FOUR
Nagising ang dalaga sa kaniyang silid. Hanggang ngayon ay hindi niya parin maintindihan ang mga nangyayari sa katawan niya at kung saan nagmula ang kaniyang sugat sa hita.
"Iha, gising kana pala. Halika ka, nasa labas na silang lahat."
Mula sa madilim na sulok ay lumabas doon ang isang matandang babae na katulong ng mga Banarez family. Ngumiti sa kanya ang dalaga at sumunod sa kanya. Paglabas nila ay nakita niya ang buong pamilya na nasa isang mahabang mesa at parang may importante itong ping-usapan.
Napansin ng hari ang kaniyang pagdating kaya agad niya itong binati. Nagsitinginan naman ang lahat sa kanya.
"halika ka iha, may importante kaming sasabihin sa iyo."
Ngumiti ang dalaga at nagtungo sa isang bakanteng upuan na katabi ng kay Erick. Tinitigan niya muna ang binata ngunit parang masama ang timpla ng itsura nito dahil ang sama ng tingin nito sa kanya. Gayun paman ay binalewala niya na lamang ito at umupo na sa upuan.
" Ano pong pag-uusapan natin mahal na Hari?"
tanong niya sa hari.
"Iha, wag mona akong tawaging mahal na hari. Ang tagal na nating nagkasama at parang anak na ang turing ko sa iyo. Papa nalang ang itawag mo sa akin at mama naman sa aking asawa."
parehong nakangiti ang mag-asawa at ang kanilang anak na babae maliban lang talga sa prinsipe. Nabigla din ang dalaga dahil noon paman ay pumapayag naman ang hari na tawagin siyang mahal na hari ng dalaga.
" Opo maha--ahm,papa"
"Masanay kana trix dahil lage mo na akong tatawaging papa pagkatapos ng kasal niyo ng anak ko."
nanlaki ang mga mata ng dalaga ng marinig ang sinabi ng hari. Kasal? Wala pa siyang alam sa kasal at wala din siyang balak magpakasal lalo na sa isang bampira! Gustuhin man niyang magpakasal ay doon sa kauri niya at hindi sa isang imortal!
nilingon niya ang binatang katabi. Ganoon parin ang expresion ng mukha nito. Nakabusangot parin. Mukhang alam na nito ang binabalak ng mag-asawa.
"P-po? Bakit po kasal agad?"
"Alam kong mahirap para sa iyo ang ganitong bagay iha pero kailangan naming gawin to para sa kapakanan mo at sa kaharian." wika ng hari. Biglang nakaramdam ng lungkot ang dalaga pero wala narin naman siyang magagawa dahil para din naman ito sa kaniya kahit na hindi niya talga alam kung bakit? At dahil narin sa utang na loob.
"Pag-iisipan kopo P-papa. " nakayukong wika ng dalaga. Nkarinig pa siya ng 'tsk' sa katabi niya. Tinignan niya ito at ang sama ng tingin nito sa kaniya. Para bang anytime ay kakainin na siya nito.
"Hihintayin ko iyan iha. Wag ka sanang magtampo sa arrange marriage na ginawa namin sa inyo ng anak ko."wika ng reyna.
"oo nga naman ate. tsaka bagay po kayo ni Kuya."
biglang sinamaan ng lalake ang kapatid kaya tumahimik na ito. nakayuko parin si trix at ang lalim ng iniisip.Iniisip niya ang kasalan. Papayag ba siya o ano? Kung papayag siya wala din namang mawawala sa kaniya eh. Pero kung papayag din siya ay makakasama niya hindi lang isang araw kundi araw-araw ang lalakeng- no bampira pala na sobrang sama ng ugali.
" Ate? okay kalang?"
nabigla ang dalaga sa biglang pagsulpot ni Paula sa harapan niya kaya bigla siyang natauhan sa mga pinag-iisip niya.
" Huh? Oo, okay lang ako. May iniisip lang ako, ahm nasaan na ang mga magulang mo?"
"kanina pa naka-alis sila mommy ate. Hindi na sila nagpa-alam sayo kasi mukhang ang lalim ng iniisip mo. Tungkol ba yan sa kasal?"- tanong ni PAULA
" Ewan koba pero parang hindi ako sang-ayon sa kasal na yan. Parang ang bata ko pa para sa bagay nayan."
hindi mapigilan ni Paula ang maawa sa dalaga. Kung hindi lang dahil sa nangyayari ngayon ay hindi dapat magiging ganito ang buhay ni Trix. Nasa mundo sana siya ngayon ng mga tao at doon din sana makahanap ng mapapangasawa balang araw. Pero ng dahil sa nangyari sa buhay ng dalaga ay hindi na ito muling makakapunta sa mundo ng mga tao.
"Don't worry ate. alam ko namang hindi ka papabayaan ni kuya pag nakasal na kayo eh. For sure magiging good boy na yung kuya kung yun."
ngumiti nlang ang babae at tumayo na. Hindi narin niya kasi nakikita doon ang lalake. Gusto pa naman sana niyang kausapin yun para hindi matuloy ang lasal nila. Hindi pa naman siya pumapayag pero kailangan din niya ng tulong sa lalake. Sa nakikita niya kasi ngayon ay parang gusto rin ng lalake o baka naman matagal na nitong alam ang plano. Gusto niyang kausapin ang lalake dahil sobrang dami ng tanong ang bumabagabag sa isipan niya,at alam niyang ang lalake lang ang makakasagot nito. Pero sana nga ay kausapin din siya nito ng matino.
AN: waaah alam ko pong sabaw na naman ito! first time lang po kasing gumawa ng ganitong klaseng storya. sarrrrreyyy po! :)))
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)
WampiryHighest ranking: #1 in Vampire She's Mediatrix. A simple yet pretty girl. Isang babaeng Mabait at caring sa pamilya. Ngunit ng dumating ang isang trahedya ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya. Ang dating simpleng buhay ay biglang nagbago ng ma...