Nine
Trix's POV
"Magbihis ka!"
huh?
Bigla naman akong napalingon kay Erick.
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko saka tumayo at dumiretso sa kusina.
Nagugutom ako eh. Magluluto muna ako.
"Papasok na tayo sa skul."
bigla namang nagpantig ang dalawa kong tenga sa narinig.
Bigla akong napaharap sa kanya.
"Seryoso?!" tuwang-tuwa kong sabi.
Ngayon lang ulit ako makakapag-aral!
"Mukha ba akong nagbibiro?"
Walang emosyon niyang sabi. Pero kahit ganun, Masaya parin ako.
Tumakbo ako sa kanya tapos wala sa sariling hinawakan ko yung braso niya.
"A-anong ginagawa mo?"
huh?
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa ginawa ko.
Bigla ko nalang binitawan yung braso niya saka yumuko.
"Ahh.. Ahm M-magbibihis ma ako." sabi ko tapos kumaripas na ng takbo sa kwarto.
Waaaaah!!
Nakakahiya ka Trix! Baka ano pang sabihin nun dahil lang sa ginawa mo!
Dumiretso ako sa banyo saka naligo. After that ligo thingy, Nagbihis ako malamang!
Tapos nun nag polbo lang ako ng kunti saka tapos na!
Lumabas na ako sa silid ko saka ko naabutang abala sa pag-aayos ng mga gamit si Erick.
Kahit pala bampira siya, kumikilos parin siya as a human.
"Kailangan ka titigil sa pagtitig sakin?"
Muntik na akong ma-subsob sa kinatatayuan ko ng marinig ko siyang nagsasalita.
"H-huh? Ahh, Tara na! Baka malate pa tayo." pag-iiba ko sa usapan at dali-daling nagtungo sa labas.
Sasakyan kaya namin itong kotse oh Magte-teleport nalang kami?
Waaah!
naiisip ko palang na mag-teteleport kami nae-excite na agad ako!
"Anong iniisip mo?" halos maatalon na ako sa gulat.
Bakit patang ang hilig yata nitong gulatin ako?!
"Nakakagulat ka! Alam mo yun?" sabi ko. Tapos nauna nang pumasok sa sasakyan.
"Sinong may sabi sayong jan tayo sasakay?" sabi niya tapos bigla niya akong hinila.
Hala? Eh saan naman kami sasakay?
"So anong sasakyan natin? Sapatos?" napanguso ako habang sinasabi yun.
Nagulat nalang ako ng biglang lumitaw sa harapan namin ang isang magarang sasakyan na hindi ko alam ang tawag.
Tss.
wala naman po kasi akong alam sa ganyan no?. saka, Nagsasayang lang siya ng pera niya! Ano naman kasing silbi ng sasakyan kung kakasakay mo palang nasa distinasyon na kayo! -___-
"So jan pala tayo sasakay!" sabi ko. Ngumisi lang siya kaya nauna na akong pumasok sa loob.
Pumasok narin siya at agad na ini-start ang makina.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)
VampireHighest ranking: #1 in Vampire She's Mediatrix. A simple yet pretty girl. Isang babaeng Mabait at caring sa pamilya. Ngunit ng dumating ang isang trahedya ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya. Ang dating simpleng buhay ay biglang nagbago ng ma...