Thirteen..
Erick's POV
"okay ka lang ba? kanina kapa parang hindi mapakali ah?"
napatingin ako kay Trix na kumakain. Tinignan ko lang siya at hindi ako nagsalita. Napansin niya yata iyon kaya siya umiwas ng tingin.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na ito kaya. Ilang buwan naba akong hindi nakaka inom ng dugo ng tao?
Nagugutom na ako. Nanghihina narin ang katawan ko. Hindi ko kayang magtagal ng walang iniinom na dugo. Kailangan ko iyon para narin sa lakas ko.
Tinitigan ko si trix habang kumakain. Napadako ang tingin ko sa leeg niya. Napa iling ako sa aking naisip.
hindi pwede!
Ayokong gawin ang mga bagay na kinakatakutan niya. Tumayo na ako. Agad naman siyang nagtaas ng tingin.
"saan ka pupunta?" tanong niya.
"Magpapa hangin lang."
agad na akong lumabas. Actually, i need some blood kaya ako lumabas.
Naglakad ako hanggang sa mapunta ako sa likuran ng restaurant.
"psst!"
kumunot ang noo ko ng marinig ko ang sitsit na iyon. Huminto ako at tumingin sa babaeng nakatayo sa gilid ng puno. Lumapit ito sa akin at agad na humawak sa batok ko. Diko mapigilang ikuyom ang kamao ko. Ni sino ay walang naglalakas loob na humawak sa batok ko.
"What's your name lover boy?"
malanding saad niya. Nakaka-irita ang kanyang boses. Gusto ko siyang itulak ngunit naisipan ko siyang gawing biktima.
Ngumisi ako saka ko hinawakan ang leeg niya. Umakma akong hahalikan ang leeg niya.
"Oh! Ang bilis mo ha" she giggled. Ngumisi ako ng ma-abot ko na ang leeg niya.
"Stay still dear, and i'm going to suck you fuckin' blood."
"Wha--"
Bago pa siya makapag salita ay agad ko nang kinagat ang leeg niya. Inubos ko lahat ng dugo niya hanggang sa siya'y mamutla at tumigas.
Binitawan kona siya at hinayaan nalang na bumagsak ang katawan niya sa lupa. Pinahid kona ang dugo na nasa bibig ko at tatalikod na sana. .
"V.v.v.vampire.... A VAMPIREEEEEEE!!!"
WTH! may nakakita saakin!
~=======
Trix's POV
"A VAMPIREEEEEE!!!"
*boosgh
napatayo ako sa sumigaw. V-vampire? paanong?!
"waaaaaaaah!!!"
nagkagulo na ang mga tao sa loob ng restaurant dahil sa sumigaw. Napapa-iling ako.
Nasaan na si Erick?
Kaya niya ba ako iniwan dito dahil alam niyang may mangyayari?!
Dali-dali akong nakipag-siksikan sa mga tao palabas ng restaurant. Naririnig ko pa na sumisigaw ang mga bata.
Napa-isip ako. Paanong nakapunta ang mga bampira dito?
Saka ko naman na-alala si erick. No! Hindi pepwedeng siya yun!
Napansin ko ang isang babaeng putlang-putla na at ini-interview ng mga media. May ambulance din na dumating at karga ang isang bangkay ng babae. Napa hawak ako sa bibig ko.
Tumakbo ako sa bangkay at agad na hinawi ang leeg nito.
Hindi nga ako nagkamali. Talagang may bampira nang pumupunta sa mundo namin.
"kilala niyo po ba ang biktima ma'am?" napalingon ako sa pulis na nagsalita.
"h-hindi...." napa-iling ako at aalis na sana ng may biglang humawak sa braso ko. Magsasalita pa sana ako kaso agad na niya akong hinila.
"E-erick..." sabi ko ng marealize kong si erick ang humila sa akin.
huminto kami sa isang bench at umupo. Gabi na pala? hindi ko ata napansin.
"Erick... M-may umatakeng bampira kanina. M-may alam kba dito?" tinitigan ko ang mata niyang kulay asul. Agad siyang umiwas ng tingin.
"Wag mo nang isipin iyon. Umuwi na tayo."
By with that, naisip kong si erick ang bampirang tinutukoy ng nakakita.
Matatakot naba ako sa kanya?
Pero sana....
Mali lang ako ng pag-isip. Hindi ko kakayaning mamuhay kasama ng bampirang walang awa kung pumatay.....
Sana....
========
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)
VampireHighest ranking: #1 in Vampire She's Mediatrix. A simple yet pretty girl. Isang babaeng Mabait at caring sa pamilya. Ngunit ng dumating ang isang trahedya ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya. Ang dating simpleng buhay ay biglang nagbago ng ma...