Chapter thirty-one

9.8K 279 2
                                    

Thirty-one

Trix's POV

Matapos ng ilang segundong yakapan namin ni Russel ay bumalik na naman.ulit sa dati ang lahat.

Andito ako ngayon sa kwartong pinagkukulungan ko. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko pagkatapos ng nangyari kanina. Bakit ko ba kasi siya niyakap? Bakit hindi ko magawang magalit sa kanya? Ang gusto ko lang naman ay makatakas na sa lugar na ito ngunit dahil sa ginawa ko ay mas lalo ko pang pinalala ang sitwasyon ko dito.

"Iniisip niya kaya ako ngayon?" Bigla kong nasabi ng maalala ko si Erick. Tumingala ako at nakita ang isang maliit na bintana. Doon nagmumula ang liwanag na nanggaling sa Buwan. Ngumiti ako at lumapit doon saka pinagmasdan ang maliwanag na buwan.

Naalala ko iyong sinabi ng mag-asawang banarez noong bata pa ako.

Kapag daw sobrang liwanag at malaki ang buwan, simbolo daw ito ng pag-kakaisa ng mga bampira. Hindi lang daw mga bampira dahil kasama daw doon ang mga uri ng hayop.

Dati ay hindi ko iyon pinaniwalaan ngunit dahil lumaki narin naman ako sa kamay ng mga bampira ay sinimulan ko na iyong pinagkatiwalaan.

Huminga ako ng malalim ng marinig kong bumukas ang pinto.

"Sino yan?"
Walang sumagot ngunit patuloy ko namang naririnig ang mga hakbang ng paang papalapit sa akin.

Si russel agad ang pumasok sa isip ko kaya hindi na ako nabahala. Hindi niya ako kayang saktan dahil mahal niya ako--- bilang si cordelia.

Muli ko nalang binaling ang paningin ko sa bintana at hindi siya pinansin. Naramdaman ko naman ang presensya niya sa likuran ko.

"Hindi mo dapat tinitignan iyan." Lumingon ako sa kanya.

"Wala akong nakikitang problema sa pagtitig sa Buwan Russel." sabi ko sa kanya. Ngumisi ito. Inirapan ko naman siya.

"Kailan mo kaya maiisip na pakawalan ako ano?" Sarkastikong saad ko. Umiling siya.

"Saka na, pag mahal mo na ulit ako." and then nagmartsa sya palayo. Sinundan ko sya.

"Seriously? Russel, hindi kita mamahalin dahil unang-una hindi ako si cordelia at pangalawa...." Hindi ikaw si Erick. Gusto ko iyong sabihin pero hindi kaya ng sikmura ko na amining matagal ko ng gusto si Erick.
Napahinto rin naman siya at tinignan ako ng mataman.

"Pangalawa...ano?" Aniya.

"Pangalawa...." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil sa titig niya sa akin. I tried my best to act normal in front of him.

"Tsk." aniya at tuluyan ng pumunta sa pinto. Ako naman ay mabilis siyang hinabol.

"Russel sandali!" Napahinto sya. "Tinatawag na ako ng kagubatan... K-kailangan ko ng ilabas to."

He looked at me. Hindi ko mapigilang mapakagat labi dahil sa kahihiyan.

Ilang oras ko na itong tinitiis kaya sana naman pumayag na itong lalakeng ito.

"Ano?"
Mukhang hndi niya ako naintindihan. Tss
Napahawak ako sa tiyan ko na ngayon ay namimilipit na sa sakit. Shit!

"Pls! Nasaan CR niyo?!" tarantang saad ko. Namilog naman ang mga mata niya.

"Fck! Wala kaming CR dito!" pati siya ay nataranta narin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin matapos kong marinig na wala silang CR.

Imbis na magsalita pa ay mabilis ko na lang hinatak Ang pinto at nagpasalamat na bukas ito. Mabilis akong nagttakbo sa kung saan makahanap lang ng CR.

"Saan ka pupunta?!" Aniyang nakasunod sa akin.

"Maghahanap ng CR! dyaan ka lang!Wag kang susunod- ugh!" Halos matalapid na ako dahil pakiramdam ko malapit na talaga akong labasan.

"Bakit kasi ngayon pa?!" Bulong ko. Nang may makita akong isang pinto ay agad ko iyong tinakbo at nilapitan.

"Don't open that door-"

Ngunit huli na dahil nabuksan ko na at tumambad sa akin ang mga bampirang may mapupulang mga mata.

Napatingin sila sa akin. Iyong mga mata nila ay nakakapangilabot. Parang anytime ay pwede na nila akong lapain.

Iyong call of nature ko ay nawala bigla ng makita ko ang mga bampirang nagtitipon-tipon sa harap ng isang tribunal. Umiling ako. Diko mapigilang mapaiyak sa takot.

Takot na baka, ito na aang katapusan ko at takot na walang magligtas sa akin.

"She's fresh... I can smell it! She's fresh!" Ani ng bampira kaya nagkagulo na sila. Napaastras ako at kasabay nun ay ang pagtalon ng isang bampira sa harap ko.

"Aaaaaaaaaaah!!!!!" I yelled! nakanga-nga na ito at ready na sana akong kainin ng my biglang humila sa akin at agad akong itinakbo.

Panay parin ang sigaw ko. Nakapikit ako kaya medyo natatalapid pa ako.

"Fck! Open your eyes trixie! Hindi ka makakatakbo kung nakapikit ka!" Napadilat ako ng marinig ko si Russel.

Saka ko lang napansin na nasa gubat na pala kami.

"Nasaan sila?" Tanong ko. Tumatakbo parin kami ng sobrang bilis.

"Turn around." Aniya. Kahit naguguluhan ay tinignan ko parn ang likuran ko.

"Fck!" Kaht ayokong magmura ay nagawa ko dahil sa dami ng mga Bampirang nakasunod sa amin ngayon. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Naramdaman ko namang humigpit ang paghawak ni Russel sa kamay ko.

"Don't worry. Ililigtas kita." Aniya. Napatitig ako sa kanya at sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

Hinigpitan ko rin ang pagkapit sa kanya at sinabayan ang lakas ng takbo niya.

*boogsh

Napahinto kaming dalawa ng may biglang tumalon sa harapan namin. Agad niya akong inilagay sa likuran niya- pilit na tinatago mula sa dalawang bampira sa harap namin.

Nakakatakot sila. Iyong kulay dugo nilang mga mata at mga matutulis na mga pangil... It reminds me of some wolf.. Ngunit ibang klase itong nasa harapan namin ngayon. Kung sana ay andito si Erick.

"Fresh blood!" Napalingon naman ako sa likuran ko na kung saan nagtatakbo ang mga bampira na sinisigaw ang katagang iyon.

Naramdaman ko namang mas humigpit pa ang paghawak ni Russel sa kamay ko.

"Hayaan mo kaming makaalis dito Demetri." Rinig kong sabi ni Russel sa isa sa mga bampira.

Abala naman ang mga mata ko sa kakahanap ng pwedeng panlaban sa kanila.

"Don't be selfish Russel. That's food! Hindi mo pwedeng solohin iyan!"

Pilit kong kumawala sa pagkahawak niya sa akin dahil sa kagustuhan kong kunin ang isang bakal sa gilid ngunit hindi niya ako bininitawan. Wag niyang sabihing ibibigay niya ako sa isang ito?!

"Stay still!"

Bulong niya. Saka binalingan ang mga bampirang wala na sa harapan namin.

"Nasaan sila?!" Tanong ko. Nataranta ako ng biglang magsiliparan ang mga Uwak sa himpapawid. Napahawak ako sa tenga ko dahil sa ingay.

"Let's go-"

Hinawakan niya ang kamay ko at tatakbo na sana ng bigla ko itong nabitawan. Hindi ako makagalaw. Sobrang bigat ng pakiramdam ko..
Nakatakbo na si Russel ngunit agad niya akong binalikan ng malamang hindi ako nakasunod sa kanya.

"Trixie!" Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nilalabanan ang mga itim na ibon na naging bampira.

Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Napatingin ako kay Russel na pinagtutulungan na ng mga bampira. And the next thing i knew...

Natumba na siya...

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
AN: Okay! Next update is on Saturday! ^_^ Ayan na ha! May date na! XD

Votes and comments are accepted!!!

Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon