Chapter seven

16.4K 425 0
                                    

SEVEN

Trix POV

"Ateeeee!!!" Nabigla ako sa sigaw ni Paula. Anong problema nito? Bigla niya lang akong niyakap.

"Anong problema mo?" tanong ko. Nandito kami sa silid ko. Kanina pa ako nandito. Pagkatapos kasi nung pinag-usapan namin ay dumiretso na ako dito para mag-ayos ng mga gamit ko. Excited na rin akong tumira sa mundo ko.

"Atee~ Sabihan mo nga si kuya na isama ako sa mundo niyong mga tao. Ayaw niya kasi akong payagang sumama sa inyo eh." naka pout niyang sabi habang nakayakap parin sakin. Napapangiti ako. Para akong may 5 years old na kapatid! Haha kahit na mas matanda pa ito kaysa sakin ng ilang dekada,tinuring ko parin siyang kababatang kapatid.

"Paula. Alam mo namang hindi kayo pwedeng maniraham doon dba? Bampira ka, at hindi mo kayang manirahan doon." Sabi ko

"Eh bakit si kuya? Bakit niya kailangang sumama sayo? Ikaw na nga nagsabi diba na hindi pwedeng manirahan ang mga bampira sa mundo niyo? Eeeeh~ sige na!" niyuyug-yog niya ako. Natatawa nalang ako sa mga kinikilos niya. Kung kumilos kasi parang bata eh!

" aba malay ko dun sa kuya slash soon-to-be-husban kuno ko! " nag cross arms ako. Nagulat nalang ako ng bigla niyang sinundot-sundot ang tagiliran ko.

"Ano ba pau!"

"So totoo nga yung narinig ko kanina? Waaaaj! So pumayag kana talaga ate?!" sabi niya. Napayuko ako sabay tumango.

"Yaaaah! Kaya pala ayaw akong pasamahin ni kuya dahil gusto noyang masulo ang soon-to-be-wife niya!!! Waaah! kinikilig ako!!" Nababaliw na yata itong si paula. Saka anong masulo? Tss. kahit na alam kong pakipot yung kapatid niya! XD (alam ko naman kasing may gusto sakin yun!) Hindi ko pa rin papatulan yun oi!

"Tumigil ka nga paula! Kung ako sayo, tulungan mo nalang akong mag-ayos ng mga dadalhin ko para  bukas." sabi lo at binaling ulit ang tingin sa mga gamit kong nakakalat sa kama ko.

"Ako na bahala ate! Mag beauty test ka nalang muna jan! Mukhang pagod kana eh." sabi niya. Napangiti ako.

"Oo nga pala noh? Hindi nga pala kayo natutulog. Hehe sige. Good nyt paula. Thanks sa pagtulong.;)" humiga na ako at pumikit. Kailangan kong ihanda ang sarili ko para sa pagpunta ko sa mundo kung saan ako nanghaling.

=======================

Kinabukasan......

"Trix....gising na." Napamulat ako ng mata sa marahang pagtapik ng isang lalake sa balikat ko.

"hmmm. ano bang-----"

O______O

"Bakit ako nandito sa Kotse mo?!" Sigaw ko. Panu ba naman kasi,kagabi lang nasa kwarto ko ako natutulog tas paggising ko nasa sasakyan na ako ng kumag nato! Anong ginagawa ko dito?

"Kanina pa kita ginigising tapos naninigaw kana agad! Galing mo rin ano?" 

sinamaan ko siya ng tingin. Umayos ako ng upo saka siya hinarap.

"Ano?" tanong niya.

"Tara na! pumunta na tayo sa mundo ko!" sabi ko at saka nag cross arms. Nagulat nalang ako ng bigla siyang lumapit sakin. Hala! Anong gagawin nito?

Malapit na malapit na kami sa isa't-isa hanggang sa tumigil siya saka tumingin sa likuran ko. Hla! Anong nangyayari sa bampirang ito? Anong balak niya?

Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon