Chapter Fourteen

12.2K 343 3
                                    


Fourteen

Trix's POV

Hanggang ngayon iniisip ko parin ang kagabi. Imposible kayang si Erick nga talaga ang pumatay sa babae? Ngayon palang,tumatayo na ang mga balahibo ko. Nakakatakot siguro pag ganun.

"Trix!"

huh?

Napalinga-linga ako. Sino bayun? Wala akong kasama ngayon dahil papunta ako ngayon sa canteen ng school.

"Dito! Sa may bench!"

Tinignan ko ang bench at nakita ko si mikael na nakangiting kumakaway sa akin. Ngumiti din ako saka kumaway sa kanya.

"Mikael!" tumakbo ako papunta sa kanya. Natatawang tumayo siya at sinalubong ako ng paggulo ng buhok ko. Napa nguso tuloy ako.

"Ang cute mo talaga. Lunch niyo rin ba?" Tanong niya. Tumango ako at umupo sa bench. Hindi pa naman ako nagugutom eh. Tumabi siya sakin.

"Kumain kana ba?" Tanong niya

"Hindi pa naman ako nagugutom eh. Ikaw?"

waaaah! Ang awckward ata ng tanong ko?! eeeh~ kasi naman! Ang gwapo ni mikael! >__<

"Ahm.. not yet. Sabay na tayong kumain. Libre ko."

"Sige!"

hala! Para yatang napaghahalataan ako nito ah? Ngumiti lang siya sakin at nauna nang naglakad. Sumunod ako sa kanya at ang layo talaga ng distansya naming dalawa. Huminto siya at nilingon ako. Napahinto din ako at tinignan siya.

"Bakit?" tanong ko

"Ang bagal mong maglakad. Halika nga."

nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Waaaah!! Naramdaman ko ang kuryenteng dumadaloy sa buong sistema ko! Ganito ba talaga ang magkaroon ng paghanga?

Palihim ako ngumiti habang hinihigpitan ang paghawak sa kamay niya.

"Siya yung Babaeng pinakilalang Fianceé Ni Erick diba?" napatingin ako sa mga babaeng nag-uusap.

Erick? Saka.... Sinabi niyang Fiancee niya ako sa mga kaklase niya?

Agad akong napabitaw sa kamay ni Mikael kaya agad siyang tumingin sa akin.

"May problema ba?" tanong niya.

"Huh? ahh. wala. Hindi lang ako sanay na may kahawak kamay... Saka..."

"Your Fiance? " Napatingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya saka nanghingi ng paumanhin. Tumango lang ako at sabay ulit kaming naglakad.

Naisip ko kung bakit sinabi ni Erick na Fiancee niya ako. I mean, oo nga. Fiancee niya ako pero kailangan ba talagang ipagkalat niya ang tungkol dun? Para ano? Para ipa-intindi sa iba na sakanya lang ako?

tss.

"Okay ka lang? Kainin mo na yang pagkain mo." Nguimiti lang ako sa kanya at sinubo ang Sandwich na inorder niya para sakin. Chicken Sandwich daw tawag dito.

"Trix.."

"Hmm?"

sagot ko. Pinahid ko ang tissuesa bibig ko saka ako umayos ng upo at tinignan siya. Ngumiti siya saka umiling..

"Wala.." sabi niya.

Nakunot ko ang noo ko.

Ramdam ko kasi na may sasabihin siya eh. Tinitigan ko lang siya habang kumakain. Tanong ko lang ha.

Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon