay? " Sabi ko at agad na tumalikod. Huminga ako ng malalim saka tumakbo papuntang kwarto. Nagbihis ako at nag-ayos.

Sa araw na ito, may gusto akong malaman. May gusto akong kausapin tungkol sa lahat-lahat pati na sa nakaraan ko at ni cordelia..

At alam ko kung sino ang makakasagot sa mga tanong ko..

Aalis ako at makikipag-kita sa bampirang minsan narin akong pingkamalang si Cordelia..


Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon