Chapter twenty-one

10.3K 268 3
                                    


Twenty-one

"Trix!"

Naglalakad ako sa hallway nang may tumawag sa akin. Nilingon ko si Mikael saka kinawayan. Lumapit ito sa akin.

"Kamusta kana? Ilang araw kitang hindi nakikita sa campus eh. May nangyare ba?"

Umiling ako saka ngumiti.

"Okay naman ako. At wala namang nangyare. May.... May pinuntahan kasi kami ni Erick kaya ganun." tumango naman ito at sumabay na sa akin sa pag-lalakad.

Saka ko lang din napansin iyong huli kong sinabi.

Saan nga ba kami pumunta ni Erick pagkatapos nung sa batanes? Hindi ko naman kasi maalala. Nagising nalang ako kanina sa kwarto ko.

"mukhang ang lalim ng iniisip mo ah? " napatingin ako sa kanya. Hindi ko napansing kanina niya pa ako kinakausap.

"Ah! Wala. Wala naman.."

Ngumiti ito. Nag-usap pa kami ng kung ano-ano hanggang sa narating na namin ang room ko.

"Sige. Pasok na ako. Salamat."

"Walang anuman"

Pumasok na ako at buti nalang ay wala pa iyong prof. Namin. Akala ko masisigawan na naman ako nito.

"Mediatrix! Buti naman at pumasok kana."

Pagka-upo ko palang ay sinalubong na agad ako ni dianne. Isa siya sa mga naging kaibigan ko dito sa school. Ngumiti ako sa kanya.

"Ah. Oo eh. May pinuntahan lang kami ng F-fiancé ko.." tumango siya saka inusisa ang bag kong kunti lang ang laman.

"Bakit wala kang dalang libro?  Magluluto pa naman tayo ngayon.." sabi niya. Hinalungkat ko naman ang bag ko at tama siya. Ni isang recipe book ay wala akong dala.

"N-naiwan ko ata sa bahay.." sabi ko nalang. Naisip ko naman si Erick. Nasa kanya kaya iyong recipe book ko? Minsan kasi pag nauuna akong umalis ng bahay, palagi niyang binibigay sa akin iyong mga naiwan kong gamit. Nasa kanya kaya?

"Anong iniisip mo Trix?" lumingon ako kay Dianne. Umiling ako saka nilipat ang tingin sa bintana. Biglang umulan kaya napaisip na naman ako.

May umiiyak kayang bampira? Sini naman?

"Trix. Anjan na si sir. "

Tumango ako sa kanya at umayos ng upo. Habang nag le-lecture si sir, hindi ko mapigilang mag-alala kay Erick. Kanina kasi sa bahay, hindi siya namamansin.. Parang may kakaiba.

Xxxxxxx

Paula's POV

Ilang araw na ang lumipas simula mung nangyari sa kasal nila kuya. Simula nung nangyari ay mabilis din namang nakabawi ang lahat. Maraming nanghinayang lalo na sina mama dahil sa nangyare.

Hindi ko alam kung bakit nagkaganun si ate that time. Pero malakas ang kutob kong sangkot si Cordelia dito.

Pumunta ako sa labas ng palasyo at hinanap si kuya. Yes, andito siya. Hindi siya pumasok sa school nila. Galit parin ako sa kanya dahil nga sa nangyare noong kasal nila ni ate. Pero wala parin akong magagawa.

"Kuya!" Tawag ko sa kanya nang makita ko siyang nakaupo sa lilim ng puno. Tumingin siya sakin saglit at umiwas agad ng tingin. Lumapit ako sa kanya saka siya tinabihan sa pag-upo.

"Bakit ka pa nandito? Diba sabi ko puntahan mo na si ate trix! Paano kung may mangyare sa kanya?!"

Hindi niya ako pinansin bagkus ay yumuko lang siya.

Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon