Paula's POV
Iyong ngiti ko ay napalitan ng pagkagulat nang biglang yakapin ni Trixie si kuya. Nakita ko rin ang pagkabigla ni kuya sa ginawa niya. Sino ba naman ang hindi mabibigla kung ganito ang makikita mo diba? kasi naman... walang rason para yakapin ni ate si kuya. Except nalang siguro kung namimis niya ito. Pero kasi.. *sigh Umiling ako. Dapat hindi ako nag-iisip ng ganito. Dapat ipakita kong masaya ako ng sa ganun ay hindi naman magtaka si ate.
"Ah! A-ate, may pagkain sa sala. Kumain ka muna baka kasi gutom ka na." Sabi ko. Natigilan ako ng lumingon siya sakin ng walang emosyon.
"Di ako gutom." Iyon lang at ibinaling na agad ang atensyon.kay kuya. Nakita ko naman si kuya na matamang nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Tinanguhan niya naman ako at iginaya na si ate palabas.
Ilang minuto bago ako matauhan. Si ate ba talaga iyon? Kasi kung siya nga iyon, dapata kami ang magkasama ngayon. Dapat ngayon palang nag-uusap na kami ng kung ano-ano.
Huminga ako ng malalim. Ano.kaba Paula! Malamang siya iyon. Alangan namang si Cor-
"Hindi kaba masaya? Dumating na si Trixie." Nilingon ko lang siya at hindi nagsalita. Dumiretso ako sa kama ni ate at umupo. Hindi pwedeng maging tama itong kutob ko. Hindi pwedeng mangyari iyon.
"Pinaghihinalaan mo si Trixie." Hindi iyon tanong. Isa iyong kataga mula sa bampirang nagmamagaling. Tss. I glared at him. Ngumisi namam siya at tumabi sa akin. Umusog ako papalayo sa kanya.
"I can read your mind Pau." Aniya mabilis ko namang hinawakan ang ulo ko.
"Wala kang karapatang basahin ang kung ano ang nasa isip ko! At saka, bakit kaba nandito? Pwede ba, lumayas ka muna?! Isa!-"
"Dalawa, tatlo?" He chuckled. " I can count okay." At humagikhik ulit kaya mas lalo akong nainis. I just rolled my eyes on him.
"Tumigil ka na nga! Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" I hissed.
"Okay, nakita kitang balisa kaya pinuntahan kita." I arched a brow at him but he just smiled at me.
"You look so upset, baka may maitutulong ako?" Pagpatuloy niya. He wiggled his eyebrows and I find him cute.
Hey! Anong sabi ko?!
"H-hindo mo ako matutulungan." Sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.
"Really huh? Ang pagkakaalam ko kasi, magkamukha si Trixie at si Cordelia-"
Napahinto siya nang tinignan ko siyang mabuti. Mukhang makakatulong itong isang ito.
Tumayo ako at hinila ko na siya papuntang library kung saan ko nakita iyong larawan ni cordelia.
"Anong Klaseng libro na iyon?! Kanina pa tayo naghahanap dito eh!" Pinaikot ko ang mata ko dahil panay sya sa reklamo. Sana pala hindi ko nalang siya sinama dito.
"Makapal, medyo luma na tas may nakalagay sa cover nun na STRIGOI. Doon ko nakita iyong larawan ni Cordelia." Sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa mga libro sa itaas. Woah! Ang daming libro!! Paano namin ito mahahanap?!
"Strigoi? Diba iyon iyong mga bampirang kumakalaban sa atin?" Napalingon ako kay adrian. Tama siya. Ang mga Strigoi vampire ang mga mortal na kaaway ng clan namin.
"At sa librong iyon ay kabilang si Cordelia.... So it means-" Napahinto ako ng may maalala ako. Agad akong pumunta sa pwesto ko nung unang pasok ko dito. Umupo ako doon at kinalkal ang maliit na drawer doon.
"What are you doing?" Tanong niya at lumapit sa akin. May kinuha aki libro doon na binasa ko nung nakaraan tungkol sa mga bampira.
"Cordelia is a Strigoi. At ngayon, malakas ang kutob ko na hawak nila si ate-"
"Oh! Stop right there!" Bigla niyang hinawakan iyong kamay ko na panay lipat sa pahina ng libro. Kinuha niya sa akin ang libro at mayroon siyang binasa- or tinignan?
"Anong meron?" Saad ko at tinignan din ang pahinang iyon. Kumunot ang noo ko sa kanya.dahil bigla niyang sinirado ang libro at inilapag doon. Agad naman siyang umalis kaya sinundan ko siya.
"Hoy ano ba! Bakit bigla ka nalang naglakad?! Tumigil ka nga!" Bigla ko siyang hinila palingon sa akin. Tumigil naman siya.
"Anong... anong nakita mo sa libro? M-may nabasa kaba? Sabihin mo naman sakin adrian!" Sigaw ko. Ramdam ko na ang pangil ko sa sobrang inis sa ginawa niya. Gusto kong umiyak kasi hind ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong iligtas si ate pero wala akong magawa!
Naramdaman ko namang hinawakan niya ang pisngi ko. Napalingon ako sa kanya.
"Cordelia is not a Strigoi.. She's a Moroi. Mapapatunayan labg natin na hindi si trixie ang kasama natin ngayon kung mahahanao natin ang totoong trixie. Sa ngayon, magpadala nalang tayo sa alon." Ngumiti siya sa akin at agad naglaho. Napatulala ko..
"Mahal na prinsesa..." Nilingon ko ang kaibigan kong ahas. Umupo ako sa sahig saka ko siya kinarga.
"Akira, naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.." Sabi ko na hindi nakatingin sa kanya.
"May mahal ka na prinsesa paula." Aniya. Ngumiti lang ako.
impossible..
xxxxxxxxxxxxxxxx
AN: Guys! Sorry kung late. Actually, matagal na itong nakatambay sa draft. Now lang ako sinipag i publish so sorry talaga. Votes and comments are accepted! :-*Strigoi- Bad vampires. Mortal na kaaway ng mga Royal Blood Vampire.
Moroi- Mga bampira na pwedeng maging Bat or something. Kaya nilang gayahin lahat pati ang itsura at boses. Mapatao man o hayop. :)
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)
VampireHighest ranking: #1 in Vampire She's Mediatrix. A simple yet pretty girl. Isang babaeng Mabait at caring sa pamilya. Ngunit ng dumating ang isang trahedya ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya. Ang dating simpleng buhay ay biglang nagbago ng ma...