EIGHTERICK'S POV
Kanina pa kami nakarating sa bahay na titirhan namin,pero hindi ko parin ginigising si trix.
Nanatili lang akong nakatingin sa labas. Umuulan kaya sigurado akong may nalulungkot sa lahi namin.
Tumingin ako kay trix na ang himbing ng tulog.
tss. Ano nalang kayang mangyayari sa isang to pag nakapasok nato sa skwela?
"Hmm."
ungol niya.
gumalaw din siya kaya tumingin ulit ako sa labas.
"Hmmm. E-erick?" napatingin ako sa kanya.
Gising na pala siya.
"Kanina paba tayo dito? Bakit di moko ginising agad?"
tanong niya habang kinukusot pa yung mata at humihikab pa.
"Ang himbing ng tulog mo. Hindi na kita ginising at baka masigawan mo na naman ako." sabi ko.
Tumingin lang siya sakin saglit tapos ngumiti.
"Ayyy. bumabait kana ah?"
Nagulat ako ng bigla niyang pinisil yung pisngi ko.
tss. hinawa pa yatang shopao yung pisngi ko nito eh!
"Tumigil ka nga! saka mabait?! Haha. sino? Ako? tss. Hindi ako mabait!"
nakita kong napa simangot siya. Bumubuka din yung bibig niya na halatang may sasabihin kaso hindi niya masabi-sabi.
"Yan naba yung bahay?" turo niya sa malaking bahay na nasa harap namin.
"Oo. Dyan mabubuo ang Pamilya bañarez. Sa loob ng bahay nayan,magkakaroon ng kaligayahan." nakatingin ako sa kanya habang sinasabi yun.
Tignan lang natin kung hanggang saan ang kaya mo Mediatrix Bantolinao.
"A-anong tini-tingin mo jan! Wag ka nga! Sapakin kita jan eh!"
gusto kong tumawa dahil sa reaksyon niya pero hindi ko dapat ipapakita sa kanya na nan trip na naman ako.
"Bakit? Totoo namang dyan mabubuo ang pamilya natin diba? Ikakasal na tayo, kaya malamang na dya--"
"Tumahimik kang bampira ka!!!! Ikakasal nga tayo pero hanggang dun lang yun! Wala akong balak na bumuo ng pamilya sayong hayop ka!!"
hindi ko na napigilan. Tumawa na ako ng tumawa.
"Hahaha! Ang.....ang haha OA mo! Haha!" tawa ko. Nakita kong kumunot yung noo niya.
"Anong ibig mong sabihin?!"
"Haha. Naniwala ka naman dun?! Kahit na anong pag-mamakaawa pa ang gawin mo, hindi din naman ako bubuo ng pamilya sayo no! " sabi ko.
"Tse! Bakit? Ikaw lang ba ang ayaw?! Hmp! Over my dead gorgeous sexy body, hindi ako magkakaroon ng anak na may lahing bampira!"
Ang yabang talga ng isang to kahit kailan! Haha gorgeous body? Tss. no comment nalang. haha
"Saan banda yung sexy body mo? patingin nga ng malaman ko naman na may ipagmamalaki karin."
Natatawa kong sabi sa kanya.
"Arggh! "
sigaw niya tapos naka-amba pa yung kamay niya para sabunutan ako pero di rin niya natuloy.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)
VampireHighest ranking: #1 in Vampire She's Mediatrix. A simple yet pretty girl. Isang babaeng Mabait at caring sa pamilya. Ngunit ng dumating ang isang trahedya ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya. Ang dating simpleng buhay ay biglang nagbago ng ma...