Chapter Twenty

10.7K 282 1
                                    


Twenty....

Hanggang ngayon lutang parin ako dahil sa mga nasaksihan ko kanina. Buong byahe kong tinatanong si erick kung totoo nga bang may kambal ako, pero ito lang ang tanging sagot niya...

"You're so annoying, stop asking." 

Nababaliw na ata ako. Kung hindi lang siguro ako kinurot ni paula kanina, malamang hanggang ngayon, wala ako sa sarili ko. Malakas ang kutob ko na may hindi maganda sa paligid ko. Alam kong may kakaiba pero ano? Hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang nakaraan ng Erick na ito e. Gusto ko sanang magtanong pero natatakot ako sa malaman ko.

Huminga ako ng malalim at sh-nake ang kamay kong kanina pa nanginginig. Hindi ko alam kung bakit ito nanginginig. Siguro dahil ngayon na ang kasal? Oh shit! Napamura ako sa isipan ko ng maisip na naman iyong bagay na iyon. 

Nilibot ko naman ang mata ko sa kwarto ko. Wala namang nagbago except sa itim na long gown na nakasabit sa cabinet ko. That make me feel scary. itim na gown! Ang alam ko ay sa patay lang iyan sinusuot! Umiling ako. Okay Mediatrix, inhale-exhale. 

 Agad namang bumukas ang pintuan at pumasok si paula na nakangiti.She looks like a goddess on her  black cocktail dress. Ngumiti din ako sa kanya nung lumapit na siya sa akin. 

"Bakit hindi ka pa nakabihis ate? Dapat ngayon palang ay nag-aayos kana. " Takang saad niya. Tapos na akong maligo ngunit hindi pa ako nakabihis. Sa ngayon ay naka bathrobe pa lang ako. 

"Ah! sorry, sige, magbibihiis na ako. " 

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Okay na ang buhok at ang mukha ko. Na make-upan na ako at naayusan ng buhok sa isa sa mga tauhan dito sa palasyo. Damit nalang talaga ang kulang. 

"Tulungan na kita ate. God! You're so beautiful! Maiinlove talaga si kuya sa bride niya." Halos masamid ako dahil sa sinabi niya. Inlove?! E wala ngang puso 'yon eh!

"Thanks paula. " Nginitian niya lang ako. Paglatapos kong isuot ang damit ko ay lumabas na ako sa dressing room ng kwarto ko. 

"Okay lang ba-" 

Natigilan ako ng mapagtantong hindi si paula ang kaharap ko. Bigla namang lumabas si paula mula sa CR at natigilan din, ngunit sa akin siya nakatingin at hindi sa kuya niya. Yes, andito si Erick. 

"O my! Ate is that you?! What a gorgeous lady!" Pumalakpak pa siya papalapit sa akin. Mukhang hindi niya napansin ang kuya niya sa loob. Agad niya akong niyakap pero hindi parin maalis ang tingin ko kay Erick. he's wearing a black tuxedo pero ang kaibahan lang nun ay ang itim na cape sa likuran niya. Bakit siya may kapa?!

"Superman? is that you?!" Asar ni paula sa kanya. Buti naman at napansin narin siya ng kapatid niya. Hindi naman siya nito pinansin at agad na lumapit sa akin. Napa-atras ako bigla. Kakagatin naba niya ako at papatayin? Waah! ayoko pang ma-

"Kung papatayin man kita, sana noon ko pa ginawa. Tss. Stupid" 

nagpanting ang mga tenga ko sa sinabi niya. Sisigawan ko na sana siya pero agad naman kaming inawat ni paula. Okay, thanks to paula at inawat nya kami dahil for sure, hindi talaga ako sisipot sa kasal na ito!

"Lets go. Naghihintay na sila sa baba." Sabi niya saka nlahad ang kamay sa akin.

"Teka! Diba dapat andoon ka at hihintayin ako? Rarampa pa ako sa altar hindi ba? Dapat magpapahuli akong dati-"

Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon