Kabanata 1

4.4K 58 23
                                    

This is going to be my first story here in wattpad.

I choose to write it in Tagalog/Filipino because it's actually easier for me to express my thoughts and ideas in my native tongue. Opkors!

Ay ewan bakit pa ako nag-i-English.

Kunwari para sa mga foreigner na lang yun. :p

——————————————————————————

——————————————————————————

Sa mga sandaling iyon ay hindi niya alam ang gagawin. Isang araw na siyang wala sa sarili simula nang dumating siya sa islang iyon. Nasa isip pa din nya ang pangyayaring ni sa panaginip niya ay hindi niya akalaing mangyayari. At noong makalawa lang niya iyon nalaman.

Napabuntunghininga siya. Sa totoo lang kasi ay wala siyang maalala... Talagang wala. Maliban na lang sa sinabi ng isang babaeng nagngangalang Sylvia na nanay daw niya, na may amnesia siya.

Ah! Ang sakit sa ulo kapag pinipilit niyang alalahanin ang nangyari sa kanya sa nakalipas na mga taon. Pero wala talaga saying maalala. Napabuntong hinininga ulit siya. Hindi na niya alam kung ilang beses na niyang ginawa iyon simula ng maupo siya sa may dalampasigan ng dagat habang nakatanaw sa papalubog na araw.

"Ferel?"

Isang tawag mula sa likuran ang narinig niya. Ngunit hindi niya iyon pinansin.

"Ferel, anak?"

Tawag ulit ng boses mula sa kanyang likuran. May bigla siyang naalala. Ferel. Iyon ang pangalan niya sabi ng kanyang inang si Sylvia. Dahan-dahan siyang lumingon at nakita niya ang nag-aalalang mukha ng ina.

"N-nay," nag-aatubli niyang sabi. Hanggang sa mga sandaling iyon pa rin ay hindi niya matandaan ang mukha ng nanay niya. Sumama lamang siya rito dahil ayon sa doktor ay ito daw talaga ang kanyang ina. At mukha naman itong mabait kaya wala na siyang nagawa nang sabihin nitong uuwi na sila.

"May problema ka ba?" tanung nito na tumabi sa kinauupuan niya.

Tipid siyang ngumiti bago sumagot. "Meron ho," tumingin siya sa mukha ng ina. May nakita siyang lungkot sa mga mata nito. "Kanina ko pa po may gustong maalala, pero sumasakit lang po ang ulo ko."

"Huwag mo munang pilitin anak," may pag-aalala sa tinig nito. "Darating din ang araw na babalik lahat ng alaala mo."

"Opo," iyon na lamang ang naisatinig niya. Pero ang totoo ay gusto niyang magtanung ng mga bagay-bagay tungkol sa sarili. Ngunit mas pinili niyang ipagpaliban niya muna iyon baka may maalala siya sa susunod na araw.

"Halika na, pumasok na tayo sa bahay," yaya nito na hinawakan siya kamay.

"Mamaya na po. Gusto ko pa pong makakita ng mga bituin," pagtanggi niya sa ina na hindi naman nito tinutulan. Nag-ukol lang ito ng ngiti saka tumayo at naglakad patungo sa isang kubong tantiya na ay may labing limang metro ang layo mula sa dalampasigan.

Sinundan niya ito ng tingin ng saka ibinalik ang tingin sa baybayin. Nagsisimula nang magpaalam ang liwanag ng araw at ilang sandali pa ay tuluyan nang dumilim ang buong paligid. Tumingala siya at nakita niyang may mangilan-ngilan nang bituin sa langit. Walang ilaw sa paligid ng isla kaya nangibabaw ang liwanag ng mga ito. Napangiti siya. May kung anong hangin ang nagpangiti sa kanya. Hindi niya maintindihan. Siguro mga bituin ang nagpapasaya sa kanya dati.


Matagal-tagal din siyang nakatingala nang may narinig siyang mga yabag na papalapit sa kanya. Lumingon siya. Nakita niyang papalapit ang kanyang ina. Siguro ay papapanhikin na siya nito sa kabahayan.

"Alas siyete na ng gabi, anak. Baka nagugutom ka na. Pumasok na tayo't makapaghapunan ka na din." sabi nito nang makalapit ito sa kinaroroonan niya.

"Sige po," wika niya at sinabayan ng lakad ang ina patungong kabahayan.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

A/N:

Sa unang apat na kabanata, medyo maiikli lang 'yong chapters. Pinagtiyagaan ko lang kasing i-type to sa ipod. Hehe. Kala ko mahaba na. Pero nang i-upload ko ang ikli pala. Kaya naman, sorry po. Sana hindi kayo ma-disappoint. :)

ALAALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon