Twenty-six..Pumasok na ako sa loob ng sasakyan at kasunod ko si Erick. Umupo ako ng walang kahit anong salita. Hanggang ngayon ay nagulat parin ako sa pinakita niya kanina. Nakakatakot siya. Galit na galit ang mga mata niya.
Huminga ako ng malalim. Nilingon ko siyang seryoso lang ang tingin sa daan. Pinagmasdan ko kung ano ang reaksyon ng mukha niya. Emotionless. Walang kahit na anong bahid na emosyon. Yumuko ako saka ibinalik ang tingin sa daan.
Iyong nangyari kanina. Kasalanan ko din naman kasi iyon. Sana hindi ko nalang inungkat ang tungkol kay cordelia.
"A...ano, s-sorry.." Sabi ko,nakayuko. Narinig ko lang ang mahinang pagsinghap niya. Hindi siya nagsalita. So it mean, galit siya?
"Erick tungkol kanina-"
"Huwag na muna nating pag-usapan iyon." iyon lang ang sinabi niya saka ulit bumaling sa pagdadrive.
Natigilan ako saglit saka tumango ng marahan. Galit siya saakin. Dapat talaga hindi ko nalang iyon inungkat. Pero kanina kasi, bakit naging ganun? Bakit ko nakikita si cordelia at iyong isang bampirang nag-ngangalang
Russel?"We're here. " Aniya at nauna ng bumaba. Dali-dali akong bumaba at naramdaman ko na naman iyong pakiramdam na sobrang gaan. Na para bang dito ako galing at dito ako nararapat. Kung sa bagay, halos dito na ako lumaki.
Nilingon ko si Erick na kinakausap na ng mga tauhan sa palasyo. May isang lumapit sa akin at iginaya sa akin ang papunta sa bulwagan.
"Ate!" Napalingon ako kay paula. Nginitian ko siya saka niyakap ng mahigpit.
"Kamusta kana ate? " Aniya. Saglit pa akong natigilan ng mahagip ng mata ko si Erick na seryosong nakikipag-usap sa mag-asawang banarez.
"Ahh. Ayos naman ako. Tara na muna sa loob pau. " sabi ko. Tumango ito at sinamahan ako sa bulwagan.
Nadaanan pa namin sila Erick na nag-uusap. Hindi ko masyadong maintindihan iyong pinag-uusapan nila dahil masyadong mahina iyon na para bang ayaw nilang ipaalam sa iba.
"Alam mo ba ate, simula nung umalis kayo ni kuya dito, madalas ng sumasalakay ang mga bad vampires sa palasyo."
Saglit akong napahinto sa narinig ko. May sumasalakay dito sa palasyo?
"B-bakit daw?" Tanong ko. Bigla naman siyang namutla kaya nabahala ako.
"Ahh! G-gusto lang nilang malaman kung paano makakalabas sa portal. Kami lang kasing mga royals ang may kakayahang lumabas pasok sa city." aniya saka ngumiti ng mapakla. Tumango ako kahit na naguguluhan ako sa sagot niya.
"Pero okay naman na ang lahat ate. Wala ng dapat na ikabahala-'
Naputol iyong sasabihin niya ng bigla akong napahawak sa braso niya. Unti-unti akong nanghina at feeling ko bumabalik iyong nangyari kanina. Nararamdaman ko iyong naramdaman ko kanina..
Not now.. Please.. Huwag ngayon!
Xxxxxxxxxxxxx
Paula's POV
"Ate! Oh gosh!"
Kinabahan ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko. Nabigla ako ng kinapa niya ang paligid at sumandig sa dingding.
"Ate! Ate wake up!" sigaw ko habang niyoyogyog siya. Nakapikit siya kaya nung binuksan niya ang mga mata niya ay agad na nanlaki ang mga mata ko. The color of her eyes. It turned into red!
"Ate! W-wake up!" Ilang ulit ko iyong sinasabi sa kanya pero parang wala siyang naririnig.
"Cordelia..."
Nabigla ako nang banggitin niya iyon. Anong kinalaman.ni cordelia dito?
"Cordelia no! Huwag mong gawin iyan! Huwag mo siyang susundin!"
Umiling-iling ako. Anong nangyayari kay ate? Bakit ganito siya? Bakit nag-iba ang kulay ng mata niya? Bakit?
"ate... Ate please wake up. I'm here.. It's me, paula." i said as i wipe my tears.
"Minahal mo si Erick diba? Mahal ka din niya cordelia! Huwag kang sumunod sa sinasabi ni Russel! "
Napatingin ako sa kanya ng marinig ang pangalan ng lalakeng nagtangkang patayin si kuya.
Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil doon. Nakikita ni ate si cordelia at minsan narin niyang naencounter si russel.
Mabilis na tumakbo ako papunta kina kuya. Naabutan ko siyang kausap si daddy.
"Kuya! " sigaw ko. Napatingin siya sa akin na may pagtataka. Nilapitan ko siya saka hinawakan ang braso.
"Anak, anong nagyayari?" ani daddy.
"M..may nangyayari po kay ate Trix. Nag..nag-iba po bigla ang mga mata niya-"
"Shit! Naulit na naman!"
Nabigla ako ng bigla nalang tumakbo si kuya papasok sa loob. Nagkatitigan pa kami ni daddy bago tumakbo papasok at doon naabutan ko si kuya... Nakaluhod siya habang nakayuko. May hawak siyang tela ng damit.. At ang damit na iyon.."A..ate..." Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko ng makitang wala sa silid si ate.. W..wala siya..
"Dether! Ipatawag mo ang mga kawal at halughugin ang buong palasyo! Hanapin ninyo si Mediatrix!" Rinig kong sigaw ni daddy.
Dahan-dahan akong lumapit kay kuya. Ang bilis ng pangyayari.. Kanina lang andito siya tapos bigla nalang siyang nawala..
"Kuya... Sorry.." sabi ko. Kasalanan ko ito. Kung sana hindi ko nalang siya iniwang mag-isa dito.. Hindi sana mawawala si ate.
Yumuko ako saka kinuha iyong damit ni ate. Nagtataka ako kung bakit naiwan sa loob ang damit niya..
"Call adrian at ipahanap mo sa kanya si Trixie.'" iniabot niya sa akin ang damit ni ate trix saka tumayo. Agad ko siyang pinigilan nang akmang aalis siya.
"Saan ka pupunta kuya?" tanong ko. Hinawi naman niya ang kamay ko.
" Alam kong may kinalaman si Russel dito. Babawiin ko lang kung ano ang akin."
And there..naglaho nlang siya bigla..
Sorry ate, kuya..
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)
VampireHighest ranking: #1 in Vampire She's Mediatrix. A simple yet pretty girl. Isang babaeng Mabait at caring sa pamilya. Ngunit ng dumating ang isang trahedya ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya. Ang dating simpleng buhay ay biglang nagbago ng ma...