Thirty
Erick's POV
"Kuya!"
Napahinto ako ng marinig ko ang tawag sa akin ng kapatid ko. Agad ko namang itinago ang Amulet ni Trixie na nakita kong nakahandusay sa daan. Nilingon ko siya at agad na nginitian.
"Kuya!" tawag ko sa kanya. Huminto siya kaya tumakbo ako palapit sa kanya.
"Bakit? May problema ba?" tanong ko
"Kuya, pwede ba kitang makausap? Kahit saglit lang." Aniya. Huminga naman ako ng malalim saka hinawakan ang magkabilang balikat niya. I stared at her.
"Sorry paula but trixie needs me right now. Bigla nalang siyang nahimatay kanina." Sabi ko. Nakita kong nabigla siya dahil doon ngunit agad naman iyong nawala at napalitan ng pagkainis.
"Kuya, may dapat kang malaman tungkol kay Ate-" Nahinto kami ng may tumawag sa akin kaya doon nabaling ang atensyon ko.
"Prinsipe Erick! Gising na po si Mediatrix!" Sabi nito. Tumango ako saka ulit binalingan si Paula na ngayon ay namamaka-awang makinig ako sa kung ano man ang sasabihin niya.
"What is it again? Anong gusto mong sabihin sa akin?" Tanong ko sa kanya. Nabahala ako ng bigla siyang umatras at umiling.
"T-tungkol kay ate..."
"Paula, trixie's fine now. Masyado ka lang nag-aalala. Aalis na ako." Sabi ko at iniwan na siya doon. Pagtalikod ko ay agad akong huminga ng malalim at hinawakan ng mahigpit ang amulet ni Trixie.
I'm so sorry Paula, ayokong pati ikaw ay mag-alala. Ako na ang bahala kay trixie at sa babaeng nandirito ngayon sa loob ng palasyo.
Bago ko pinihit ang pinto ay itinago ko muna ang amulet na siyang nagsilbing ebidensya sa akin kung bakit ko nalaman lahat ng totoo.
Hindi pwedeng hindi suotin ni Trixie ang amulet na ito dahil panigurado ay may mangyayaring masama sa kanya. At ang Trixie na nasa loob ng kwartong ito ay hindi totoo. Una palang iyon na agad ang napansin ko sa kanya. Ang leeg niyang walang suot na kahit na anong amulet.
Tinignan ko ang amulet na hawak ko. Trix... Just wait for me... Ililigtas kita..
Agad kong binuksan ang pinto sa kwarto ni Trixie. Nakita ko siyang nakatingin sa veranda ng kwarto niya. Mukhang malalim ang iniisip.
I fake a cough kaya naman napatingin siya sa akin. Ngumiti ito at agad akong sinalubong ng yakap. I smirk. What a pretty liar.
"Kanina pa kita inaantay Erick ko." Aniya nang bumitaw na sa pagkayakap sakin. I force a smile.
"Are you okay now?" I asked to her. Tumango siya saka ngumiti.
Iginaya niya ako paupo sa kama katabi niya. Pakiramdam ko ay napaso ang balat ko dahil medyo magkadikit kami. I don't want a liar near me!
"Hindi ko alam kung bakit ako nahimatay kanina, at wala akong maalala." Yumuko siya na tila ba tuta na nawawala. Tsk. She's a drama queen! How come nagaya niya ang boses ni Trixie?! At bakit ko hinahayaang sakyan siya sa mga kasinungalingan niya?!
Because that girl is your Cordelia.
Anang parte ng utak ko na siyang nagpahinto sa akin. Tinignan ko ang maamo niyang mukha.
Magkaparehas ng mukha si Trixie at si Cordelia. Noong una ko siyang nakita, nagkaroon na agad ako ng duda. Pero hindi ko pinahalata sa kanila dahil itong babaeng nasa harapan ko ngayon ay ang babaeng minahal ko dati.
Pero iba na ngayon. Patay na si Cordelia. Hindi na siya pweding mabuhay ulit dahil ako mismo, nakita ko kung papaano siya ginawang Moroi ng mga Strigoi at kung papaano siya pinatay ng ama ko....Tumayo ako na siyang ikinabigla niya.
"Saan ka pupunta?" Aniyang hinawakan ang braso ko.
"Stop it!" Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.
Nanlaki naman ang mata niya ngunit agad naman itong napalitan ng ngiti.
"Sorry erick ko. Alam ko naman na medyo busy kana dito sa palasyo.... Siguro naman pag ikinasal na-"
"Kasal?" Sabi ko. Kumunot ang noo ko habang siya naman ay ngingiti. Naikuyom ko ang mga kamao ko ng ikinawit niya ang dalawang braso sa leeg ko at mataman akong minamasdan. I wanted to push her away from me but i can't. Hindi ko siya magawa-gawang saktan dahil sa siya si Cordelia. At ni minsan hindi ko sinaktan si Cordelia!
"Get away from me.." Sabi ko almost a whisper.
"What about, next week? Let get married next week erick!" She exlaimed instead of letting me go.
Umiling ako saka dahan-dahang ibinaba ang mga braso niya.
"Next week ang araw ng pagkamatay ni Cordelia--trixie... I can't marry you next week.." Dahil hndi naman talaga kita papakasalan. Gusto ko iyong sabihin sa kanya ngunit alam kong hindi pa ito ang tamang panahon.
Nakita ko ang pagkabalisa niya nang marinig ang sinabi ko tungkol sa kamatayan ni Cordelia. Lumunok siya at huminga ng malalim.
"Oh! C-cordelia... S-she's your first love right?" Nakangiti niyang tanong sa akin.
Napawi naman ang emosyon sa mukha ko ng sabihin niya iyon.
"Not anymore..." sabi ko.
Nakita ko siyang natigilan and there, i saw pain in her eyes. Umiwas ako ng tingin bago pa ako manghina dahil ngayon. Sigurado na ako na siya nga talaga si Cordelia.
Tumalikod ako at naglakad ng bigla niya akong pinigilan at nagsalita.
"B-bakit?" Aniya. I can feel it. I can tell that she's crying right now.
"Do you really want to know why? Huh trix?" Sabi ko nang hindi siya nililingon..
"Y-yes..."
I tightly closed my eyes before i could speak.
"Because.... Because i love YOU. I love you that's why i didn't love her anymore. Because of you i'm starting to forget her. Dahil sa'yo nakalimutan ko ang katagang "first love never die" kasi ngayon, i'm starting to believe that First love dies.. And it's all because of you..... TRIXIE."
After that, nagsimula na akong magmartsa palabas. Alam kong alam niya kung anong ibig kong sabihin doon.
Naglabas ako ng isang malakas na buntong hininga.Simula ngayon, doon na ako magfo-focus sa paghahanap kay Trixie. Hahanapin ko ang totoong Trixie bago pa mahuli ang lahat.
At pag nahanap ko na siya, Gagawin ko kung ano ang nararapat na parusa para kay Cordelia. Kahit na humantong pa ito sa kamatayan..
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
AN: Say something people!! :)
VOTES AND COMMENTS ARE NOW ACCEPTED! ^_^
BINABASA MO ANG
Ang Asawa Kong Bampira (COMPLETED)
VampirHighest ranking: #1 in Vampire She's Mediatrix. A simple yet pretty girl. Isang babaeng Mabait at caring sa pamilya. Ngunit ng dumating ang isang trahedya ay biglang nagbago ang takbo ng buhay niya. Ang dating simpleng buhay ay biglang nagbago ng ma...