FIVE
Nagtungo ang dalaga sa silid n Erick. Gusto niya itong makausap. Gusto niyang itanong sa lalake kung may alam ba sya sa kasalan na ginawa ng nga magulang niya. Katok siya ng katok ngunit wala paring sumasagot. Mukhang wala siya dito.
Lumabas ang dalaga sa palasyo at naabutan niya ang kapatid ng lalake na masayang kinakausap ang hangin. Hindi na siya nagtataka kung sino ang kunakausap nito dahil matagal na niyang alam na may kapangyarihan itong kumausap sa nga iba't- ibang nilalang.
"Paula." tawag niya dito. Lumingon naman ang dalaga.
"Yes ate?"
"uh. Napansin moba si Erick? Hibahanap ko kasi eh." sabi niya.
"Hindi ate, pero alam ko kung saan siya palaging pumupunta pag galit o kaya nalulungkot siya."
"Saan? i mean, pwede kobang malaman?" ngumiti ang dalaga. Marahil ay makakapag-usap na ng maayos ang dalawa.
"Sa may plaza ate. Doon siya palging gumagala." pagkatapos sabihin iyon ni paula ay mabilis na tinungo ng dalaga ang plaza kung saan naroroon ang lalake. Gabi na kaya marami-rami naring mga bampira ang nasa labas. Napahinto siya dahil lahat ng bampira ay nakatingin sa knya. Mapababae man o lalake. Napalunok siya dahil sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakalabas ng mansyon. Hindi siya makagalaw dahil aa panginginig ng mga tuhod niya. Takot siya dahil hindi niya masyadong kilala ang mga bampira na nandirito. Ang mga tauhan lang ng hari at reyna ang tangi niyang kakilala.
"Sinong may sabi sayo na lumabas ka ng mansyon?!"
Napabalikwas siya sa knyang pagtayo dahil sa nagsalita mula sa knyang likuran.
"E-erick." ngayon lang siya kinabahan ng ganito. Isama mo pa ang mga masasamang titig ng nga babaeng bampira sa kanya na kulang nalang ay lapain na siya ng mga ito.
"Bakit ka lumabas ng mansyon?!" pag-uulit ng lalake sa tanong. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.
"Gusto sana kitang kasapin tungkol sa kas--" natigilan ang dalaga dahil mabilis na hinila sya ni Erick at hindi niya namalayang nasa loob na pala sila ng silid ng lalake.
"Now, sabihin mona ang problema mo nang maka-alis kana sa kwarto ko." wika ng lalake.
Nainis ang babae sa inasta nito kaya napakuyom siya ng kanyang kamao.
"*sigh May alam kaba sa arrange marriage nayun?" tuloy-tuloy na tanong ni Trix.
Sa loob-loob ng lalake ay naiinis siya sa yanong ni trix. Hindi niya ba alam na ayaw ko rin naman na mapakasal sa knya, tapos tatanungin niya ako ng ganun?! Sabi ni Erick sa isip niya.
"Hindi."
"Wow! Hindi? eh kung maka tahimik ka kanina ay parang alam na alam mo na ang tungkol dun eh! tas sasabi--"
"WALA NGA AKONG ALAM TUNGKOL DUN!" Napa atras ang dalaga sa sigaw ng lalake. Namumula na ang mga mata nito at parang galit na galit. So siya pa ang may ganang magalit? Sa isip-isip ni Trix.
"Nalaman kolang yun nung wala kapang malay kanina. Wala akong magawa dahil para din ito sa kaharian.....at sayo." Mahinang wika ng lalake. Napa-upo nlang ang babae sa kama ng lalake. Ang lalim ng iniisip niya. Bakit kailangan mangyari ito? Ang sugat ko sa hita. aT ang kasal.
"Now tell me, anong mangyayari sakin kapag hindi kita maakasalan?" nakatingin si Trix sa mga asul na mata ni Erick.
"Mamamatay ka." biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig.
"Huh! Bakit naman ako mamamatay?! Dahil papatayin moko?!"
"Ayon sa Propesiya, Kailangang makasal ako sayo upang mailigtas lang ang buhay mo. Dahil sa pamamagitan ng kasal na iyon ay matatapatan mo ang kasamaan na pumapalibot dyan sa katawan mo. At yang sugat nayan, yan ang simbolo ng kasamaan na unti-unting pumapatay sayo." Natahimik ang dalaga sa narinig. Kung hindi siya magpapakasal sa lalake ay maari siyang mamatay at maaari ring matalo ang kaharian nila. At iyon ang ayaw niyang mangyari.
"Pero diba, galit ka sakin. Bakit ka pumayag? Gusto mo pa nga akong patayin noon pa man diba?" nakayukong wika ng babae.
"Sa tingin moba pagkatapos ng pagpapayag kong makasal sayo ay titigilan na kita? Tss. kaya rin ako pumayag para gawing mesirable yang buhay mo. Kaya ngayon palang sinasabi ko na sayo na MAGHANDA-HANDA kana."
nakangisi ang lalake. Hindi na jiya ito nilabanan pa dahil paniguradong matatalo lamang siya nito. Wala narin naman siyang magagawa dahil kung hindi din siya papayag ay mamamatay siya. Kaya kahit labag man sa kalooban niya ay papayag na siya.
"Gusto kong makausap ang mama at papa mo"-Trix
"At bakit naman?"
.
.
"Dahil papayag na akong ipakasal ako sayo."
.
.
.
.
.
.
AN: okaaaaay! yan napo ang desisyon ni Trix! Vomment pls!
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)
VampiroHighest ranking: #1 in Vampire She's Mediatrix. A simple yet pretty girl. Isang babaeng Mabait at caring sa pamilya. Ngunit ng dumating ang isang trahedya ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya. Ang dating simpleng buhay ay biglang nagbago ng ma...