Chapter six

16.3K 420 3
                                    

SIX

TRIX POV

"Papayag na akong ipakasal ako sayo."

nakita kong nanlaki ang mga mata niya ngunit napalitan naman ito bigla ng isang ngisi. Tss. napaka talaga nitong lalakeng ito! Pasalamat siya pumayag ako sa kasal nayun! If i know,may gusto lang ito sakin! Kahit naman kasi medyo panget ako ay malakas naman ang appeal ko no! Pa choosy lang itong Erick nato eh! May pasabi-sabi pang gagawin niyang mesirable ang buhay ko. Aba! Baka yung buhay niya pa ang gawin kong mesirable jan eh! hmmp!

Natatawa ako sa mga naiisip ko at hindi iyon nakalusot sa kanya.

"Stop laughing will you?!"

napatigil ako sabay siya inirapan. Tss. nakakainis talaga to! palaging highblood eh!

"Gusto kong makausap ang hari at reyna. Samahan moko sa silid nila." sabi ko. 

"Fine! sundan moko."

naglakad na siya kaya sinundan ko nalang siya. Paglabas namin ng kwarto ay napunta nalang kami sa isang silid. Napangiti ako bigla. Manghang-mangha ako sa mga kapangyarihan nila. Ang gagaling nila super!! Sana may powers din ako para mapatay ko na itong nasa harapan ko ngayon!

"Anak? anong ginagawa niyo dito ni Mediatrix?" nasa harapan na pala namin ang mag-asawa. Nag bow ako bilang pagbigay ng galang.

"Gusto kopo sana kayong makausap tungkol po sa kasalan."sabi ko.

Umupo kami sa isang mesang pang-apatan. Magkatabi kami ni erick at kaharap namin ang hari at reyna.

"Ahh iha kung ayaw m-"

"Hindi po mah- ah, P-papa. Sa totoo po niyang, kaya po ako nandito para sabihin sa inyong pumapayag napo ako sa kasal. Alam ko naman pong para din ito sa kapakanan ko at ng palasyo. Papayag napo ako."

Nagulat ang mag-asawa ngunit bigla silang ngumiti. Napangiti tuloy ako. Tumayo si reyna Ynna at niyakap ako bigla.

"Thank you iha. Hindi ko alam kung papaano kita mapapasalamatan. Alam kong ayaw mo sa anak ko pero pumayag ka parin."

ngumiti lang ako. Talaga namang ayaw ko sa anak nila eh! ang pangit ng ugali!

" Hehe. Hindi naman po sa ayaw M-mama. Ahm sa totoo po niyang bati na po kami ng anak niyo." ngumiti ako ng peke sabay tingin kay erick na nakakunot ang noo. Binigyan ko siya ng 'sumakay ka nalang' look. Sana gumana.

"Ah! opo ma. Hindi napo kami katulad nung dati na palaging nagbabangayan. Were friends--no, Couple pala." nagulat ako ng bigla niya akong inakbayan at nginitian pa. Pero alam kong pilit lang! tss.

" Talaga anak? Naku! buti naman at ganun! Hindi na kami mahihirapan sa inyo. " nakangiting wika ng reyna.

Buti naman at napaniwala namin sila. Kaso may napapansin ako...

Tinignan ko si erick. Naka-akbay parin siya sakin. Aba! mukhang nasarapan na ah! Sinundot ko ang tagiliran niya kahit alam kong hindi niya ito nararamdaman. Kinurot ko siya pero wala eh.

"Ah mama papa, may hihilingin lang po sana ako sa inyo." sabi ko. Dahl dun nakuha ko ulit ang atensyon ng lahat. Tinanggal naman ni erick ang pagka-akbay niya sakin. tss. buti naman!

"A-ano yun anak?" kita ko sa mata nila na kinakabahan sila. Ngumiti lang ako para hindi sila mag-isip ng kakaiba.

" Wag po kayong mag-isip ng kung ano papa, Ang gusto kolang po naman ay makapag-aral sa mundo ko."

lahat sila natigilan sa sinabi ko. Napayuko ako.' Tss. alam mo namang bawal trix diba?' sabi ko sa sarili ko.

"are you sure iha? Hindi mopa alam kung ano ang mayroon sa mundo ng mga tao. at saka yung nangyari sayo dati. Hindi iyon ganun kadali." wika ng reyna. Nakayuko lang ako.

"Kung ganon po, oka-"

"it's okay trix. Pwede kang mag-aral sa mundo mo. " napatungo ako ng marinig ko ang salitang yun. At galing iyon kay erick.

tinignan ko siya ng may pagtatakang tingin. seryoso ba to?

"Pwede siyang tumira doon kasama ako."

nang marinig ko yun ay agad akong nanlumo. Tss. titira ako sa mundo ng tao pero kasama ko naman ang erick nato! wag nalang io!

" Pero papano iyong sugat niya? Hindi lang yun basta sugat ank. Gawa iyon ng mga transcendal vampires." sabi ng reyna.

" Don't worry ma, may paraan pala jan. Remember andrea? Yung taong nag-alaga kay trix nung maliit pa siya? Minsan narin siyang inatake ng mga transcendal vampire pero nakalabas parin siya ng portal at nakabalik sa mundo niya dahil sa Amulet na suot niya." Sabi ni erick. Wala akong masabi dahil wala naman talaga akong naiintindihan sa mga pinagsasabi nila. Anong transcendal vampire? Anong Amulet? Saka, sino Si andrea?

"Tama ka anak. Sige, bukas din samahan mo si Trix sa mundo ng mga tao at kami naman dito ang maghahanda para sa kasal niyo." nakangiting wika ng hari. 

teka, yun na yun? payag na sila?

" Payag napo kayo?" mangha kong tanong.

" yes iha. Pero hindi namin hahayaang mag-isa kalang doon. As erick said, sasamahan ka niya sa mundo mo. Sabay kayong mag-eenrole sa iisang school at maninirahan kayo sa iisang bahay. Kailangan niyo rin iyon para sa future niyo."

napanga-nga ako. Ako at si erick?! magsasama sa iisang bubong?! Saka, si erick mag-aaral?! No way!!

" Sigurado po kayo diyan?" tanong ko.

tumango sila na siyang nagpa nga-nga sakin. ooooookay! okay lang sakin. Tanggap ko lang! at least makakapag-aral na ako!!!

kaya iisipin ko nalang ang magiging buhay ko sa mundo kung saan ako galing saka kona isipin ang mga kasagutan sa mga tanong ko.

MUNDO KO! HERE I COME!!!

Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon