Chapter Nineteen

11.1K 310 7
                                    

Nineteen...

Paula's POV

"Paula! What happened here?!"

"K-kuya..".

Tinitigan  ako ni kuya with his serious face. Yumuko ako. "Tell me, paula.." Madiin na saad nito. Lalo pa akong yumuko at kinagat ko ang aking labi. Ayokong sabihin s kanya ang nangyari. Ayokong mag-alala pa siya lalo. Pro kung hindi ko sasabihin, ano nalang mangyayari kay ate trix?

"I'm asking you!"

napa atras ako sa sigaw niya. "C-cordela.." sabi ko. Tumingin ako sa kanya. Gulat ang itsura niyang tinitigan ako. "What?." takang tanong niya.

"Cordelia's back kuya. At si ate trix ang ginagamit niya para mabuhay siya. I don't know pero may kutob ako-"

"Shut up!" napa-atras ako sa sigaw niya. I knew it. Mahal niya parin ang babaeng iyon.

"Patay na si cordelia. At alam kong hindi niya magagawa iyon. So please paula, huwag ka ng magsalita pa ng kung ano tungkol sa kanya dahil hindi niya magagawa iyang mga sinasabi mo.." seryoso siyang tumitig sa akin. Gusto kong umiyak at ipagsigawan sa kanyang masama ang babaeng minsan na niyang minahal.

"Go to your room. Ako na bahala kay trix. "

"Pero kuya-" napahinto ako ng makita kong nag-aalab na sya sa galit. Umiling nlang ako at tumakbo. Nangingilid ang luha sa mga mata ko pero hindi ko hinayaang pumatak ang mga ito. Hindi ko alam pero kinakabahan ako... Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari bukas. Dahil bukas ng gabi na ang kasal nila kuya..

Trix's POV

"Hey... You okay?". Nagulat ako ng biglang pumasok si erick sa kwarto ko.. Kasunod nito ay si paula na nakayuko lang.

"Bakit? anong nangyare?" Kumunot naman iyong noo niya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ano ba kasing nangyayare? kakagising ko lang at hndi ko alam kung bakit ngayon lang ako nagising. Buti nalang at mamaya pa ang pasok namin.

"I told you kuya, walang nangyare sa bride mo. " Natatawang wika ni paula sa likod niya. Tanging 'tss' lang ang narinig ko mula kay erick saka lumabas ulit. pero bago pa siya lumabas ay huminto sya sa harap ni paula. Nagtitigan lang sila pero para na silang nag-uusap dalawa. Nakita kong naging seryoso ang mukha ni paula bago lumabas si erick. 

Naiwan naman siyang nakatulala kaya nilapitan ko siya. "okay ka lang?" Nagulat pa ito nung nagsalita na ako saka pilit na ngumiti. Tumango siya saka ako niyayang umupo.

"Huwag ka munang pumasok ng eskwela ate. " tinitigan ko siya,nagtataka.

"Bakit naman? Hindi pa naman ngayon iyong kasal..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng maalala ko na naman iyong salitang 'kasal'. Akala ko na tanggap ko na?

"Ate.."

"Kelangan kong pumasok paula." Nginitian ko siya. Tumango lang ito pero kita kong may takot sa mga mata niya. Natatakot ba siyang hindi ako sumipot sa kasal ng kuya niya? Tss. Hindi na kelangan dahil buo na desisyon kong pakasalan ang kuya niya. Kahit labag man sa kalooban ko.

Pumasok na ako sa banyo at naligo pagkatapos ay inayos ko na ang sarili ko. Naabutan ko sa sala si erick. Naka upo sya at seryoso ang mukha niya. Ang lalim siguro ng iniisip nito at hindi manlang ako napansin nang dumaan ako sa harap niya. Hindi nga ba o baka wala lang siyang paki-alam? Kung sa bagay, kelan ba siya nagkaroon ng pake? tsk.

"Where do you think you're going?" Napahinto ako sa sinabi niya. Akala ko hindi niya ako papansinin eh. Tss. may pagtingin din talaga itong erick na ito sa akin eh. Palihim ngalang. hahaha

Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon