Chapter Two

26.3K 614 4
                                    

TWO

Saktong paglabas ng dalaga sa kanyang silid ay nakasalubong niya ang kapatid ng Prinsipe na si Paula. Maganda ito at mabait. YUn nga lang ay hindi sila mag ka-uri. Bata pa lang ay ang babaeng bampira na ang nag-aalaga sa kanya dahil nagustuhan ng bampira ang dalaga sa pagiging magiliw nito. Minsan nga'y niligtas na niya ito sa kamay ng kanyang kapatid nang muntik nang kagatin at sipsipin ang dugo ng dalaga ng kanyang kuya.

"ate! kamusta na ang pakiramdam mo?"

tanong ng dalagang bampira kay Trix. Nakakunot ang noong nilapitan ito ni Trix dahil sa hindi maintindihang narinig. Wala siyang malala sa nangyari sa kanya kanina. Wala siyang kamalay malay na muntik na pala siyang makuha ng mga masasamang bampira kaninang naglalakad siya sa labas ng palasyo.

" What are you talking about Paula?"

tanong nito sa kausap na bampira. Naguguluhan siya sa mga sinasabi ng dalaga dahil ang naaalala niya lang ay ang paggising niya sa kanyang kwarto at sa pag sigaw niya kay Erick.

" Kanina kasi, habang naglalakad ka ay may biglang kumuha sayo. Lahat ng mga tauhan namin sa palasyo ay nagkagulo sa biglaang pagkawala mo. Even kuya Erick."

natigilan siya sa narinig. SI erick? si Erick na walang ginawa kundi ang inisin siya habang buhay? Hindi siya makapaniwala at pilit na inaalala ang mga nangyayari sa kanya.

"Nang makita ka ni Kuya ay wala ka ng malay kaya mabilis ka niyang dinala sa palasyo upang ipagamot. Buti nalang at hindi pa naka-alis si Mommy papuntang italy kaya napagamot ka niya agad." nakangiting wika ng babae. 

Nakaramdam siya ng kirot sa may bandang hita niya at doon niya lang nalaman na may sugat siya. Buti nalang at maliit lang iyon dahil kapag iyon ay dumugo ay magkakagulo ang mga bampira sa palasyo. 

"Thanks Paula. Ilang beses niyo nang niligtas ang buhay ko. Promise sa susunod, ako naman ang magliligtas sa inyo."

wika niya sa babaeng bampira. Hindi niya maiwasang sumaya dahil sa nalaman niyang panliligtas sa kanya ng lalakeng bampira. Ang akala niya kasi ay wala na itong paki-alam sa kanya pero nagkamali siya. Dahil sa kabila ng pang-iinis sa kanya ay tinulungan parin siya nito kahit na nung bata pa siya ay muntik na siyang patayin ng pambihirang bampira na iyon.

" nah! Obligasyon namin ang iligtas ang buhay mo ate! IYon ang pangako namin sa mga magulang mo!"

ang Banarez family kasi ang tumulong din sa mga magulang niya dati noong buhay pa ang mga ito kaya malaki talga ang utang na loob niya sa Pamilya ng mga ito. Kahit na mga bampira ay imbis na takot ang maramdaman ay kasiyahan ang sumilay sa puso niya dahil sa pagligtas sa kanya kahit na hanggang ngayon ay wala parin siyang alam kung sino o anong klaseng tao ang pumatay sa mama at papa niya.

Nagtungo ang dalaga sa kusina upang magluto. Lahat ng mga nasa ref. ay kanya lang. Alangan naman kasing para sa iba eh mga bampira ang kanyang mga kasama. Kumuha siya ng karne sa ref. at nag-umpisa ng magluto ng adobong baboy. Paborito niya ito dahil ito ang palaging niloloto ng kaniyang inay noong siya'y bata pa. Hindi niya mapigilang isipin ang kanyang panaginip. Ang mga panaginip nayun ay nangyari na sa kaniyang buhay. Feel niya na ang mga armadong lalake ang pumatay sa mga magulang niya.

" Fck.! Gusto mo bang magkasunog?!"

nagulat siya sa biglaang paghila sa kanya ng isang nilalang at ito ay si Erick. Nakita niyang mabilis pa sa alas kwatrong pinatay ni Erick ang kalan at doon lang pumasok sa isip niya na kanina pa pala nagliliyab ang kalan. HIndi niya malaman kung ano ang gagawin kaya kumuha nalang siya ng tubig at binuhos iyon sa umaapoy na kalan.

" geeze! yung adobo!"

bigla siyang nanlumo sa adobong sunog na at hindi na pwedeng kainin. Gutom na Gutom na siya kaya nilapitan niya iyon at hinalo. Nagbabakasakaling may makain pa.

sa kabilang banda naman ay nakatingin lang ang Prinsipe sa mga ginagawa ng babae. Kung hindi pa ito dumaan ay malamang sunog na ngayon ang babae. 

" Mas importante pa talaga sayo yang adobo mo kaysa sa sarili mo ano?"

May halong inis na wika ng Prinsipe.' Kung hindi lang naman kasi tanga ay muntik na siyang masunog pero parang wala lang sa kanya. tsk. pambihirang babae'.

Nainis ang dalaga kaya hinarap niya ang lalake.

"Kung walang adobo ay hindi ako makakakain at kung hindi ako makakakain ay mamamatay ako! So it's better na unahin ko ang pagkain kaysa sa sarili ko!"

naiiling na nakangisi ang Prinsipe dahil sa sagot ng babae. Wala talaga itong paki-alam sa buhay niya pagdating sa pagkain. Naawa naman siya bigla ng biglang hawakan ng dalaga ang kanyang tiyan at halatang gutom na ito. Kahit siya ay masungit at cold ay may natitira parin naman siyang awa lalo na sa babaeng ibinilin ng Hari sa kanya. Wala ngayon ang Hari at Reyna dahil nagpunta sila ng Italy para sa isang napaka importanteng Ritwal.

"Nagpadala ako ng Jollibee kanina. Kunin mo nalang kung gusto mo."

Tinuro ng lalake ang lamesa kung saan niya inilagay ang mga binili niyang Jollibee kanina habang siya ay namamasyal sa mundo ng mga tao. Pwedeng mamasyal ang mga bampira sa mundo ng mga tao pero mahigpit na ipinagbabawal ng hari ang pambibiktima ng mga tao. Ngunit mayroong mga bampirang matitigas ang ulo at hindi mapigilan ang pananabik na makainom ng dugo ng tao.

Hindi mapigilan ng dalaga ang pag ningning ng kanyang mga mata sa narinig. Gutom siya at masaya siyang makakain na niya ang paborito niyang pagkain. Ang Jollibee.Pero natigilan siya bigla.

" Nakapunta ka sa mundo ng mga tao?"

manghang wika ng dalaga. Simula ng dumating siya sa lugar na ito ay hindi na siya muling nakakita ng kauri niya. Pinagbawalan siya ng Hari dahil sa Hindi malamang dahilan. Kahit na gustong-gusto niyang lumabas sa Portal ay hindi niya matuloy-tuloy dahil nahuhuli siya ni Erick. Isa iyon kung bakit naiinis siya sa lalake dahil sa masyadong OA nito sa pagbabawal sa kanya.

" oo. At alam ko kung ano iyang iniisip mo. wag mong babalaking lumabas ng Portal kung ayaw mong maulit ang nangyari sayo nung bata ka pa." matigas na wika ng lalake. Hindi na naman mapigilang mainis ng dalaga dahil narinig na niya naman ang mga salitang palaging sinasabi ng binata na uulitin nito ang tangkang pagpatay nito dati noong siya'y bata pa lamang. Napa pout siya habang ninanamnam ang sarap ng pagkain. Hindi niya mapigilan ang mailang dahil nakatitig sa kanya ang binata.

" Pwede ba? Wag ka ngang tumingin! Nakakailang kaya!" sabi niya dito.

"Napaka assuming mo namang nilalang ka! Hindi ikaw ang tinititigan ko no! nakatitig ako jan sa buhok mong gulo-gulo. Ang laki na pero hindi parin marunong mag-ayos sa sarili."

sinamaan niya ng tingin ang lalake dahil sa sinabi nito. Tumawa na lamang ito at biglang nagteleport sa harap niya. Napa buntong hininga na lamang siya nang maglaho ang lalake.

Ayaw niya itong makasama dahil hindi niya matiis ang ugali nito. Hindi niya rin malaman laman kung bakit ang daming mga Vampirethe ang umiibig dito samamtalang ang pangit ng ugali. Oo gwapo ang lalake ngunit para sa kanya ay mas gwapo pa si dagul na napapanuod niya sa telebisyong Going bulilit kaysa sa Erick nayun.

Nagtuloy-tuloy nalang siya sa pagkain at nag-iisip ng paraan kung papano makakatakas sa Portal nang hindi malalaman ng Bwisit na Erick nayun.

Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon