Kabanata 13

1.1K 22 1
                                    

 Lourdes' photo on your right side. :)

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxxoxoxoxoxoxoxo

Nagpalipat lipat ng tingin si Ferel sa tatlong taong naroon. Kay Mamerto, Aling Sylvia at sa babaeng tinawag ni Mamerto na Lourdes. Puno ng katanungan ang bawat titig na iniukol niya sa mga ito. Pero wala ni isa ang pangahas na nagsalita.

Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan nilang apat. Isang minuto, dalawa, tatlo, sa wakas ay nakuha ding magsalita ni Mamerto.

“Lourdes…” anito na titig na titig sa babaeng nakatingin lang sa kawalan.

“Umalis ka na Mamerto!” Matigas na sabi ni Aling Sylvia

“Pero Aling Sylvia, ang sabi niyo sa akin patay na si Lourdes!” Sigaw nito.

Napapitlag si Ferel. Nagulat siya sa lakas ng pagsigaw nito. Anong nangyayari?

Lumapit ang nanay niya kay Lourdes.  “Tingnan mo siyang mabuti, Mamerto,” anito, “hindi ba para na siyang patay?”

“Anong ginawa niyo sa kanya?”

“Hindi ako ang may kagagawan niyan, ikaw, ikaw, Mamerto!”

Anong sinasabi ni Nanay? Wala akong naiintindihan! Sigaw ng utak ni Ferel. Nang mga sandaling iyon ay wala siyang magawa kundi tingnan lang ang kung sino mang nagbibitaw ng salita.

“Paanong ako? Maganda ang relasyon namin noon ni Lourdes. Alam niyong masaya siya sa akin. Pero pilit niyo siyang inilayo! Tapos ako ang sisisihin niyo ngayon?” nagaapoy sa galit ang mga mata ng binata.

“Binalaan na kita dati, Mamerto, na huwag na huwag kang lalapit o makikipaglapit sa anak ko. Pero hindi mo ako pinakinggan. At dahil sa ginawa mong ‘yon, tingnan mo ngayon si Lourdes!”

Umiling si Mamerto. Mabilis nitong nilapitan si Lourdes. Lumuhod ito sa harapan ng babae at saka masuyong hinaplos ang pisngi nito. Ngunit wala itong reaksiyon.

Kitang kita ni Ferel kung paano hinaplos ni Mamerto ang pisngi ni Lourdes. Masuyo iyon. Puno ng pagmamahal. Nawalan lang siya ng alaala pero hindi siya tanga. Marahil ay magkasintahan ang mga ito bago pa man siya mapadpad sa islang iyon. May naramdaman siyang kirot sa dibdib niya.

“Lourdes, mahal ko, anong nangyari sa ‘yo?” tanong ni Mamerto kay Lourdes. Basag ang boses nito.

“Hindi ka niya naririnig Mamerto,” ani Aling Sylvia, “kung marinig ka man niya marahil ay hindi ka na niya makilala.”

“Inuulit ko po, anong nangyari sa kanya?” nilingon nito ang nagsalita.

“Umalis ka na lang rito, Mamerto.”

“Isasama ko sa ‘min si Lourdes.”

 “At tingin mo papayag ako?”

“Isasama ko siya sa ayaw at sa gusto niyo,” giit ni Mamerto

ALAALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon