Kabanata 8

1.3K 23 9
                                    

Martes ng umaga. Bumangon si Mamerto. Nag-unat siya ng kanyang kamay saka bumangon. Tumingin siya sa orasan sa gawing kanan niya. Alas sais na pala. Lumabas siya mula sa silid na tinulugan niya. Bumungad sa kanya si Dina na naghahanda ng agahan. Naramdaman yata siya nito at saka lumingon.

“O, Kuya, gising ka na pala,” bungad nito sa kanya.

“Anong agahan?” tanong niya.

“Kamote at kape.”

“Nasaan si Inay at Itay?” kaswal niyang tanong na dinulugan ang nakahain sa mesa.

“Nasa bayan sila. Maaga nga silang umalis,” sagot nito.

Sumulyap siya sa labas. Wala ang bangkang de motor nila. “Ano daw ang gagawin nila doon?”

“Bibili ng bigas.”

Tumango-tango siya. Isang mangingisda ang kanyang amang si Mang Isidro samantalang isang mananahi ng basahan ang kanyang ina na si Aling Minda. Pero tatlong beses lang sa isang Linggo ang pasok nito. Lunes, Miyerkules at Biyernes. Kaya siya nagtatanong dahil Martes ngayon at dapat wala itong pasok.

“Saan ka pala galing kagabi, Kuya?” pagkaraan ay tanong nito.

“Diyan lang naglakad-lakad.”

“G-galing ka ba sa bahay nila Ate Lourdes?” may pag-aalangan sa boses nito.

Kumunot ang noo niya. “Sinundan mo ba ako kahapon?”

“Hindi, pero nakita kita na doon papunta.”

“Kumain ka na lang d’yan at ‘wag nang masyadong mausisa. Masama sa bata ‘yan,” pag-iiba niya ng usapan.

“Hindi na ako bata, Kuya.” pagtatama nito.

Sabagay, kinse anyos na ang kapatid niya. “Bata ka pa rin para sa ‘kin.”

Sumimangot ito saka nagsalita, “Lagi ka na lang may inililihim sa ‘kin. Akala ko ba magkaibigan tayo. Ang mag-kaibigan hindi dapat naglilihiman.”

Natawa siya. “Hindi naman kita kaibigan, Dina, kapatid kita.”

“Iyon na nga e, mas higit pa tayo sa magkaibigan, magkadugo pa tayo,” giit nito.

“Hindi lahat ng bagay na gusto mong malaman, Dina ay malalaman mo. Ang iba sa mga bagay na iyon ay sadyang kailangan ilihim o kaya naman ay tuluyan nang burahin,” paliwanan niya.

“Hindi naman kita maintindihan e.” maktol nito.

“Kita mo na, kaya hindi mo naiintindihan kasi bata ka pa. Ang nakakaintindi lang ng sinabi ko ay ‘yong mga kasing edad ko na o higit pa.”

Napakamot ito ng ulo. “Sige na nga, suko na ako.”

Napangiti siya. Buti nalang at maagap niyang napigilan ang pangungulit ng kapatid niya. Itinuloy niya ang pagkain at pagkatapos ay siya na ang umako ng paghuhugas ng mga pinagkainan.

Naghuhugas na siya nang maisip niya ang ginawa niya kagabi. Wala naman talaga sa isip niya ang pumunta sa bahay ng Ferel na iyon. Pero doon siya dinala ng kanyang mga paa. Nasa loob na siya ng kubo bago pa man tuluyang magdilim. Doon nanariwa sa isipan niya ang nakaraan nila ni Lourdes. Hindi niya napansin na masyado na pala siyang nagtatagal doon sa silid tulugan ng mag-ina. Kaya naisipan niyang sindihan ang gaserang naroon nang biglang sumulpot sa likuran niya si Ferel. Galit ito sa kanya.

Tinapos na niya ang paghuhugas. Lumabas siya ng kubo. Nakita niya si Dina na naglalaro ng buhangin sa may dalampasigan. Naglalakad siya papalapit dito.

“Anong nilalaro ng kapatid ko?” panunukso niya sa kapatid.

“Buhangin,” tipid na tugon nito.

“Dapat hindi ka na naglalaro niyan.”

“At bakit?”

“Kasi ang dalaga hindi na dapat naglalaro,” natatawa niyang sabi.

“Inaasar mo naman ako, Kuya e,” naiinis na sabi nito.

Tumawa siya nang malakas. “Kasi hindi na bagay sa’yo ang maglaro.”

“Ayaw mo naman akong kausapin e, kaya naglalaro na lang ako.”

“Kinakausap naman kita ngayon ah.”

“Hihintayin ko na lang ang pagdating nina Inay at Itay,” pag-iiba nito ng usapan saka tumayo.

“Ayaw mo na ba akong kausapin?” tanong niya. Tingin niya ay nagtatampo nga ang kapatid niya.

“Basta ba sasagutin mo ang tanong ko,” ngumiti ito.

“Ano ba ‘yon?”

“Bakit papalapit dito ‘yong babaeng kausap mo kahapon?” nakanguso ito sa may likuran.

Napalingon siya. Nakita niya si Ferel na papalapit. “Ano naman kaya ang ginagawa niyan dito?”

“Bakit hindi siya ang tanungin mo?” balik tanong ng kapatid niya.

Binalingan niya ito. “Pumasok ka muna sa loob.”

“Gusto ko siyang makilala, Kuya.”

“Sa susunod na lang Dina, ha?”

“Pero Kuya...”

“Sige na Dina, pumasok ka muna,” pakiusap niya.

Wala na itong nagawa sa pakiusap niya. Tumango ito saka naglakad patungong kubo.

xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

Author's Note:

Ahem, Ngayon ko lang naisipan na maglagay ng character.

So if you'll notice the photo on the right side, opo, siya po sa Mamerto. hehe.

Pasensiya na, hindi ko kasi pinag-isipan 'yong name niya. Gusto ko kasi 'yong pangprobinsya na pangalan..so.. ayan! Mamerto na nga!

ALAALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon